Kabanata 2

280 5 0
                                    

She betrayed me

Papalapit na ang promenade namin at hindi pa din ako nakakaisip ng paraan kung paano liligawan si Noah. Balak ko sana siyang ayain ngunit hindi ko talaga alam kung paano. Ayoko naman magtanong sa mga kaibigan ko dahil magtatanong at magtatanong lang din sila sa akin at hindi na masasagot ang tanong ko.

"Careen. Tara na." Tawag ng mga kaibigan ko. Naiinis ako sa pangalan ko tuwing tinatawag nila ako kaya mas gusto ko ng Ren na lamang dahil magkalapit lang kami ng pangalan.

Careen

Coreen

Careen

Coreen

A at O lang ang pinagkaiba! Ang dami dami naman ipapangalan sa akin ng magulang ko yung malapit pa sa pangalan ng karibal ko sa mahal ko.

Habang naglalakad kami nakita namin ang mga taong kumpulan. Dali dali kami tumakbo dun at una kong nakita si Stefan. Ang crush ng kaibigan kong si Trisha.

Kung nandito si Stefan, ibig sabihin nandito din si Noah. Agad kong nilibot ang pangingin ko at nakita kong sumulyap siya kay..

"Go Stefan!"

Kay Coreen.. Nakita kong nalaglag lang ang panga niya sa nakita. Sino ba naman ang hindi? May balloons, flowers, at may tarpaulin na nakalagay ng "Please be my date, Coreen Samantha R. Aquino."

"Ang swerte mo naman!" Oo, sobrang swerte mo naman Coreen. Crush ka nung crush ng kaibigan ko, kaibigan mo pa si Reinah, na kapatid ni Noah.

Tinitigan ko lang si Coreen, may nakita akong nalaglag na papel at nilingon ang taas kung sino ito. Si Rozen! Anong meron?

"Okay lang yan, Trisha." Ani ng mga kaibigan ko. Tinignan ko siya at parang may iba. Parang..

Tsk tigilan mo yang iniisip mo, Coreen. Sabi ko sa aking isip.

"Tara na." Aya ni Trisha. Umiling ako sa kanila at sinabing susunod na lang.

Nilingon ko si Noah at nakitang umiiling siya at tumalikod, sakto namang nakita kong umiling si Coreen! What the? Anong meron? Hindi ko maintindihan.

Nalaglag ang panga ko sa nakita. Gulong gulo ako. Anong meron Rozen, Coreen at Noah?

Naawa ako kay Stefan. Sayang yung effort niya, mukha pa man din siyang sincere. Siguro dapat ko na ding ayain si Noah.

"Noah. Please, be my date." Sabi ko sabay abot ng boquet at card sa kanya. Nakita ko siyang mag-isa dito sa Garden, kaya naisip kong ito ang magandang timing para ayain siya.

Mariin akong pumikit ng naramdaman kong kinukuha niya na ang bulaklak. Pagkatapos ng nangyari kay Stefan at Coreen, ito lang ang naisip ko gawin. Kahit naman mahal ko si Noah, hindi ko rin kayang mapahiya tulad nung nangyari sa kanya. Bukod sa napahiya ka na, natanggihan ka pa. Mas ayos pang matanggihan na lamang, may iba pa namang pagkakataon.

"I have a date already." Nag-angat ako ng tingin at nakitang balak niya ibalik ang bulaklak.

"Sino?"  Sabi ko at feeling ko maiiyak na ako. Hindi ko kinuha ang bulaklak at umiling-iling. "Sino?" Ulit ko.

"She is one of your friends." Ibig sabihin ay kilala niya ako? Pero hindi ko muna ito pinansin. Kaibigan ko? Isa sa kanila. Lalo kong gusto malaman kung sino.

"Sino? Please Noah, tatanggapin ko ang pagreject mo sa akin pero sabihin mo muna kung sino."

"It's.. Trisha." Nangilid ang luha ko ng narinig ko ang pangalan niya! Siya pala! Kaya pala kanina parang iba yung reaksyon niya. Kaya pala parang hindi siya apektado! Kasi partner niya na si Noah.

Tumalikod ako at pinunit ang Card. Tama na yung nareject ako, hindi na niya kailangan pang makita na umiiyak ako dahil sa kanya. Mabilis akong umalis sa Garden at hinanap si Trisha.

"Shit life! Bakit kaibigan ko pa?" Sabi ko sa aking sarili at pinunasan ang luha ko.

-

5/22/14

She betrayed me! She fucking betrayed me..

Insensitive BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon