•Chapter 4•

39 1 1
                                    

Dr. Love?" Tanong ko sakanya. Tsk tsk he's drunk. Naparami ata inom neto.

"Oo. HAHAHA kasi diba binigyan mo ko ng advice nung bi-nreak ako ng girlfriend ko. HAHAHA" Tama kayo. Si Mr. Heartbroken tong kausap ko. Mukhang problemado ulit.

"Mister? Naparami ka ata ng inom? I think you should go home. It's already 1am in the morning." Tumawa siya sa sinabi ko. "Just call me Jhurain." Nag-nod nalang ako bilang pag-sagot.

"Can I have a favor?" Tanong niya. "Pwede mo ba kung samahan? Kahit 30 minutes lang. Magpapalipas lang ng sama ng loob. Please?"

Mapapasubo ako neto.

FLASHBACK:

"HAHAHA! Look at you Patricia, para ka nang espasol! HAHAHAHA"

Ayan nanaman sila. Binubully nanaman nila yung mga taong walang kalaban-laban..

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya at inalalayan ko siyang tumayo. "Araw-araw na nila tong ginagawa morning routines na nila to sanay na akong mabuhusan ng harina araw-araw. Libreng polbo na nga to eh. HAHAHA" Sabay tawa niya. Pero bakas sa mukha niya ang lungkot. Naaawa talaga ako sakanya. "Hoy kayo! Pag binully niyo ulit si Patricia ako na makakalaban niyo." Banta ko sakanila. Tumakbo na sila.

"Thank you Jhurain ha. Knight in shining armor talaga kita." Saka niya ako nginitian.

End of flashback.

" Sikat ako sa SU dahil na rin sa varsity and outstanding student pa ako. Lagi ko siyang pinroprotektahan. Tapos ayun, nahulog yung loob ko sakanya. I decided to court her, pumayag naman siya. And then, after 6 months ng panliligaw ko. Nakuha ko na rin yung matamis niyang OO." Bakas sa mukha ni Jhurain ang kasiyahan habang kinikwento niya sa akin yung past nilang dal'wa ni Patricia. "Pero, unti unti ko namang napabayaan yung pag-aaral ko tapos naalis pa ako sa Varsity. Sa kanya ko kasi naituon lahat ng oras ko. 2 years na kami. Pero isang gabi niyaya niya akong makipagkita sakanya. Dun na pala matatapos ang lahat." Yun yung gabing nakita ko sila sa park.

"Jhurain, parang napaka-babaw naman ng dahilan niya para i-break ka niya?" Tanong ko. He smirk.

"Sometimes, I wonder nagustuhan niya lang ako kasi I always protect her kaya niya ko sinagot kasi para hindi na siya ibully ulit." Saad niya.

"Hindi ako naniniwala na hindi na ako mahal ni Patricia kasi wala na akong maipagmamayabang, na hindi na ako sikat. Alam ko na may malalim pa siyang dahilan. Kaya nga gustong-gusto kong makipag-usap sakanya para naman maayos namin to." Tumulo yung luha niya. Nakikinig lang ako sa kwento niya. Lasing na talaga to. Kung anu-ano sinasabi eh.

"Alam mo Jhurain, sa tingin ko mahirap ng ibalik ang lahat sa dati." Saad ko. "May plano na nga ako kung paano babalik sa akin si Patricia. Sasali ulit ako sa Varsity tska mag-aaral ulit akong mabuti. Para bumalik sakin lahat pati si Patricia. Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

"Tigilan mo na yan. Admit it pagod kana eh. Natatandaan mo pa yung sinabi ko sayo nong una tayong magkita? You should thank her for hurting you, because she gives you a chance to find someone better than her. Kailangan mo na siyang palayain Jhurain, tigilan mo na siya, kailangan mo na ring palayain yang sarili mo. Nahihirapan kana eh. Nakakulong ka sa ganyang sitwasyon. Nahihirapan kang mag move-on dahil hindi mo tinutulungan yang sarili mo."

New BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon