Chapter 4 -

28 2 0
                                    


Ice's POV

Nakasimangot akong bumaba ng bahay nila Kuya Jihyun. Hindi ko pinansin si Kuya Jihyun.

Kinuha ko ang headset ko sa bag at nagpatugtog na lang ng K- Pop.

Dumeretso ako sa Dining Table. Nakita ko si Kuya Jihyun na kumakain na.Hindi pa man ako nakarating ng dining table ay naramdaman na niya ang aking presensiya.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay tahimik akong umupo at diretsong kumain.

Tapos na ako kumain.Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay dumeretso na ako ng kotse.

Jihyun's POV

Kumakain ako ng tahimik at hinihintay na bumaba si Ice.

Napaisip ako sa sinabi niya kahapon. Tama siya kailangan kong protektahan siya. Ayoko naman talaga siyang layuan. Kailangan ko lang pero napagisip ko na hindi ko kailangan protektahan siya.

Naramdaman ko ang presensiya. Tinignan ko siya. Tumingin ako sa uniform na suot niya. Ang school Uniform ng Synder. Tinignan ko siya ng patago.

Bagay sakanya yung uniform ng highschool student

Huwag kang magisip ng ganyan Jihyun!!Kapatid lang dapat ang ituring mo saknya.

Nakita ko na nakaearphones siya habang kumakain. Alam ko na nagtatampo siya. Sino bang hindi diba?

Busog na ako. Tumayo na siya at kinuha niya na ang bag niya at dumeretso sa labas.

*sigh*

Uminom na ako ng tubig. Kinuha ko na ang bag ko at tumayo at pumunta na sa kotse.

Umupo na ako sa backseat. Nakita ko doon si Ice na nakaearphones. Nagtatampo siguro kaya ganyan.

Awkward.

Tahimik lang kami habang papunta sa school. Si Manong naman ay patingin - tingin sa amin ni Ice sa side mirror.

*sigh*

Ice...." Tawag ko sakanya. " Alam ko na galit ka dahil sa sinabi ko sayo kagabi pero... Iniisip ko lang ang kaligtasan mo. I'm sorry. " sabi ko sakanya.

Maya- maya ay dumating na kami sa school. Nauna akong bumaba. Inalalayan ko si Ice. Hindi na siya nakaearphones. Kinuha ko ang bag naming dalawa. Tahimik kaming naglalakad ng hallway habang palinga-linga sa amin ang mga estudyante.

Who would'nt ?? Alam mo na kilala kayong anim dito sa school kaya ganyan na lang reaksiyon nila.

Napatigil ako saglit ng makita ko si Xien ( Pronounce as Shen ). Lumapit siya sa amin ni Ice at pasimpleng tinuro si Ice na para bang tinatanong kung si Ice na yan.

Tumango ako. Napatingin ako kay Ice na kanina pa tahimik. Hindi ako sanay na ganito si Ice. Palagi kasi siyang masayahin kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Hahayaan ko na muna siya.

Nakarating na kami sa classroom niya. Binigay ko sakanya yung bag niya. " Thanks" sabi niya at pumasok ng classroom.

Kasalanan mo din kasi Jihyun!! Kung sana sinabi mo edi sana wala ng problema !

Hayys oo na kasalanan ko na.
Tahimik lang kami ni Xien na pumunta sa classroom namin. Nakikiramdam yan alam niya na ayaw kong makipagusap kahit kanino ngayon.

Nakarating na kami ng classroom. Binuksan ko ang pinto at pumunta agad sa upuan ko. Hindi ko pinansin ang mga titig nila sa akin. Kinuha ko ang earphones ko at nakinig na lang ng music.

I don't care kung nandito na yung teacher. Tinanggal ko lang ang earphones ko at bored na tumingin sa teacher.

After so-called- boring lesson ay recess na. I got up to go to the cafeteria. Bahala na sila Xien. Lumabas na ako ng classroom. Hindi pinansin ang mga titig ng mga estodyante sa akin. No sa amin pala. Nararamdaman ko ang presensiya nila Shin sa likod ko. Nakasunod sila.

I know ayaw nilang magingay lalo na't alam nilang wala ako sa mood.

Third Person's POV

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong Seclusion Night. Maya-maya ay napapatingin sila kay Jihyun na kanina pa tahimik. Nasa cafeteria sila ngunit nagmistulang itong tahimik kahit na madaming estudyante ang kumakain. Minsan may napapatinging estudyante sa table nila Jihyun dahil sa sobrang tahimik nila. Pati tuloy ang mga ibang estudyante ay tumahimik.

Napatingin ang lahat ng nagbukas ang pintuan ng cafeteria. Tumatakbo si Ice at animo'y may hinahanap. Napatingin si Ice sa table nila Jihyun. Tumakbo ito papunta kela Jihyun. Humahangos ito ng makalapit kela Jihyun. Nagulat si Jihyun ngunit kalaunan ay binigyan niya ng tubig si Ice. Samantalang nakatingin lahat ng tao sa table nila Jihyun sa biglang pagpunta ni Ice doon. Iisa lang ang nasa isip ng mga tao.

' Sino ang babaeng yun? '

" Kuya sila Mama at Papa nasa hospital *humikbi* na-ak-sidente daw si-la kuya...Malala daw ang lagay nila" Humihikbing sabi ni Ice. Nagulat si Jihyun. Napatingin naman ang iba pa kay Ice. Kilala nila Ice dahil palaging kinwekwento ito ni jihyun.

"What? Kung ganon Tara na. Shin halika dala mo sasakyan mo diba? Kung gusto niyong sumama bahala kayo. Tara na Ice. " Pagkatapos sabihin iyon ni Jihyun ay hinila niya na si Ice at tumakbong pumunta ng parking lot habang ang iba ay sumunod. Naiwan si Xyrone para kumausap sa guidance para magpaalam.

Humihikbing tumatakbo si ice. Ang tanging iniisip niya lang ngayon ay ang kanyang mga magulang. Wala siyang pake kung magmukha siyang tanga sa bago niyang eskwelahan. Kahit na may tampo siya kay Jihyun ay hindi niya na pinansin. Alam niyang siya lang ang makakaramay niya ngayon.

Nakapunta na sila sa parking lot at hanggang ngayo ay hindi siya mapakali. Dali daling binuksan ni Shin ang kotse niya. Sumakay si Jihyun sa may front seat habang nasa backseat si Ice.

Hindi nila namalayan ang oras. Nakadating sila sa Hospital na pinagdalhan sa magulang ni Ice. Nakita nila Jihyun ang mama at papa nito habang naghihintay ss emergency room. Nakita ng magulang ni jihyun sila dalwa at dali-daling niyakap si Jihyun at Ice. Samantalang tahimik lang sina Shin sa isang tabi.

Dumating na din si Xyrone ilang saglit. Isang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa din lumalabas ang doctor. Tahimik lang ang pamilya ni Jihyun. Kagaya ni Xyrone ay kadadating lang din ng dalawang nakakatandang kapatid ni Jihyun. Close ang mga ito sakanya kaya kahit na may pasok ang mga ito sa unibersidad ay nagcutting classes ang mga ito.

Maya maya ay lumabas na ang doctor. Dali dali namang lumapit si Ice." Sino ang kamaganak ng pasyente? " tanong ng doctor. " Ako po Doc. Kamusta na po sila?? Doc okay lang po ba silaa???" Humihikbing tanong ni Ice.

Nanlumo naman ang doctor at hindi alam kung paano sasabihin kay Ice ang nangyare sa operasyon." You see..Ms.Monterde..I'm very sorry. We do our best to save them but they died. Im sorry " pagkatapos non ay biglang umalis ang doctor.

Tuluyan ng umiyak si Ice. Ang kaninang mga luha na pinipigilan niyang lumabas ngayon ay sunod sunod ang pagtulo. ' No... no this is not true....buhay pa sila mama...." humihikbing sabi ni Ice.

Sa sobrang pagiyak nito ay bigla itong nahimatay.

" ICE!" sigaw lahat ng nandun.

Gangster's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon