The Annual Ritual

1.1K 33 6
                                    

Nash POV

"SHAR!"-sigaw ni Mika

Mukhang nagulantang naman si Shar. Sarap ata ng tulog eh.

"Oh?! Bakit?"-sabi nya habang nagkukusot ng mata.

"Natutulog ka nanaman.. mamaya andito na si Ma'am"-sabi ni Mika

"Hi Sharlene!"-bati ni Brace, nilingon naman sya ni Shar.

"Ikaw pala.. andito ka pa pala.. akala ko napalipat ka na sa lower eh"-sabi ni Sharlene sabay ngisi kay Brace

"O-oy! Parang may laman yang sinasabi mo ah! Kahit di ako matalino, magaling naman ako! Pareho lang tayo"-sabi naman ni Brace

"Oo na. Sabi mo eh"-sagot sa kanya ni Shar

"Ay Shar! eto nga pala si Nash"-sabi ni Brace.. ilang beses nya ba talaga ako balak ipakilala sa iba? Nakakarami na sya ha. -_-

Tumingin naman si Sharlene sakin.

"Ah. Okay."-sabi lang nya sabay bawi ng tingin sakin tapos nakipagkwentuhan na sya kina Alexa at Mika. Yun na yon? Ibang klase talaga yung isang yon.

"Ganyan talaga yan. May pagkasuplada. Minsan ko nga lang yan makausap ng matino eh"-bulong ni Brace sakin. Obvious nga.

Maya maya.. may biglang pumasok na babae sa classroom and I think sya ang adviser namin. She's wearing eyeglasses at mukhang naman syang mabait..

"Good morning class.. I'm Ms. Daphne Villareal your adviser and also your Humanity teacher"-pakilala nya

"Dahil first day of school.. Let's have our ritual. We'll get to know each other muna. I know na magkakakilala na yung karamihan sa inyo pero let's give chance na makilala yung mga bagong lipat. Am I clear?"-sabi ni Ms. Villareal ..

"Yes Ma'am"-we answered in chorus.

Honestly speaking, nakakasawa na yang activity na yan! Sukang-suka na ako sa pagpapakilala taun-taon, kakaumay na. Pero buti na lang this time walang talent portion -_-

"By two's ang gagawin kong grouping sa inyo. Kuha kayo ng partner, kahit sinong gusto nyo. Within 30 minutes kilalanin nyo ang partner nyo. After non, pipili ako ng duo na magpapakilala sa unahan. Take note: you're not the one who's going to introduce yourself, ipapakilala kayo ng partner nyo in front of everybody; that's the twist in our activity."-paliwanag nya.. daming pakulo! pwede namang magpakilala nalang isa-isa para less hassle eh.

"You may go outside the classroom para makapag-usap kayo ng maayos pero walang magka-cutting, within school premises lang ang area na dapat nyong piliin. Be sure na andito na kayo after 30mins. Got it?"-dagdag pa ni Ma'am.

"Yes Ma'am"-sagot namin.

Hmm..Partner? Lumingon ako sa katabi ko..Edi si---

"Nash, I suggest pumili kang mabuti ng partner mo.. Kahit maraming lalaki dito, binabalaan kita-- kaunti lang ang straight sa kanila"-seryosong sabi ni Brace.. napanganga ako sa sinabi nya.. it means..

"Ge good luck na lang. Si Celine ang partner ko eh."-sabi nya saka sya tumayo at pumunta na sa tabi ni Celine tapos umalis na sila sa classroom.

Kung wala si Brace, sino nalang ang makakapartner ko? Bahala na.

Di na lang ako umalis sa kinauupuan ko. Maghihintay na lang ako kung may matitira pang classmate ko na walang ka-partner, yun na lang ang papatusin ko. -_-

Paunti na ng paunti ang tao dito sa classroom. Halos lahat nasa labas na. Nung binilang ko.. eight nalang kami dito-- yung apat na kaklase kong di ko pa kilala, sina Alexa, Mika, Sharlene at ako.

Three MUSE-Keteers ( NashLene - NLex - Mikash )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon