"TORPE"
Isinulat ko to
Dahil hindi ko masabi sa harapan mo
Isa kasi akong dakilang torpe
Hindi maka-amin dahil napipipeSana 'pag nabasa mo 'to
Huwag mo akong iwasan
Hindi ko makakayanan
'Yon pa ang isang dahilan kung bakit hindi ko masabi sayoPasen'sya na kung ako'y naglilihim
Baka kasi mata mo'y magdilim
Tignan mo ng matatalim
Dahil minamahal kita ng lihimIbinulong sa hangin
Isinulat sa buhangin
Isinigaw sa kawalan
Ang salitang "mahal kita, kaibigan"Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo
Kaya kitang ipagmalaki sa tropa't kakilala ko
Isa lang ang hindi ko kaya
Ang ipagtapat sayo na mahal kitaOo, torpe ako pagdating sayo
Hindi ako makapagsalita ng maayos sa harapan mo
Masisisi mo ba ako?
Torpe ako pero mahal kita walang halong biroAng hirap maging torpe
Pero mas mahirap magmahal ng patago
Masyado ka kasing importante
Iniingatan kita, ayokong mawala ka sa tabi koTorpe ako, ikaw naman ubod ng manhid
Hindi mo maramdaman ito ay aking batid
Kailangan pa bang sabihin
Upang ako'y iyo ding mahalinAng torpe torpe ko kasi
Tapos nagseselos ako 'pag may iba kang katabi
Halos patayin ko sila sa isip ko tuwing gabi
Naiinis ako sa aking sarili sapagkat hindi ko masabi ang isinisigaw ng puso kong sawiMaraming torpe sa mundo
Pero ako na yata ang pinakamalala
Hindi ko alam ang gagawin 'pag nandyan ka
Pero tong torpeng to mahal ka higit pa sa sarili koGusto kong magtapat sayo
Ang tanong "paano"
Kailangan ba'y romantiko o simpleng pagsabi lamang ng mahal kita
Nakakangamba lamang dahil baka katawan ko'y 'di makisamaTorpe kung ako'y tawagin
Ngunit ikaw lang ang aking mahal at mamahalin
Iisang tao lamang ang aking pinapanalangin
Wala iba, kundi ikaw. Ikaw na tangi kong iibigin
![](https://img.wattpad.com/cover/124148161-288-k939641.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
PoesieCompilation of Spoken words poetry. Made by myself Para sa mga taong nagmamahal, bigo, nasaktan, torpe, umiiyak, pina-asa ng pag-ibig. Sa mga taong sa sulat linalabas ang mga saloobin.