Nash

1.5K 47 7
                                    

Nash POV

"Mom! Alis na 'ko!"-sigaw ko sabay kuha ng bag ko at sakbit nito sa likod ko. Paalis na ako nang..

"Teka lang! Ingat ka ha! Kiss ko?"-pahabol ni mommy.. Tss.

Hinalikan ko na lang sya sa cheeks katulad ng ginagawa ko for how many years? She's always like that! Treating me like a baby -_- Well, ilang taon na ba ako?--- Holy crap! I'm already 16! And imagine.. 4th year high school na 'ko tapos she's treating me like a kindergarten! It sucks!

Di naman sa ayaw ko..pero.. nakakailang na kasi! nakakahiya actually.. eh pano kung umasta sya ng ganyan sakin in front of other people? Ewan ko na lang!

"Ang sweet ng baby ko! Kaya love na love ka ni Mommy eh.. Oh, good luck sa Pilot Section! Proud na proud kami ng Dad mo sayo.Bye na. I love you!"-dagdag pa nya..

See? She even called me "baby"! Asdfghjkl! Kaya gusto ko na magkaron ng kapatid eh! Only child lang kasi ako kaya nasakin lahat ng attention ng Mom ko. And I think kasalanan 'tong lahat ng Dad ko. Bakit? --kasi masyadong syang busy sa work! Di tuloy sila makagawa ng kapatid ko XD

"I love you too. Bye!"-sagot ko habang nakangiti kay Mommy. Yeah..hinahayaan ko na lang, di ko sya sinasaway dahil kahit bine-baby nya ako which I hate the most, mahal na mahal na mahal ko pa rin ang Mommy ko.

Papunta na 'ko sa school.. naglakad lang ako. Di naman kalayuan eh.

Tss. Pilot Section.

Ayaw ko man, kabilang na ako dyan. Bakit? --gusto ni Mom at Dad eh -_- Naging proud sila kasi Top Section yan sa buong year level.

Dati kasi, simula 1st year to 3rd year nasa lower section ako. Di naman sa bobo.. tamad lang talaga ako mag aral. Kaso last year, 3rd year ako nang..

*Flashback*

"Nash, magtino ka naman sa pag aaral for Mommy.. matalino ka naman eh, kayang kaya mo pumasok sa Pilot Section next year"-sabi ni Mom

"Oo nga anak. Para makapasa ka sa oustanding universities at makakuha ka ng magandang course sa college."-sabi naman ni Dad.Ayos kasi ang priviledge at ang daming advantage pag nakapasok ka sa Pilot section.

"Sige po. I'll try"-sagot ko

Kaya ayon.. ayaw ko namang madisappoint ko sila.. I study hard.

*End of Flashback*

Kaya eto ako ngayon.. I think this year will be different. First time ko makapasok sa ganong klase. Hula ko nga boring dun eh! Puro aral siguro ang alam ng mga students sa pilot section -_- Mataas kasi ang expectation sa kanila.

Pagpasok ko sa Cliffton Academy bumungad sakin si Kobi, former classmate ko. Kabarkada since first year.

"Yow!"-bati nya

"Oy! Section mo?"-tanong ko

"4-C. Ikaw?"-tanong nya. Sasagot na sana ako kaya lang sumabat sya.

"Ay! Let me guess.. kaklase nanaman kita ano?"-tanong nya. Umiling ako.

"Ha? edi B? or D?"-tanong nya ulit.

"Hindi rin.. 4-A ako."-sagot ko

"4-A? Teka! Pilot Section yon ah! Nice joke pre!"-sabi nya habang tatawa-tawa pa. Tss.

"I'm dead serious"-sabi ko sabay kuha sa bagpack ko nung resibo nung enrollment at tinapat ko yun sa pagmumukha nya. Nakalagay kasi don yung section ko.

"So totoo nga! Grabe! Galing mo dude!"-sabi ni Kobi pagkakita nya non.

"Ako pa."-sabi ko nalang

"Yabang ah! Pano nangyari yon? Nandaya ka ba?"-tanong nya

"Utut mo! Dyan ka na nga!"-sigaw ko sa kanya at naglakad na ako papalayo.. kakabwisit! kaibigan ko ba talaga yon? -_-

"Oy! Kalma! Joke lang yon haha. Ikaw kaya ang first sa klase natin last year, medyo inexpect ko na nga na mapapalipat ka eh. So, san punta mo?"-tanong nya

"Sa locker ko. Ilalagay ko lang tong libro"-sabi ko. Pabigat kasi sa bag yung salot na libro -_- after lunch pa naman namin gagamitin.

"Pasama ako"-sabi ni Kobi. Hinayaan ko na lang.

Dyahe! hahanapin ko pa nga pala ang locker ko. We don't have permanent lockers, papalit-palit kada-year ang lockers namin at expected na palaging nasa harap yun ng designated classroom namin para di hassle.

Pagpanhik namin ng 4th floor nakita na namin yung classroom at yung lockers. May name naman ang kada-locker eh. Oras na para maghanap.

"Ang daya! Bat ang laki ng space ng locker nyong mga nasa top section kesa saming nasa lower section?! Halos kalahati lang yung amin nung sa inyo eh! Pare-pareho lang naman tayo ng binabayarang tuition fee ah! Nasan ang hustisya?"-reklamo ni Kobi habang tumitingin dun sa locker ng section namin.

"Dami mong alam! Tama na ang dakdak! Hanapin na lang natin yung locker ko."-sabi ko sa kanya.

Nasan ba kasi yon? Bat kasi ang dami kong kaklase?! Hirap tuloy maghanap! Tapos hindi pa naka-alphabetical -_-

No choice. Iisa isahin kong tingnan yung pangalan.

Sanary.. Nikki.. Gabriel.. Celine.. Varil.. Lynn.. Angel.. Amariss.. Alexa.. Mika.. Sharlene.. yun!

"Nakita ko na!"-sabi ko sabay lingon kay Kobi. Lumapit naman sya sakin.

Binuksan ko na yung locker ko at nilagay ko na yung libro ko saka ko nilock ulit.

"Swerte pare! Classmate mo sila"-sabi ni Kobi habang nakatingin sa mga locker.

"Ha? Sinong sila?"-tanong ko.. Tinuro nya naman yung mga katabi ng locker ko.

Pagkatingin ko..

Ah.. Yung tatlo pala.. Oo nga no.

Yun yung locker nina Sharlene, Mika at Alexa.

-xChapter 1 Finishedx-

Votes and Comments are highly appreciated. Thank you :)

Ano? Ayos ba ang chapter 1? Post your feedback if you like.

I'll post Chapter 2 tomorrow.

Lovelots,

yOOnjOoLee01 :)

Three MUSE-Keteers ( NashLene - NLex - Mikash )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon