Holi-date

553 21 3
                                    

Nash POV

| Pre, wala daw pasok ngayon. Holiday daw sabi nila | -Kobi

Yan ang nabasa ko sa phone ko pagkamulat na pagkamulat ng mata ko ngayong umaga.

Good news! Makakapag-computer ako maghapon!

Pumunta agad ako sa kusina. As expected, nagluluto na si Mommy.

"Mom, walang pasok!"-bungad ko

"Talaga?"-sabi nya habang nagluluto pa rin

"Yeah, maghapon akon-----"- naputol ang sasabihin ko nang..

"Buti naman. Makikisuyo naman anak, may gusto kasi akong bilhing cook book sa national bookstore, baka pwedeng ikaw na lang ang bumili, marami pa kasi akong gagawin"-utos nya.

Haaaaay.. ano pa nga ba magagawa ko?

"Sige po. Maliligo lang ako."-sagot ko.

"Salamat baby. Pero kumain ka muna bago umalis."-sabi nya

Tumango na lang ako at pumunta na sa kwarto.

--------------

"Mom yun lang ba papabili mo?"-tanong ko. Baka may pahabol pa, mahirap na.

"Oo yun lang. Eto pera o. Ingat ka."-sabi nya. Nag babye na lang ako.

Nagcommute na ako. Malapit lang naman ang SM dito. Isang sakay lang ng jeep.

Pagkarating ko sa SM dumiretso na agad ako sa national bookstore..

Cook book.. hanap.. hanap.. blue daw yung cover.. hanap..

*Aspiring Chef-Wanna-Be's Recipes*

Ah eto yun. Huli ka----

"Hala."-bulong ko

Ba't ayaw makuha neto. Parang may humihigit. Hmm. Baka sumabit lang?.. teka.. hatakin ko nga.

*Toook* Nakuha ko na!

"Ay!"-may narinig akong boses ng babae. Dun sa kabila.

Pagkasilip ko sa kabilang part ng divider.. nakita ko si----

"Alexa?"-gulat na sabi ko.

"Nash! ikaw pala yun."-sabi nya

Lumipat ako dun sa kabilang side  para lumapit kay Alexa.

"Ikaw pala yung humihigit neto kanina. Sorry di ko alam."-sabi ko sabay pakita nung libro.

"Ahh.. oo hehe bagong issue kasi yan. Gusto ko i-try."-sabi nya.

"Marunong ka magluto?"-tanong ko

"Oo e haha. Ikaw din?"-tanong nya.

"Ha? Hindi a. Pinapabili kasi ito ni Mommy"- paliwanag ko.

"Ah. Ganun ba"-sabi nya

"Eto o. Sayo na lang."-sabi ko sabay bigay sa kanya nung libro.

"Naku. Wag na. Okay lang. Baka mas kailangan yan ng Mommy mo. Past time ko lang naman ang pagluluto e."-sabi nya.

"Hindi. Okay lang yun don. Sayo na. Hanap na lang ako ng ibang cook book."-sabi ko

"Ako na lang ang hahanap ng ib---"-di na natuloy ang pagsasalita ni Alexa nang may lumapit na sales clerk samin.

"Uhm, sir, ma'am.. marami pa po kaming stocks nyan."-sabi nung sales clerk.

Nagkatinginan naman kami ni Alexa at sabay na tumawa.

Nang mabayaran na namin ni Alexa ang cook book na binili namin. Nagpasya kaming mamasyal muna.

"Uhm Nash upo muna tayo sa food court medyo masakit na kasi yung paa ko."-pag aaya ni Alexa

Three MUSE-Keteers ( NashLene - NLex - Mikash )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon