Shar-Alexa-Mika

1.3K 45 9
                                    

Nash POV

"Tingnan mo pre! Ayun sila oh!"-sabi ni Kobi

Napalingon naman ako sa direksyon na tinuro nya. Sila nga..

Tatlong babae ang naglalakad papunta dito.. at kaklase ko na sila ngayon.

Sikat sila sa school. Sabi pa ng iba, magkakababata daw silang tatlo. Pilot section sila simula first year at obviously, hanggang ngayon.

Di ko pa sila nakakausap ni isang beses. Kaya di ko sila gaanong kilala. May nalalaman lang akong konti about them, narinig ko lang sa mga chismisan ng mga kaklase ko dati nung nasa lower section pa ako.

Let's start dun sa babaeng naka-pony tail, may hawak syang mineral water sa kanang kamay nya and the thing that got my attention ay.. wala syang dalang bag? Well, nevermind. I don't care anyway. One thing that perfectly describes her--she's an athlete.

She's Sharlene San Pedro, "Shar" ang nickname nya. Sporty type. Volleyball varsity player. They said she can play almost all kinds of sports. Sabi pa nila, hindi daw sya magaling sa academics pero dahil mataas ang extra-curicullar grades nya kaya nahahatak pataas ang academic grades nya. Astig sya kumilos and that made her look a bit boyish.

Next.. yung babae na naka-trintas ang buhok, naka-light make up at naka-shoulder bag..

Siya si Alexandra Mae Ilacad also known as "Alexa". Beauty type. As in ang ganda nya, sobra! Well maganda naman din yung iba pero yung ganda ni Alexa, nangingibabaw! Daming lalaking naaattract sa kanya, including me. I'm not an exemption, I think she's a perfect girlfriend material. Pero sabi nila mahiyain daw si Alexa and I wonder if it's true.

Lastly, yung babaeng may hawak na libro, naka-body bag, straight ang buhok at mestisa..

Siya naman si Mariko Nicolette Dela Cruz ,"Mika" for short. Brainy type. Halos lahat ata ng bagay under the sun alam nya. Maraming nag-aadmire sa kanya, matalino eh. Sure win na kapag sya ang lumaban sa mga quiz bee. Sobrang taas daw ng IQ nya. Kaso lang, sabi nila mataray daw si Mika.

"Hoy! Pare!"-sigaw ni Kobi sa tenga ko. Takte! nakakabinge!

"Aray! Ano ba?!"-iritableng tanong ko sa kanya

"Kanina pa kita tinatawag, tulala ka!"-sabi nya, nag space out na pala ako ng di ko alam -_-

"Uy! sinong pinagpapantasyahan mo sa kanila ha?"-bulong ni Kobi sakin.

"Ugok! Wala no!"-sagot ko

"Sus! Deny pa! Si Alexa no?"-sabi nya.. napataas bigla ang dalawang kilay ko dun, teka! pano nya nalaman? ngayon lang ata sya nagkautak.

"Huleee! Tama ako ano? Ayos yan. Dami mo nga lang karibal"-asar nya

"Shut up"-sabi ko

"Eto naman--"-nagsasalita pa lang si Kobi nang biglang..

"Excuse."-sabi ng isang babaeng biglang dumaan sa gitna namin ni Kobi.

Pagkatingin ko.. si Sharlene.

"Ay! sorry! Nakaharang pala ako."-sabi ni Kobi. Nakatayo kasi sya sa harap ng locker ni Sharlene na katabi naman ng locker ko.

Di sya pinansin ni Sharlene dumiretso lang sya sa locker nya at binuksan ito..

"Pumunta ka na nga sa classroom nyo"-sabi ko kay Kobi

"Oo na. Bye. Mamaya na lang"-sabi ni Kobi sabay alis

*BLAAAG*

Nagulat ako nang may biglang malakas na tunog na umalingawngaw malapit sa tenga ko. Paglingon ko..

Three MUSE-Keteers ( NashLene - NLex - Mikash )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon