SWP 3: Sa Taong Mahal ng Mahal Ko

119 3 0
                                    

"Sa Taong Mahal Ng Mahal Ko"

Ipagkakatiwala ko na siya sayo
Dahil ikaw ang mahal ng mahal ko
Masakit ngunit alang-alang sa kaniya
Gagawin ko ng walang pagdududa

Sayo siya masaya
Sayo niya makakamtan ang tunay na ligaya
Na kailanma'y 'di niya malalasap sa piling ko
Hangad ko ang kaligayahan niyo

Kasama ko nga siya
Ako nasa tabi niya
Ngunit hindi ko maramdaman ang kaniyang presensya
Laging ikaw ang tinatanaw ng kaniyang mga mata

Mga mata niya'y parang talang nagniningning sa langit
'Pag ikaw ay nakikita niya na sa akin ay nakakasakit
Tila isang patalim na sa puso ko'y tumutusok ng paulit-ulit
Talo ako dahil puso niya'y tuluyan mo ng nabingwit

Sa taong mahal ng mahal ko
Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko
Pahalagahan mo siya higit pa sa pagpapahalaga ko
Ingatan mo siya higit pa sa ginawa ko

Pagpasensyahan mo ang pagiging isip bata niya
Unawain mo ang katigasan ng ulo niya
Lambingin mo 'pag siya'y nagtatampo na
Panatilihin mo ang ngiti sa nga labi niya

Huwag kang gagawa ng ikakasama ng loob niya
Huwag mo siyang sasaktan at paiiyakin
Huwag mo siyang iiwan mag-isa
Dahil 'di ako magdadalawang isip na ika'y suntukin

Nagparaya ako hindi para saktan mo siya
Nagparaya ako para maging masaya siya
Pinili ko kung saan siya'y masaya
'Di baleng ako ang nagdurusa

Sa taong mahal ng mahal ko
Naiinggit ako sayo
Sa taong mahal ng mahal ko
Napakaswerte mo dahil minahal ka niya nang buo

Sa taong mahal ng mahal ko
Sa oras na siya'y saktan mo
Babawiin ko siya sayo
Dadalhin ko siya sa malayo. Malayo sayo

Hindi ko hahayaang makalapit ka
Tuturuan ko ang puso niya na magmahal ng iba
Naniniwala akong kayang turuan ang puso
Papatunayan kong mas karapat-dapat ako

Sa taong mahal ng mahal ko
Mahal na mahal ka niya
Sa taong mahal ng mahal ko
Pakiusap, huwag kang magsasawang mahalin siya

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon