Chapter Ten

15.8K 509 68
                                    


"YOU'RE scaring me, Calix."

Mula sa binabasang dokumento ay nag-angat ng mukha si Calix at walang-emosyong tumingin sa kanyang ama na nasa bukana ng pinto ng kanyang opisina. Mag-iisang linggo na mula nang makabalik siya sa pagtatrabaho. May mga pagkakataong nahuhuli niyang sumisilip ang ama sa kanyang opisina, pero nanatili siyang walang kibo. Ayaw niya na munang makarinig ng anumang insulto mula rito.

"Napadaan ako noong isang araw sa bahay mo. Manang Soledad told me the whole story between you and Chryzelle."

"Oh..." Pigil ang emosyong napatango-tango si Calix. "Then please do come in, Dad. Kung mang-iinsulto na naman kayo na hanggang sa marriage ko, palpak ako, pumuwesto sana kayo malapit sa akin. Para ako lang ang makarinig at hindi pati ang mga staff na nagdaraan. My heart's really broken, you see." Muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasang reports. "So I'm asking you to at least, save my pride even for the meantime."

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Calix ang pagsinghap ng kanyang ama bago niya narinig ang mga yabag nito papasok. Naupo ito sa silya sa tapat ng kanyang mesa.

"Hindi ka nagwawala. Hindi ka naghahamon ng gulo. Hindi ka rin nagpapakalasing. Araw-araw, pumapasok ka at nagre-report sa opisina. Nalaman ko mula sa ilang empleyado na nag-o-overtime ka rin." Inagaw sa kanya ng ama ang folder na pinag-aaralan niya. "What the hell is your problem, Calix? Kung nagagalit ka sa akin, sabihin mo, ipakita mo. Makipag-away ka sa akin tulad ng dati. You're killing me with your silence and behavior!"

"Dad," Frustrated na sagot ni Calix. "Kapag nagpakagago ako, nagagalit kayo. Hanggang ngayon ba naman na sinusubukan ko nang magpakatino? Saan ba ako lulugar?"

Natutop ni Calix ang noo. Mula noong gabing iwan siya ni Chryzelle ay halos hindi na siya umuwi sa kanilang bahay. Mababaliw siya roon. The house held so many memories. Pero ayaw niya namang lumipat sa bagong bahay nila. The emptiness there would suffocate him. Kaya nagbabaon na lang siya ng damit at halos sa opisina na natutulog. Sinisikap niyang huwag hanapin si Chryzelle dahil baka kung anong kabaliwan na naman ang pumasok sa kukote niya para muli lang pabalikin ang asawa sa buhay niya. But hell... he really missed her so much.

"I'm sorry, son. Naging bias ako pagdating sa 'yo. I just don't know what to do with you. Many times over the past years, God knows I wanted to talk to you, but you were so out of control. Masyado nang napuno ang puso mo ng galit para sa akin kaya hindi na kita maabot. Kaya nag-focus na lang ako sa kuya mo na alam kong hindi pasasakitin ang ulo ko." Natawa si Arthur pero walang buhay iyon sa pandinig ni Calix. "And that was wrong, I know."

"Hindi ko naman kayo masisisi," mapait na sagot ni Calix. "Hindi naman kasi ako magaling. Hindi ako perpekto. Heck, I can't even blame you for wishing I was the one who should have died because believe me, Dad, I also wish I'm dead right now."

"Calix!" Horror filled his father's voice. Marahas na napabuga ito ng hangin bago hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay. "I'm so sorry. I was so devastated by Clarence's death. Hindi ko bibigyan ng dahilan ang mga nasabi ko sa 'yo noon. I'm sorry. But I want you to know that you have exceeded my expectation the past years. And I'm so proud of you." Bumitiw ito sa kanya, pagkatapos ay tumayo.

"Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad kaagad. I've never really been a good father to you, that's why you grew up like that. Pero napatunayan mo na ang sarili mo sa mga nakalipas na taon, Calix." Malungkot na ngumiti ang ama. "Hindi ko lang alam kung paano ka lalapitan para i-congratulate. I've never really said this, but I'm proud you are my son." Naglakad na si Arthur patungo sa pinto. "I understand your pain but let it out, Calix. Don't do this."

Paalis na sana ang ama nang tawagin ito ni Calix. Puno ng pag-asa ang mga matang humarap ito sa kanya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa na lumapit siya at niyakap ang kanyang ama na ginantihan naman nito ng mas mahigpit na yakap. Tinapik-tapik din nito ang kanyang likod. In his father's arms, he felt like a little boy once more.

Wish List Number Ten: Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon