Kabanata 3

332 6 3
                                    

Just Leave Me Alone

"Nasaan si Trisha?" Tanong ko kay Mike ng nakita siya.

"Nandoon sa Gym. Bakit?"

Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na ako agad. Naglakad ako papuntang Gym. Tanggap ko pa sana kung sinabi mo agad sakin na kayo partner ni Noah! Pero hindi e.

Gigil na gigil ako. Gusto kitang sabunutan, awayin pero masyado kitang mahal. Parang magkapatid na tayo Trisha. Bakit ka nagsinungaling sa akin?

Nagsimula na naman tumulo ang luha ko sa mga naisip ko. "Bakit mo siya hinahanap Ren?" Ani Mike.

Hindi ko alam na sumunod pala siya. Nasa likod ko lang pala siya. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Omg! Omg! Bakit ka umiiyak?" Natatarantang sabi ni Mike. Bigla niya akong niyakap at hinagod ang likod ko.

"Bakit ka umiiyak ren?" Umiling iling lang ako at niyakap siya pabalik. Wala akong pake kahit sabihin nilang PDA to, o ano pa man. Basta kailangan ko ng kaibigan.

Makalipas ng ilang minuto ay nagbitiw na kami. Hikbi pa rin ako ng hikbi. "Ano ba ang nangyare Ren?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Baka lalo lang ako maiyak pag sinabi ko sayo. "Nandoon pa kaya siya sa gym Mike?"

"Siguro. Bakit ba? Omygod! Bakit ganito ang life?" Sabi ni Mike.

Nagsimula na kami maglakad at ng matanaw ko ang pinto ng Gym tumigil ako. Gustong gusto ko na makausap si Trisha.

"You. Stay. Here. Mike."

"No. Parehas ko kayong kaibigan at dapat nandoon ako."

Hindi na ako umimik dahil alam kong hindi din naman siya makikinig sa akin.

"Totoo? Inaya ka niya?" Narinig kong boses ng mga babae.

"Oo." Ani Trisha ng kinikilig. Traydor na kaibigan!

"TRISHA!" Sigaw ko. Pagkaharap niya sa akin ay lumapit ako inabot ang bracelet sa kanya.

"What the hell, Cars?" Sabi niya sa akin.

"Don't you ever call me Cars again!" Nanggigil na saad ko.

"You are not my best friend anymore." Mariin kong sabi sa kanya at nakita kong nagulat siya

"Whow whow! Teka lang mga ate. Ano nangyayare?"

"Oo nga Cars. Bakit mo binabalik sa akin ang bracelet nating dalawa?" Nabwibwisit ako sa tuwing naririnig kong tinatawag mo akong cars.

"Bakit ka nagugulat? Hindi ba dapat ako ang magulat?"

Tinignan ko si Mike at pinunasan ang luha ko.

"Ang bestfriend ko kasi.." Sabay tingin kay Trisha. "Ay mali pala.. Ex bestfriend na pala." Sabay tawa ko ng parang wala na sa sarili. Feeling ko konti na lang mawawala na talaga ako sarili ko.

"Partner niya na pala si Noah sa promenade. Hindi man lang sinabi sa akin. Ikaw ba alam mo?"

Nakita kong nagulat si Mike at umiling siya sa akin. Napahalakhak ako. "Traydor ka na nga sinungaling ka pa. Sino pa ba pinagsisinunalingan mo bukod sa aming dalawa?"

"Hindi. Balak ko naman sabihin sa inyo-"

"Ah. So balak mo kami isurprise?" Tumawa ako ng malakas at inirapan siya.

"You know what? Just shut the hell up. Kasi kahit anong sabihin mo, hindi na maibabalik ang dati. Diba alam mo naman kung gaano kapatay sa kanya? Kung gaano ko siya kamahal? 10 years, Trisha. Sinayang mo."

Oo. Ganoon na kami katagal magkaibigan. Alam na alam niya din kung gaano ko na kagusto si Noah, kung paano ko siya tignan sa malayo at magdaydream.

"Natakot kasi ako.."

"I don't care! Natatakot ka sa akin? Sino niloloko mo? Tangina!"

Hindi siya sumagot at umiyak lang. Bakit ka umiiyak? Naiinis akong umiiyak ka kasi ako na yung naloko dito pero parang ako pa ang magmumukhang masama

"May gusto ka ba sa kanya, Trisha?"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ngunit tinulak ko siya. "May gusto ka ba sa kanya Trisha?" Sigaw ko sa kanya.

"Ca-careen.. Me-meron.."

"Traydor! Malandi! Sinungaling! Wag ka na ulit lalapit sa akin! Magkalimutan na tayo!" Ani ko sabay talikod.

Alam ko masasakit na salita ang mga sinabi ko sayo pero mas masakit sa akin yan dahil importante ka sa akin. Tinuring kita na parang kapatid ko, hindi ko akalain na balang araw aabot tayo sa ganito.

Tumakbo ka at biglang lumuhod sa harap ko. Narinig kong nagsinghapan ang mga tao sa paligid at nalaglag ang panga ko.

"Shit shit shit! You stand up now."

"No. I'm so sorry careen. Please. Nagmamakaawa ako. Gagawin ko lahat ng sasabihin mo. Hindi ko naman sinasadya yon e." Ani niya habang umiiyak

"Just. Leave. Me. Alone." Sabay hawi ko ng kamay niya at alis.

"Trisha are you okay?"

"Tumayo ka na diyan."

Narinig kong sabi ng mga tao sa kanya. Great! Just Great. Ako na naman ang nagmukhang masama. Ako ang dehado dito ah? Ako ang naloko, pinagsinulangin at trinaydor.

-

5/22/14

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Insensitive BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon