•Chapter 3•

46 2 0
                                    

Jhurain

"Ikaw?" Ulit ko. Tinulungan ko siyang tumayo.

"Ikaw yung lalaki dun sa park?" Tanong niya. "Ah, oo" Napakamot ako ng ulo. "Kamusta na?" Tanong niya. "Still moving on." Sabi ko. "Ah, makakapag move on ka rin." Tska siya ngumiti. Nginitian ko rin siya. "By the way, thank you nga pala sa advice. Bigla kana kasing nawala nung gabing yun eh."

"Wala yun. Gabi na kasi non, Tska kailangan mong mapag-isa."

"Bro! Tara na!" Tumatakbo na si Steven. Oo nga pala, test namin ngayon. "Bro, di mo naman sinabi, may kasama ka pala." Tsk. Chickboy. -_- "Ah, sige, ano nga pala pangalan mo?"

"Yen. Yen Mikky Santiago."

"Sige,Yen. Bye!" Nag-wave na rin siya. "Bro! Tara na!" Sabi ko kay Steven. "Na-starstruck ka dyan?

"Ang ganda niya pare eh. San mo nakilala yun." Baliw talaga to. "Gago! Tara na late na talaga tayo! Kwento ko nalang sayo mamaya."

" Nakita ka niyang umiiyak, Turn off yun bro! Nakaka-bakla ka!" Kinwento ko sa kanya kung paano ko nakilala si Yen. "Gago! Syempre brokenhearted eh." Kanina pa tawa ng tawa tong Steven na to. Nasa canteen kami, break namin. "Pero pare, ang ganda talaga niya. Ako nalang sana yung na broken-hearted para ako yung nilapitan."

"Ulol." Tska kami nagtawanan. "Nga pala, sama ka mamaya? Padis?"

"Ayoko. May pasok pa tayo bukas."

"Hon, I want Pizza." Napatingin ako sa pamilyar na boses na yun..... si Patricia.

"Okay hon." Si Charles pala. Yung bagong captain ball ng basketball varsity yung pinagpalit niya sa akin.

"Bro?" Naramdaman niyang nanggigigil ako sa lalaking yan. "Hayaan mo na." Dagdag niya. "Teka lang. May sasabihin lang ako."

Lumapit ako sakanila..

"So, siya pala yung pinalit mo sakin?" Tanong ko kay Patricia, na halatang nagulat. "Jhu-jhu rain?"

"Bakit pare? May problema ba?" Tanong ni Charles. "Oo! Ikaw yung problema! Gago ka!"

**Booggsshh* "Jhurain! Bakit mo sinuntok si Charles?! Wala naman siyang ginagawa sayo ha!"

"Inagaw ka niya sa akin Patricia!" Hindi ko na napigilan. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na kita mahal! Si Charles na yung gusto ko! Mahirap bang intindihin yun?!" Umiling ako. "Hindi, hindi ako naniniwala sayo! Patricia, 2 years! 2 years na tayo! Kaya hindi ako naniniwala sayo!"

"Pare? Hindi ka ba makaintindi?! Ako na yung mahal niya!"

"Gago ka talaga!" Susuntukin ko na sana ulit si Charles kaso pinigilan ako ni Steven.

"Tara na Charles. Wag kanang mag-papakita sakin! Nakakahiya ka! Gumawa ka pa ng iskandalo!"

"Patricia! Wag mo kong iwan." Ansakit. Sobrang sakit! Tang-ina!

"Tara, inom tayo." Yaya ko kay Steven

Yen

"Nakita mo siya sa SU?" (SU=SPRINGFIELD UNIVERSITY) "Yep. Nakabungguan ko pa nga eh."

"Really? Sa SU pala siya nag-aaral, siguro kilala ni Terrence yun."

"Siguro." Kinwento ko kay Jessy yung boy.

New BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon