"THE NUMBER you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later."
Napakagat-labi si Chryzelle nang imbes na ang boses ni Calix ay ang operator ang narinig niya sa kabilang linya. Dapat ay sanay na siya, pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Palagi na lang ganoon ang nangyayari tuwing may espesyal na okasyon sa pagitan nila ni Calix. Sandali siyang napayuko. Dumiin ang pagkapit niya sa pulang tela na sapin ng mesa. Halos isang oras nang late sa usapan nila ang kanyang asawa.
Sa huling araw na pinagbigyan niya ang sarili na makasama si Calix ay hindi niya akalain na doon pa siya makadarama ng matinding kabiguan.
Just a few more minutes, Elle, pagpapaalala ni Chryzelle sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na nagbilang sa isip. Pero pagkaraan ng ilang sandaling paghihintay ay wala pa rin ni anino ng taong inaasahan niya. Malungkot siyang napangiti. Until that very day, Calix was cruel.
Kinuha na ni Chryzelle ang shoulder bag, pati na ang isang folder pagkatapos na mag-iwan ng pera sa mesa para sa tatlong refill ng red wine na naubos niya sa paghihintay. Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan niya bago mabibigat ang mga paang lumabas na ng restaurant.
Nakalabas na siya nang makita ang nagmamadaling si Calix. Mabilis na hinalikan siya nito sa mga labi.
"I'm so sorry, baby. May biglaan kasing meeting sa office kaya hindi na ako nakarating kaagad. Tara, pumasok na tayo sa loob. Let's have dinner. I'm really hungry." Inalalayan na siya ni Calix papasok sa loob, pero bumitaw siya rito. "What's wrong? Ayaw mo na bang kumain? I'm really, really sorry, baby."
Pinakatitigan ni Chryzelle ang gwapong mukha ng asawa. It was still the same man she had fallen deeply in love with seven years ago. Alon-alon pa rin ang bagsak at kasindilim ng gabing buhok ni Calix. Mapupungay ang kulay-tsokolateng mga mata na pinarisan ng makakapal na kilay. Matangos ang ilong nito na nakasanayan niyang pisilin noong boyfriend niya pa lang. At parang babaeng natural na mapula ang manipis na mga labi nito na noon ay palaging nakangiti.
Calix was still, in every inch, the man of her dreams. And he was so near that she could actually hold him but their hearts were miles and miles apart now.
"Babawi ako sa 'yo, pangako," masuyong sinabi ni Calix pagkatapos ay naglabas ng maliit na kahon mula sa bulsa ng suot na coat at iniabot kay Chryzelle. "Happy fifth anniversary, baby."
Hindi tinanggap ni Chryzelle ang regalo ni Calix, sa halip ay inilayo niya ang sarili sa asawa. Hindi niya man buksan ang regalo ay alam niyang mamahaling alahas na naman ang laman niyon na sigurado niyang inihabilin na lang nito sa secretary na bilhin sa sobrang pagkaabala sa pagtatrabaho. Nakaipon na siya ng mga ganoon mula sa asawa na ni minsan ay hindi niya naman isinuot. Lahat ng iyon ay iniwan niya sa jewelry box sa kanilang kwarto bago umalis sa kanilang bahay.
She breathed heavily. Kahit anong pagpipigil niya ay kumawala pa rin ang mga luha niya. "H-happy anniversary, too, Calix." Pumiyok ang boses niya pero nagpapakatatag pa rin na iniabot sa asawa ang hawak na folder. Nagtatakang kinuha naman nito iyon. "Pero hindi ko na kailangan ng kahit na anong regalo mula sa 'yo. Just sign the annulment papers. At makakabawi ka na sa akin nang husto."
Napaawang ang mga labi ni Calix sa pagkabigla.
Nagpatuloy si Chryzelle. "Doon na muna ako titira sa bahay nina Ate hangga't hindi pa ako nakakahanap ng apartment. Pakidala na lang sa secretary mo ang documents sa bakeshop kapag napirmahan mo na." Mapait siyang ngumiti. "Thank you very much for the last five years, Cal. But I don't think I can bear another year with you. Hindi ko na kaya. I don't even think I can bear another day with you. Kapag sinubukan ko pa, baka bumigay na ako." Bago pa tuluyang sumabog ang mga emosyon ay nananakbong lumapit na siya sa pinagparadahan sa kanyang kotse.
BINABASA MO ANG
Wish List Number Ten: Love Me Again
RomanceChryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. S...