"SANA"
May nabalitaan ako
May napupusuan ka na pala
Alam mo bang dinamdam ko ito?
Sabi nila patay na patay ka sa kaniya
Magtitirik na ako ng kandila para sa namatay kong pusoIniisip ko anong feeling maging siya?
Siguro sobrang saya
Walang makakapantay sa ligayang nadarama
Parang lumilipad sa kalawakan
Nagdiriwang na parang anghel sa kalangitanPero mas masaya sana kung totoong ako siya
Kung sana ako na lang siya
Kung sana naging ako na lang siya
Kung sana ako yung minamahal mo
Kung sana ako yung dahilan ng kaligayahan moSana ako yung nagpapasaya sayo
'Pag malungkot ka
Sana ako yung nagpupunas ng luha mo
'Pag umiiyak ka
Sana ako yung gumagawa sa mga bagay na ginagawa niyaAlam mo ba?
Sa buong buhay ko
Ngayon ko lang hiniling na maging ibang tao
Sana ako na lang siya
Na minamahal mo ng sobraNasasaktan ako
Pero tuwing nasa harapan mo ako
Pinipilit kong maging masaya
Pinipilit kong tumawa
Pinipilit kong itago ang sakit na nadaramaWala ng mas sa sakit pa
Ako ay hindi magiging siya
Kailangan kong tanggapin to
Hindi ka magiging pagmamay-ari ko
Dahil walang tayo, meron lang ang kayoTitigil lang akong umasa
Pero hindi ang mahalin ka
Kailan man hindi mapapagod ang puso ko
Mamahalin pa rin kita ng buong puso
Kahit walang kasiguraduhan ang salitang "tayo"Lagi mong tatandaan
Sa oras na umiyak ka't saktan
Nandito lang ako, naghihintay sayo
Handang punasan ang luha mo
Handang makinig sa mala MMK mong kwento

BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
PoetryCompilation of Spoken words poetry. Made by myself Para sa mga taong nagmamahal, bigo, nasaktan, torpe, umiiyak, pina-asa ng pag-ibig. Sa mga taong sa sulat linalabas ang mga saloobin.