Kabanata 1

435 7 2
                                    

Crazy

Nandito ako ngayon nakatayo at tinititigan si Noah Elizalde. Sila ay nasa stage ngayon at tutugtog.

“Pasalamat ka nga riyan at nage-excuse me pa ako!” Narinig ko na naman ang boses niya, ang babaeng matagal na ring may gusto kay Noah na tulad ko. Siya si Coreen Samantha Aquino. Maswerte siya dahil kaibigan niya ang isa sa kapatid nito na si Reina Elizalde.

“Uy, Coreen! Si Stan talagang pursigido sayo!” Isa ito sa mga kabanda nila na may gusto kay Coreen. Tama yan Reina, itulak mo lang siya kay Stan para sakin na si Noah, para sa akin ang bagsak niya. Naughty Girl sabi ng isip ko.

“Bakla yan.” Sabi niya at tinitigan nalang muli si Noah.

Si Noah yung tipo ng tao na gwapo sa unang tingin pero pag tinitigan mo lalong gumagwapo. Hindi tulad ng iba na pagtititigan mo magsasawa ka, feeling mo panget na. Para siyang droga. Nakakaadik. Ang hirap iwasan. Yung tipong babalik-balikan mo na.

“NOAH!!!” Sigaw ni Coreen. Sana makasigaw din ako ng ganyan, sana masuportahan din kita tulad ng ginagawa niya pero hindi eh. Hindi ko kaya at hindi pwede. Parang ikaw yung langit tapos ako yung lupa. Yung masasabi mo nalang na haaay ang hirap niya abutin.

Nakita kong saglit niya itong sinulyapan. Sana ako din kahit one second lang masulyapan mo. Napailing na lang ako ng  may humila na mga babae kay Coreen.

Si  Coreen ay magandang babae samantalang si Reina ay.. Okay maganda naman talaga siya marami nga lang pimples. Minsan nga napapaisip ako kung ginagamit lang ba nito si Reina parang maging close sila ni Noah.

Nagsimula ng tumugtog si Noah at ang mga kabanda niya. Pumikit siya at dinama ito. Feeling ko tuloy siya yung kumakanta dahil papikit pikit pa siya pero hindi eh.

“Shit!” Utas ko. Ang pogi niya talaga.

“Makamura lang Ren?” Sabi ng katabi ko sa akin at humalakhak.

Ngumisi na lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin kay Noah na ngayon ay nakatingin sakin ngunit nag-iwas din agad ng tingin. Kanina pa ba siya nakatingin?! Dapat pala hindi ko na pinansin ang sinabi ng kaibigan ko para nakita ko!

“Shit shit shit! Nakita mo ba yon? Tinignan niya ako!! OMG.”

“OA lang Ren? Kalma ka te.” Ani Trisha, isa sa mga kaibigan ko, sabay tawanan ng iba ko pang mga kaibigan.

“Nakita mo hindi ba?” Sabi ko kay Trisha sabay yugyog. “ Nakita niyo ba?” Baling ko naman ngayon sa kanila.

Tumango-tango silang lahat at ngumiting aso sa akin.

“AHHH! AHH.” Paulit-ulit kong utas. Kinikilig talaga ako.

Natapos na silang tumugtog kinikilig pa rin ako.

“Tara na Ren. Ano? Tatayo ka na lang diyan forever?”

“Teka lang! Panira naman ng moment to.” Sabay simangot ko sa kanya.

Umiling-iling na lang sila at tumawa.

“Naknamputsa! NOAH! Wag mo na ulit susulyapan ‘tong kaibigan namin ha?! Baka sa susunod nasa mental na to!” Sigaw ni Mike, bading na kaibigan ko, kay Noah. Humalakhak ang mga kaibigan ko at mga kabanda niya pero siya nakatingin lang sa akin.

Gusto kong umalis sa kahihiyan pero hindi ko kaya dahil nanginginig ang tuhod ko sa kilig at kaba. Kilig dahil tinititigan niya ako at kaba dahil iba ang tingin niya. Yung cold stare ba kumbaga.

“Okay..” Marahan niyang sinabi at tumalikod.

Pagkaalis ng banda nila ay pinagpapalo ko silang lahat lalo na si Mike. “Bakit mo sinabi iyon?! Paano na yung pag-asa ko!?”

“Anong pag-asa ang sinasabi mo te? Ligaw lang peg?” Sabay halakhak niya at pagtakip pa rin sa kanyang sarili dahil hanggang ngayon pinapalo ko pa din siya.

Napatigil ako sa paghampas sa kanya at napaisip. Oo nga. Bakit hindi ko ligawan ang isang Noah Elizalde?

“Don’t tell me you are thinking of courting him?”

“Great! Great idea Mike!! Love you na talaga!!!” Sabay talon at yakap ko sa kanya ng mahigpit.

“EW EW EW! Get off me.” Binitawan ko siya at tinignan ang mga kaibigan ko.

“Isn’t that a great idea?” Laglag panga lang silang nakatingin sa akin.

“Actually.. No??” Tinignan ko ng masama si Trisha. Sana tinikom nalang niya ang kanyang bibig kung ganyan lang din pala ang kanyang sasabihin.

“You’re crazy.” Ani Mike.

“Yes. I am crazy.. But only with Noah.”

-

2014

Insensitive BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon