AGAD na sumakit ang ulo ni Chryzelle nang si Calix kaagad ang mabungaran pagbaba niya mula sa kotse. Kahit nagkahiwalay na sila ng tirahan ng asawa ay hindi pa rin siya tuluyang makawala mula sa sakit na pinagdaanan na dulot nito, lalo na at paulit-ulit niya itong nakikita ngayon.
She must admit that there was that little part of her who wanted to hope, who wanted to cling on one last time to his promise of reconciliation, to his promise of a better marriage. Pero madalas ay inaalis niya ang katiting na pag-asang iyon sa kanyang puso. Pagod na pagod na ang puso niya na palaging dumaraing ng pahinga na hindi niya magawa-gawa dahil kahit sa bahay ng ate niya ay sinusundan pa rin siya ni Calix.
Ilang ulit nang pinayuhan si Chryzelle ng kapatid na magpakalayo-layo muna para magbakasyon pero ayaw niya. Natatakot siya na lalo lang makaramdam ng awa sa sarili kapag umalis nang mag-isa. Mas gusto niyang magtrabaho na lang para kahit paano ay may pinagkakaabalahan siya, hindi tulad ng pagbabakasyon na siguradong puro pag-iisip lang ang kanyang gagawin.
"Please, Calix," May bahid-pakiusap na wika ni Chryzelle. "Just go-"
Mabilis na inilapat ni Calix ang isang daliri nito sa kanyang mga labi para pahintuin siya sa pagtataboy rito.
"Gago ako. I was selfish. I didn't recognize your worth until you were gone. Pero maniwala ka sanang sa kabila ng kagaguhan at ng mga pagkukulang ko, mahal talaga kita, Chryzelle. I'm so sorry." Pinakatitigan siya ni Calix, na para bang nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata. "When Clarence died, I... I didn't know what to do. Nagkasakit si Papa. Halos bumagsak ang kompanya. I was at a loss. All I knew then was the hunger to prove something to Dad, the hunger to feel my importance.
"No matter how I hated my dad for everything that happened between us, I was still scared... to be left alone. Siya na lang ang natitirang pamilya ko sa mundo. Ayokong bumigay siya. Kaya gumawa ako ng paraan. Nagsumikap ako para patunayan sa kanyang may pag-asa." Malakas na napabuga ng hangin si Calix. "I wanted to make him feel my presence."
"But I lost your presence in the process." Namasa ang mga mata ni Chryzelle. "Hindi ka naman nag-isa kahit nawala si Kuya Clarence, Calix. Nasa tabi mo ako."
"I know, baby. I know." Lumitaw ang pagsisisi sa mga mata ni Calix.
"Kinailangan din kita. Pero parati kang wala." Pumasok sa isip ni Chryzelle ang mga panahong nasa hardin siya sa kalagitnaan ng gabi at naghihintay sa pagdating ni Calix. She was anxious. She couldn't relax. Madalas ay out of coverage area ang cell phone ng asawa. Halos hindi siya makatulog, magmamadali siyang sisilip sa cell phone kada maririnig niya ang message alert tone para lang madismaya sa makikitang nag-iisang text message ni Calix na nagsasabing sa opisina na raw ito magpapalipas ng gabi dahil may proposal pa na pag-aaralan at report na paghahandaan para i-present sa board.
Maunawain si Chryzelle. Pero sa paglipas ng mga taon, unti-unting nasagad ang kanyang pasensya. Bumaba rin nang bumaba ang pagtingin niya sa sarili na nag-ugat sa kawalan ng oras sa kanya ng sariling asawa sa kabila ng pagsusumikap niyang abutin ito.
"Noong araw ng anniversary natin, maayos na ang lahat sa kompanya noon kaya handa na akong magbakasyon sana kasama ka." Bumuntong-hininga si Calix. "Wala na akong magagawa para sa nakaraan natin. But I can still change our future. Hayaan mo akong makabawi, Chryzelle. I didn't give up the past years, though I was tempted many times because your presence gave me hope. Kaya kung mawawala ka ngayon, para na rin akong bumalik sa dati, naliligaw na naman."
Masuyong pinahid ni Calix ang mga luha ni Chryzelle na hindi niya namalayang tumulo pala. Para bang napapagod na ipinikit ng asawa ang mga mata, pagkatapos ay idinikit ang noo sa kanyang noo. "I'm so sorry for being an ass. Ipinapangako kong babawi ako. Give me a chance, please. Ibalik natin ang nakaraan."
BINABASA MO ANG
Wish List Number Ten: Love Me Again
Storie d'amoreChryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. S...