COULD this be the greatest love of all? I wanna know that you will catch me when I fall. So let me tell you this, some people wait a lifetime for a moment like this...
Namasa ang mga mata ni Chryzelle nang mula sa kulumpon ng mga tao sa bahagi ng altar sa kinaroroonang simbahan ay lumabas ang kanyang boyfriend na si Calix habang patuloy pa rin na pumapailanlang sa ere ang awiting naging paborito niya na mula nang maging sila kulang dalawang taon na ang nakararaan.
Hindi lubos-akalain ni Chryzelle na makikita roon si Calix samantalang tambak ang mga rason na ibinigay nito sa kanya nang mag-usap sila kanina. Meron pa raw itong meeting na pupuntahan kaya hindi nila magkasamang maise-celebrate ang Valentine's Day.
Napatitig si Chryzelle sa kabuuan ng simbahan. Naroroon ang mga malalapit nilang kaibigan ni Calix, ang pamilya niya, pati na ang nakatatanda at nag-iisang kapatid nito na si Clarence. Pare-parehong may ngiting nakapaskil sa mga labi ng mga ito.
Nang sa wakas ay magtagpo sila ni Calix sa gitna ng simbahan ay mabilis na iniabot nito sa kanya ang dalang bouquet ng pulang mga rosas.
"Thank you," nahihiyang wika ni Chryzelle. "But what is this... all about?"
"Wala ka bang naaalala?" ganting-tanong ni Calix. Naging mapanukso ang ngiti nito kasabay ng paglahad nito ng mga kamay sa ere. "The setting, the people, the music, the entire plan... don't you find them familiar?"
Mariing kinagat ni Chryzelle ang ibabang labi para pigilan ang pagtakas ng kanyang hikbi. Sa totoo lang ay kanina pa pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Calix. Sadyang ayaw niya lang na masyadong umasa sa takot na mabigo.
Nang marinig pa lang ni Chryzelle ang paboritong awitin sa pagpasok niya sa simbahan ay nag-iba na ang kutob niya, pati na nang makita na tanging malalapit na mga tao lang sa kanya ang mga naroroon. Nagpunta siya sa simbahang iyon kasama si Grace, ang empleyado ng pag-aari niyang bakeshop.
Biyernes nang araw na iyon at pasado alas-syete na ng gabi, pero nananatiling bukas pa rin ang simbahan para sa mga taong gustong manalangin. At dahil parehong walang date sina Chryzelle at Grace sa espesyal na araw na iyon ay nagkayayaan silang doon na lang magpunta pagkatapos nilang magsara ng shop.
At ang kasalukuyang mga nakikita at naririnig ni Chryzelle ay ang siyang kabuuan ng dream wedding proposal niya na siyang isinulat niya pa noong nakaraang taon pagkatapos masaksihan kung paano nag-propose sa ate Celeste niya ang boyfriend nito. Doon siya nagsimulang mangarap rin ng kasal para sa kanila ng boyfriend.
Napasinghap si Chryzelle nang bigla ay lumuhod sa harap niya si Calix.
She took a deep breath. Every single thing in her dream was happening right before her very eyes.
"Almost two years ago, we met each other here and I did something really, really beautiful; something that I know I will always be proud of-I fell in love with you. We had our moments, Elle. Nag-away tayo at nagkatampuhan, but even those were amazing." Magiliw na ngumiti si Calix. "Dito mo ako sinagot. Dito tayo nagkasundo. We built our dreams and prayed together in this very church."
Napasigok si Chryzelle. "Calix..."
"It's a wonder how this church seems to witness a lot of events in our lives, Elle. At gusto ko sanang madagdagan pa ang mga nasaksihan ng simbahang ito... kung hahayaan mo ako." Mula sa bulsa ng coat ay inilabas ni Calix ang isang kahita.
Kumabog ang dibdib ni Chryzelle sa antisipasyon.
Parang kinakabahan namang tinanggap ni Calix ang inaalok na panyo ng natatawang kapatid nito. Maagap nitong pinunasan ang namuong butil-butil na pawis sa noo. Kahit pa naluluha ay natawa si Chryzelle.
"Will you marry me, Elle?" Kasabay ng linyang iyon ay ang paglitaw ng pinakamagandang singsing na nakita ni Chryzelle sa tanang buhay niya.
I can't believe it's happening to me. Some people wait a lifetime for a moment like this...
The lyrics of the song filled her heart. God... she had been waiting for that special moment. Lumuhod siya para magpantay ang mga mukha nila ni Calix. Nangingiting hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Y-yes." Her voice broke. "I will marry you."
"Thank you." Mabilis siyang dinampian ni Calix ng halik sa mga labi. "Happy, happy Valentine's Day, love."
NAHINTO sa pagbabalik-tanaw si Chryzelle nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng master's bedroom. Mabilis na pinahid niya ang mga luha at inayos ang sarili. "Come in."
Ilang sandali pa ay pumasok si Matilde, isa sa mga kasambahay sa mansyon. "Ma'am, tumawag po si sir Calix. Hindi na raw po niya kayo masusundo. Sa restaurant na lang daw po kayo magkita."
Hindi na ikinagulat pa ni Chryzelle ang narinig. Sa dami ng mga gawain ni Calix, madalas ay natutukso na siyang magpa-set ng appointment sa secretary nito para makausap lang ang asawa.
"All right." Pilit siyang ngumiti. "Thanks, you can go now."
Nang makaalis na ang kasambahay ay tumayo na rin si Chryzelle at hinila ang kanyang mga maleta. Sa huling pagkakataon ay tinitigan niya ang kanyang wedding ring bago niya tuluyang hinubad iyon mula sa kanyang daliri. Nagsisikip ang dibdib na inilapag niya iyon sa bedside table.
Paalis na sana si Chryzelle ng kwarto nang hindi sinasadyang napasulyap siya sa malaking wedding portrait nilang mag-asawa na nakasabit sa dingding malapit sa pinto. Mapait siyang napangiti nang makita ang kanyang buhay na buhay na anyo roon.
It was amazing how happy she was five years ago and how miserable she had become five years after.
BINABASA MO ANG
Wish List Number Ten: Love Me Again
RomanceChryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. S...