Yen
Its been a week since umalis si Terrence. Hindi ko parin siya nakakausap dahil naka-off parin yung phone niya. Kahit si tita Belle hindi ko din macontact. Tska kahapon pumunta ako sa bahay nila, naka-lock. Walang tao, nag woworry na talaga ako. Kung wala si Jessy dito para i-cheer up ako siguro nagpapanic na talaga ako ng sobra o di kaya'y nakapunta na ako ng France ng wala sa oras, Hayyyy! I really miss him.
"Don't panic Mik, siguro busy lang talaga sila. Nabalitaan ko kasi na medyo, pabagsak na yung company nila sa France. Kaya siguro hindi ka niya magawang tawagan." Sabi sakin ni Daddy. Andito ako ngayon sa office niya, naboboring ako sa bahay Saturday pa naman ngayon.
"Sana nga Dad." Tinap niya lang yung balikat ko. "Nasan nga pala si Jessy?" Tanong ni dad
"May family outing sila eh."
"San daw?" Tanong ni Dad "Sa,Palawan daw? Sinasama niya nga ako eh. Kaso nakakahiya naman. Family outing yun eh."
"Ah, ganon ba. By the way, ano daw gusto mong pasalubong sabi ng mommy mo? tumawag siya sakin. Di ka daw niya ma-contact." Nasa Japan kasi si mama, as usual business matters nanaman ang pinunta nila dun. "Ahmm, kahit ano."
"Okay."
"Dad, alis na po ako. Punta nalang ako sa mall. May bibilhin lang."
"Sige. Take care anak."
-Mall-
Andito ako ngayon sa National Bookstore, Bibliophilia kasi ako eh. Puro romance books and magazines lang naman binibili ko dito. "Ahhm Miss excuse me, may available pa ba kayong book ng She's Dating the Gangster?" Tanong ko sa saleslady. "Ay sorry po Ma'am, out of stock lagi yun eh. Kakaubos lang po kahapon. Best seller talaga yun." Napasimangot naman ako. Kasi naman eh, nakakalimutan kong bumili sa tuwing mag-shoshopping kami ni Jessy. "Ah ganon ba? Sige thank you."
Tumingin nalang ako ng Magazines, at may nakapukaw ng atensyon ko. Binasa ko eto, "Teen actors Daniel Padilla and Kathryn Bernardo are set to star in the movie adaptation of young adult romantic novel She's Dating the Gangster." OMG! Waaahh! Hindi ko palalampasin yan!
Idol na idol ko talaga sila. Minsan nga pumunta ako sa birthday concert ni Dj nung April 30 kasama ko pa si Terrence nun. And I admit it Crush ko si Dj Hihihi. Pinagseselosan nga ni Terrence yun eh. HAHAHA (A/N: Hi sa mga Kathniel Fans! :D)
So, yung magazines nalang ang binili ko tska some romance books.
Paglabas ko ng Bookstore, may tumawag sakin.
"Yen!" paglingon ko sa likod sila Jane,Amy tska Carmela pala. Mga classmates ko. "Hey!" bati ko sa kanila. Lumapit sila sakin. "Nag-iisa ka? San si Jessy?" Tanong ni Jane. "May family outing sila eh."
"Ganon ba? Wala kabang kasama?" Saad ni Carmela "Oo eh." Tska ko sila nginitian. "Tara sama ka nalang samin!" sabi ni Amy. Uuwi na sana ako, Kaso nakakahiya naman kung tanggihan ko sila. "Sige."
Pumunta kami sa mga department store, pagkatapos kumain kami sa Tokyo Tokyo, at naglaro pa kami sa WOF. Medyo childish pa tong magkasama ko eh. :D
Nung napagod na kami, kumain ulit kami sa Yellow cab naman. Hindi rin kami matakaw no? HAHAHA
Nag-kwentuhan kami ng kung anu-ano. "Oo nga pala Yen, hindi ko na nakikita si papa Terrence ha? Hindi ka na niya sinusundo." Si Terrence nga pala. Naalala ko ulit siya. "Don't tell me? Nag-" Saad ni Carmela "No. Hindi pa kami break. Ano ba kayo! Nasa France kasi siya tinutulungan niya yung dad niya sa company nila dun. Medyo pabagsak na kasi."
"Ahhhhh." Sabay nilang sabi. "Tska, naniniwala ako na kayo na talaga ang MTB!" (meant to be)
Sabi naman ni Jane. Nginitian ko nalang sila.
Pagkatapos naming kumain napagpasyahan naming umuwi na, 7:30 pm narin kasi. Sobrang nag-enjoy kami kaya di namin namalayan yung oras. Nagpaalam na sila sakin, at pumunta narin ako sa parking lot kung saan naka-park yung sasakyan. "Hi manong. Sorry po sa pag-aantay ha, nakita ko po kasi yung mga classmates ko kaya niyaya akong mag-shopping muna. Eto po oh, pizza." Nag take-out ako kanina para kay manong, nakakahiya naman. Sabi ko kasi may bibilhin lang ako saglit. "Ayos lang Yen. Salamat sa pizza. Nag-abala kapa." Nginitian ko nalang siya.
*Ring Ring Ring*Tinignan ko yung phone ko,
Prof. Joshua Calling..
Ano naman kayang kailangan ng lalaking to.
"Hello Josh." (Hello Mikky!) Nilayo ko yung phone sa tenga ko. Baka mabasag eardrums ko eh. "Tsk. Ano ba Josh! Ang ingay mo." (Sorry! Hihihi. By the way napatawag ako kasi papabili sana ako sayo ng mga materials na kakailanganin ko sa congress eh. Di na kasi ako makakapunta sa mall, may meeting pa kasi kami, mamaya pang 1:00 am matatapos kaya wala na akong oras. Bukas na yung congress e. Text ko na lang sayo yung bibilhin mo!)
"May bukas pa sigurong mall ng 1:00 AM. Tinatamad na ako eh. Tska bakit ngayon ka lang kasi tumawag? Kanina nasa mall ako. Pauwi na ako ngayon."
(Kelan pa nagkaroon ng open 24 hrs. Na mall dito sa Pinas aber? Eh kasi ngayon lang ang break namin eh kaya Sige na please? Please? Please?)
Tssk. Ang kulit -_- "Oo na oo na! Pasalamat ka, Teacher kita."
(Chukchakera! Pero anyway, Thank you. I love you! Babawi ako promise! Daanan ko nalang dyan sa bahay niyo tomorrow. Bye!) *Toot toot*
Kung hindi ko lang yun professor, naku!
Si Joshua Bernardo yung kausap ko. Professor ko siya sa English subject, kaibigan ko din siya. Actually Pogay siya. Ang gwapo gwapo nga niya eh. 20 years old na yun. Ang bata niya para maging proffesor ano? Sila kasi ang may ari ng Werlinton University kaya ayun. -_-
A/N: Bibliophilia- A person who loves reading books. :)
