NAGMAMADALING ipinarada ni Calix ang kanyang kotse sa garahe nang makitang naroroon pa rin ang kotse ni Chryzelle. Mabilis siyang bumaba. Halos takbuhin niya na rin ang front door. Nag-uumapaw ang pinaghalong takot at kaba sa kanyang puso nang maalala ang itinawag sa kanya ni Derek habang inaasikaso niya ang transaksiyon para sa paglipat sa magiging bagong bahay nila ni Chryzelle.
Ayaw niyang parating maalala ng asawa ang mga mapapait na nakaraan sa kasalukuyang tinitirahan nila. He wanted to create new memories with her, beautiful ones. Tatlong araw pa bago tuluyang maiayos ng abogado niya at ng ahente ang napili niyang bahay kaya tatlong araw pa bago niya maipapakita kay Chryzelle, kasabay ng pag-amin niya rito ng katotohanan. Hindi niya na hihintayin pang matapos ang isang buwan. Ayaw niya nang magsinungaling pa sa asawa. Pero bago iyon ay gusto niya na muna sanang ihanda ang kanilang mga sarili.
He wanted his wife to relax and take her first to her favorite singer's concert which happened to be Jed Madela. Ang dami niya pang plano bago ang nakatakdang pag-amin pero mukhang huli na.
"Talk to your wife, man. Sabihin mo na ang totoo. Kung ano-ano na ang ginagawa niya para matulungan ka lang sa inaakala niyang problema mo. Did you know that she called me to ask for a certain Edmund Guzman? Heck, pare. Hindi naman oncologist 'yon. Naloloko lang si Chryzelle ng iba sa hangarin niyang matulungan ka."
Muling nakaramdam si Calix ng panlalamig. He remembered "Edmund Guzman" so well. Iyon ang inimbento niyang pangalan nang magtanong ang pinagpagawaan niya ng mga test result kung anong pangalan ng doktor ang ilalagay nito roon. Ayaw niya namang gamitin ang pangalan ni Derek. Hindi siya ganoong tipo ng kaibigan. Nabanggit niya sa huli ang ginawang pamemeke ng test results, pero hindi niya na nasabi rito ang tungkol sa pangalan ng doktor na ginamit. And now, he was paying the price.
Agad nakita ni Calix si Chryzelle sa sala. Nakaupo ang kanyang asawa sa sofa at walang emosyon sa anyong nag-angat ng mukha nang marahil ay maramdaman nito ang kanyang pagdating. Napalunok siya nang makita ang mga maleta nito na nakalagay malapit sa center table.
"Chryzelle..." nagsusumamong wika niya, kasabay ng paglapit sa asawa. "Let me explain first, please." Naupo siya sa tabi ni Chryzelle at sinubukang hawakan ang mga kamay nito pero tinabig lang iyon.
"Calix..."
Natigilan si Calix sa naulinigang paghihinagpis sa boses ni Chryzelle. Sa pagkakataong iyon ay humarap sa kanya ang asawa at hindi na itinago pa ang mga nadarama nito. Punong-puno ng hinanakit na tinitigan siya nito.
"Do you know what I feel right now? I felt used. I felt manipulated. I felt like a fool again because you hurt me again." Tumayo na si Chryzelle at hinila ang dalawang maleta nito.
Maagap na hinarang ni Calix ang asawa. At sa ikalawang pagkakataon sa buhay niya ay muli siyang lumuhod sa harap nito. God... he would give everything he had just to erase the pain in her eyes. "I am so... so sorry."
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ng asawa. Pakiramdam ni Calix ay tinarak ng kung anong matalim na bagay ang puso niya nang ilang beses. He had never seen Chryzelle like this.
"I'm so tired hearing you're sorry. I'm so tired holding on," wika ng kanyang asawa sa namamaos nang boses. "I'm so tired trying." Lumihis ito at dumaan sa kabilang gilid, saka tuloy-tuloy na naglakad palayo.
Malapit na si Chryzelle sa front door nang muling magsalita si Calix.
"Alam kong naging gago na naman ako. Wala akong maibibigay na justification sa ginawa ko, maliban sa desperado na talaga ako. Dahil hindi ko na alam kung paano pa mapapalapit sa 'yo. Pakapal nang pakapal ang pader na inihaharang mo sa pagitan natin sa tuwing pinupuntahan kita noon. And the fool that I was can only think of a foolish idea, the cancer thing. Binigyan ko ng limitasyon ang pagpapanggap. Maximum na ang isang buwan. I'm sorry. I just knew I had to do something because I was on the verge of losing you forever."
BINABASA MO ANG
Wish List Number Ten: Love Me Again
RomanceChryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. S...