Jessy
“Putek! Ang lalandi!”
Bulong ni Yen sa akin. Paano ba naman kasi naka-assign si Terroy sa Photo booth. Pag mag-papapicture ka, may free kiss galing kay Terrence. Sa cheeks lang. Yung mga babaeng kinikiss niya todo kilig.
Tapos ang haba talaga ng pila, ang gwapo daw kasi ng pinsan ko eh. *roll eyes*
Kaya kanina pa umuusok ang ilong nitong katabi ko.
At ang mas malala pa, magka-harap yung booth nila Terrence sa booth na naka-assign sa amin ni Yen kaya kitang kita talaga. 1st. Day na kasi ng School Festival namin.
“Ang ganda nga ng view eh.”Pang-aasar ko sakanya. Inirapan niya lang ako, HAHAHA.
“I can’t take this anymore.”-Yen
Sabay walk-out niya. Nakakatawa mag-selos tong bestfriend ko.
“Teka, saan ka pupunta?” Tanong ko kay Yen.
“Bibili ng Muriatic Acid! Ibubuhos ko sa mukha ng mga peste na yan!” Sabay turo niya dun sa mga babaeng naglulupasay sa kilig dahil sa hinalikan sila ni Terrence.
Natawa na lang ako. Ibang klase talaga yung bestfriend ko kung magselos.
Yen
Nakakainis! Nakakainis talaga! May free kiss pang nalalaman. Magandang ilagay sa sako yung mga malalanding babaeng yun tapos itapon sa ilog Pasig! Arrrggggghhhh! Nag-seselos talaga ako, I admit. Sinong girlfriend ang hindi mag-seselos kung iba’t-ibang babae ang hinahalikan ng boyfriend niya?! Kahit sa cheeks lang yun. Nakakainis parin!
Tapos nang-aasar pa yung Jessy na yun, bahala siya mag bantay mag isa dun.
Maglalakad lakad nga lang muna ako.
“Yen?” Tawag sa akin ng pamilyar na boses. Tumingin ako sa likod.
“Jhurain!” Tawag ko kay Jhurain. Siya pala yung tumawag sa akin. Lumapit siya.
“Kamusta na?”-Jhurain
“Ayos naman na ako.”-Ako
“Mabuti naman. San punta mo?” –Jhurain
“Ah, Maglilibot-libot lang.”-Ako
“Sama ako sayo”-Jhurain
“Sige. Tara.”-Ako
Nag kwekwentuhan kami habang naglilibot-libot. Ang ganda talaga ng Tuileries Garden, sobrang lawak. Kabi-kabilaan din ang booths, may mga rides pa na inorganize ng School namin, at may mga different shows pa. Gaya ng puppet show, dog show atbp.
Tapos may mga reporters, na in-interview yung ibang students. Bilib daw sila sa dalawang Middle school. Kasi nakapag-organize daw sila ng ganito kagandang School Festival, at sa Tuileries Garden pa daw ang venue.
Andaming tao, naghalong SU at WU students. Ang saya lang.
Hayy! mabuti naman at may kasama na ako. Naikwento din sa akin ni Jhurain na nagpasalamat daw sakanya si Terrence sa pagligtas niya sakin. Dun lang din daw niya nalaman na boyfriend ko siya. Nakalimutan kong ikwento sakanya eh. Speaking of Terrence, hindi man lang niya ako tinetext. Nag eenjoy talaga siya sa ginagawa niya. Bahala nga siya dun. >:(
Habang naglalakad-lakad kami, may nadaanan kaming food stand. Ang binibenta nila mga Kwek-kwek,fishball,kikiam tapos may kalamaris at mga barbeque pa. Lahat ng streetfoods meron doon.