Yen
Its been three days simula nung nangyari yung insidenteng yun. Kahapon pinalabas na ako sa ospital, pero hindi parin ako pwedeng pumasok sa school.
At, magkaibigan na kami ni Jhurain. Hindi naman mahirap yung hinihiling niya sakin, kaya matutulungan ko siya. Siguro pag magaling na ako tska na kami mag-uumpisa. Kung hindi dahil sakanya, siguro patay na talaga ako ngayon. Nalaman din nila dad yung nangyare, sobrang worried sila kaya pati si mommy na nasa Japan, umuwi ng wala sa oras, pero nangibang-bansa ulit nung alam niyang okay na ako. Pati si Jessy at yung baklang Joshua na yun pumunta dito kahapon, sinisisi ni Jessy si Joshua. Kasi daw kung hindi niya ako inutusan, hindi daw mangyayari yun.
*Toktok*
"Pasok!" bumukas yung pinto. At bumungad sa akin ang bestfriend ko. "Hi Miks! Kamusta na?" tsaka kami nag beso-beso. "Ayos naman na ako. Papasok na ako bukas. Ang aga ng dismissal ha?"
"May faculty meeting yung mga teachers eh. Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok bukas?" Nag nod ako. "Eh si Terrence? Alam niya ba yang nangyari sayo?" Gabi-gabi ko siyang tinatawagan pero naka-off parin phone niya. "Ah, hindi eh."
"Movie marathon? Kasi hindi naman tayo pwedeng mag-shopping eh. HAHAHA"
"Sige!" sagot ko.
Napagdesisyunan naming panoorin yung Just Friends.
"Diba sabi mo sakin ang nagligtas sayo, yung lalaking nakausap mo sa park?" Tumango ako. "Pero, paano siya napunta dun sa eskinitang yun?"
"Eh, hindi ko na natanong." Hindi nalang sumagot si Jessy.
After naming nanood ng Movie, nagdinner naman kami at umuwi na si Jessy, may pasok pa kasi bukas. Before akong matulog, ti-nry ko ulit na tawagan si Terrence.
Pero, naka-off parin.
-Morning-
Nagising ako dahil may mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Dahan dahan kong iminulat yung mata ko, may lalaking nakayakap sakin.
"Te-terrence?" Iminulat niya rin yung mata niya. "Goodmorning Mymy."(pronounce as Mimi) My God! Namiss ko siya as in! Kahit yung pagtawag niya sa akin ng Mymy. Pero, teka? may kasalanan pa to sa akin!
"Nakakainis ka! Hindi ka man lang tumatawag! Araw-araw kitang tinatawagan pero naka-off yang phone mo! Pati si tita Belle at Tito Bryan, hindi ko din ma-contact sobrang nag-alala ako! Kelan kapa dumating?!"
"Sorry na. Okay? Mag-eexplain ako. Makinig ka muna."
Umupo siya tas hinawakan niya yung kamay ko .
"First, hindi kita matawagan kasi nawala yung phone ko. Nahulog sa daan. Second, kahit na bumili man ako ng phone, hindi parin kita matatawagan kasi sira ang telecommunication sa France, kaya hindi pwedeng tumawag sa ibang country maski nga internet eh nadamay, kaya hindi kita ma DM sa twitter or i-message sa Yahoo. Kaya kahit si mommy and daddy hindi ka ma-contact. And lastly, super busy talaga ako last week. Kasi, yung company namin medyo, nagkaka-problema. Pero ayos na siya ngayon, at kaninang 2:00 AM ako dumating."
Bigla ko siyang niyakap. "Kaya I'm really really sorry. Hayaan mo, hindi na ulit ako aalis." At hinalikan niya ako sa noo. "Now, would you explain to me what happen the other day?" Umalis ako sa pagkakayakap.
"Paano mo nalaman?"
"Kahapon, pumunta si Tita Aria sa office ko. Sa France, may i-memeet pala silang client dun. Tas nag-kwentuhan kami sandali na-ikwento niya sakin yung nangyari sayo. Kaya nag-paalam na ako kay mommy and daddy na uuwi na ako dito, sobra akong nag-worry kaya pagdating ko, dito agad ako pumunta." Saka niya tinignan yung braso ko. "Masakit pa ba?" Tumango ako. "Malalim kasi yung pagkakasaksak eh."
"Kukutusan ko yung baklang yun. Inuutos-utusan yung prinsesa ko." And he hug me and I heard him sobbing. "Don't cry, Okay na ako." Naiiyak na rin ako. "Kasalanan ko din to eh, kasi kung hindi ako umalis, hindi mangyayari sa iyo yan." Umiiyak parin siya.
"Don't blame yourself. Ano ka ba dada!" Ayan, umiyak na ako. "Im sorry, sorry talaga. Sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry!" paulit-ulit niyang sabi. "Hindi ko kayang mawala ka sakin.Hindi na ulit kita iiwan, promise" Niyakap ko siya ng mas mahigpit and he kiss my forehead. After ng mala-MMK naming dramahan, nagkwento siya ng experience niya sa France, tska yung mga ginawa niya dun. "I should thank that boy na nagligtas sayo."
"Dada, sa SU din siya nag-aaral! Jhurain Sanchez name niya." Tas nag-iisip si Terrence. "Hmmm, Jhurain Sanchez? I know him. Sa kabilang buliding yun. Ka-batch ko siya, former basketball captain ball yun eh."
"Talaga? Ka-batch mo pala siya." Tumango siya. "Yep."
We decided na hindi na lang pumasok ngayon. Tapos pag magaling na daw ako magdadate daw kami agad. Babawi daw siya sa akin. Kinilig naman ako!
Tapos nag-kwentuhan ulit kami. Hindi kami nauubusan ng topic. Sobrang saya ko talaga ngayon dahil andito na yung love of my life! chos!
Terrence Santos on the right side>>>>>>>>>>