Mama's Boy

966 52 21
                                    

Nash POV

Lumipas ang ibang subject.. at lunch na.

Kasabay ko sina Brace at Celine. Nasa canteen kami ngayon at kumakain.

"Nash, anong club ang sasalihan mo?"-tanong sakin ni Celine

"Club? Kelan?"-tanong ko

"Mamaya. First club day ngayon kaya shorten."-sagot naman ni Brace

"Ano bang club mo last year?"-tanong ni Celine

"Cyberhaus"-sagot ko. About computer yung club ko last year

"Simula first year?"-tanong ni Brace

"Hindi. Kada-year iba iba club ko."-sagot ko

"Loyal mo rin e no."-biro ni Brace

"Ano pa ba ang naging clubs mo?"-tanong ni Celine

"Firsy year, Scikers (Science-Seekers) tapos nung second year, Cliff Herald (Journalism) tapos yun.. Cyberhaus. This year.. di ko pa alam"-paliwanag ko

"Ay. May kakilala din akong ganyan. Si Sharlene. Alam ko nasa girls basketball team sya nung first year tapos nag badminton naman sya nung second year. Last year nag varsity sya sa volleyball. Ewan ko lang ngayon. Pero lahat ng yon, under ng SigLaro Club."-sabi ni Brace.

"E sina Alexa at Mika?"-tanong ko

"Ah. Yung dalawa? Loyal sa HomeMakers club yon"-sabi ni Celine

"Ano bang ginagawa don?"-tanong ko

"Handicrafts"-sagot nya

"Marunong ka ba mag basketball?"-tanong ni Brace sakin

"Oo naman"-sagot ko

"Oh edi sumali ka samin. Varsity ako back up-an kita mamaya sa try out. Mag SigLaro ka na lang din"-sabi nya

"Sige"-sagot ko

Next.. naglesson na lang kami ng naglesson. Hanggang sa matapos na ang klase.. 2:00pm pa lang.

"Palit ka na ng damit. May extra ka naman sa locker mo di ba? Kita na lang tayo sa gym"-sabi ni Brace.. tumango lang ako bilang sagot.

Nang makapagpalit na ako. Pumunta na ako sa gym.

"Yow! Tara"-sabi ni Brace pagkakita sakin

Sumunod lang ako sa kanya. Ang daming tao dito sa gym. May ibang nagta-try out na. May badminton, tennis, football, volleyball tsaka basketball na andun sa pinakadulo kung san kami papunta.

"Ilaaaaaaaaaaaaag!"-biglang may sumigaw. Napalingon naman ako.

At.. *BLAAAAAG*

Saktong may tumama na bola ng volleyball sa mukha ko.Sapul kung sapul. Napaupo pa ako dahil sa lakas ng impact.

"Sh!t!"-I cussed. Ang lakas ha. Ang sakit.

"Nash! Ayos ka lang?"-tanong sakin ni Brace.

Hinilot ko yung ilong ko. Napuruhan ata e. Pero di naman nadugo.

"Oo. Grabe. Sino yon?"-tanong ko habang tumatayo nang nakayuko.

Biglang may lumapit. Napatingala ako.

"Sinabi nang umilag e."-sabi nya sabay kuha nung bola sa tabi ko. Bwiset. Di man lang ba sya magsosorry?

"Malay ko ba."-sagot ko. Ang bilis kaya ng pangyayari, anong akala nya sakin? Si flash? -_-

Tapos non.. lumakad na sya papalayo.

"Sorry a."-sigaw ko

Lumingon sya sakin.

Three MUSE-Keteers ( NashLene - NLex - Mikash )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon