SCENE 25

4.7K 118 5
                                    


HINDI makatulog si Sheye nang gabing iyon. Bukod pa sa namamahay siya ay ayaw siyang patahimikin ng mga titig at sinabi ni Xander sa hapag-kainan na para bang alam nitong siya si Debbie.

Posible kayang alam na ni Xander ang totoong pagkatao niya?

No way! Hindi puwedeng mangyari iyon. Bukod pa sa siniguro ni Doña Alejandra na sila lang dalawa ang nakakaalam ng ginagawa niyang pagpapanggap ay malabong malaman ni Xander na siya si Debbie, maliban na lang kung may pagka-psychic ito.

Pero bakit kailangang nakatingin pa si Xander sa kanya habang sinasabi ang tungkol sa babaeng may malaking pagkakautang dito? And in the first place, bakit kailangan pa nitong banggitin ang tungkol sa babaeng iyon sa harap ng hapag-kainan?

Hindi na mabilang ni Sheye kung ilang beses na nagpabiling-biling siya sa kama. Gustong-gusto niyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina para maghanap ng sitsirya para kahit paano ay mapakalma niya ang sarili at maibsan ang pagka-paranoid pero natatakot siyang baka makita niya sa ibaba si Xander. Ayon sa narinig ay hindi ito nakatira sa mansiyon. Paminsan-minsan lang itong natutulog doon. Pero nang gabing iyon ay hindi umuwi ang binata sa bachelor's pad nito at hindi niya gustong isiping siya ang dahilan.

Hindi kaya tinatakot lang niya ang sarili? Baka naman talagang galit na galit lang si Xander kay Debbie kaya pati sa hapag-kainan ay nasabi nito ang niloloob. At hindi naman siguro ito magsasalita ng tungkol doon kung hindi rin nagsimula ng usapan ang doña tungkol sa babaeng dahilan ng bad mood ng anak.

Tama. Paranoid lang siya. Kaya hindi siya dapat mabahala. Huminga siya nang malalim at nagtalukbong ng comforter. Sa makalawa ay lilipad sila ng don patungong New York. Sa wakas, makakasakay na rin siya sa eroplano at makakarating sa Amerika. Bigla siyang na-excite sa naisip. Sandali niyang nakalimutan ang tungkol kay Xander nang maisip kung ano-ano ang naghihintay sa kanya sa pamamasyal sa ibang bansa at paglalayag sa Caribbean sea.

Naputol ang pangangarap niya nang marinig ang mahihinang katok sa pinto ng silid. Napabalikwas siya. Pumasok agad sa isip niya si Xander.

"Hija, tulog ka na ba?" anang tinig mula sa labas ng pinto.

Nakahinga siya nang maluwag nang mabosesan si Doña Alejandra. Lumapit agad siya sa pinto at binuksan iyon.

"Naabala ba kita?"

"Hindi po."

"Nagpaakyat ako kay Lory ng gatas. Naisip ko kasi na baka namamahay ka at hindi makatulog agad kaya nagpatimpla ako ng gatas para sa 'yo. Hintayin mo na lang, aakyat na iyon. At kung may kailangan ka, puntahan mo na lang ako sa kuwarto ko, ha? I'm awake till eleven." At nagpaalam na ang matanda pagkatapos siyang muling magpasalamat sa pagkamaalalahanin nito.

Mayamaya nga lang ay nakarinig uli siya ng katok na marahil ay galing kay Lory. Pero pagbukas niya ng pinto ay hindi ang katulong at ang gatas na dala nito ang nabungaran niya. Standing outside was Xander, hair dishevelled and eyes in slits. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Ilang sandali niyang naisip na pagsarhan ito ng pinto dala ng sobrang kaba. Pero pinanaig niya ang isip. Hindi niya dapat pagsarhan ang "pinsan" kahit pa mukha itong nakainom.

"B-bakit?" Hindi naiwasan ni Sheye ang panginginig ng tinig nang mapagpasyahang magsalita.

Hindi sumagot si Xander. Nanatiling nakatitig lang ito sa kanya. His stare was so intense it seemed to sear her body. She could not help but swallow hard.

"Ah... may kailangan ka ba?" aniya.

Pero sa gulat niya ay walang sabi-sabing pumasok ito at isinara ang pinto. She gasped when he grasped her arm and shoved her back against the wall. He grabbed her nape and bent his head down. And the next thing she felt, his mouth was erotically smashing hers... 

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon