CHAPTER 02

9.3K 277 34
                                    

PERO curious si Paloma, may maniniwala kaya na hundred percent na virgin pa siya sa kabila ng trabaho niya before at sa edad na rin niya? Kung kayo ang tatanungin niya, maniniwala ba kayo? Hmm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PERO curious si Paloma, may maniniwala kaya na hundred percent na virgin pa siya sa kabila ng trabaho niya before at sa edad na rin niya? K
ung kayo ang tatanungin niya, maniniwala ba kayo? Hmm... Wala naman siyang magagawa kung walang maniniwala. As if may pakialam naman pati siya. Hindi naman ikakadagdag ng ganda ganda niya kung may maniniwala o wala, 'di ba? At talagang iniisip pa niya ang opinyon ng ibang tao about sa virginity niya kesa sa mga zombies na nagkalat sa labas.

Ang dami pa rin talagang zombies. At padagdag nang padagdag. Mamaya ay bobombahin niya ang mga pesteng zombie para makalipat naman siya ng lugar. Nauubos na kasi ang supplies sa mall kung saan siya naroon katulad ng mga pagkain at kung anu-ano pang kailangan niya para mag-survive.

Siguro, kung dapat magkaroon ng bagong bayani ang Pilipinas, walang iba iyon kundi si Paloma. Iyon naman ay para lang sa kanya, ha. Biruin niyo, mag-isa na lang yata siyang tao dito sa Manila. Lahat ng zombies na sumalubong sa kanya, pinatay niya. Sa ulo kasi ang kahinaan ng mga zombies. Kailangan ay pasabugin o sirain ang utak ng mga ito para mamatay nang tuluyan. Kapag kasi sa katawan lang sila babarilin o aatakihin, wala... walang epekto sa mga ito. Mas lalo lang silang magiging agresibo. Hahabulin ka lang ng mga zombies at gagawing pagkain ang katawan mo!

Oo, alam ni Paloma na mahirap at malungkot ang mag-isa pero isa siyang makabagong Pinay! Malakas, independent at kayang ipagtanggol ang sarili laban sa mga masasama! Sa mga zombies to be exact.

Dumapa siya at namaril ulit ng ilang beses upang tignan kung asintado na nga talaga siya. Sa limang balang pinakawalan niya, tatlo doon ang tumama. Not bad.

Tumayo na siya mula sa pagkakadapa dahil medyo sumasakit na ang dede niya. Pumorma siya na akala mo ay isang sexy na action star habang nakapatong ang rifle sa balikat. May suot siyang fitted black jeans, fitted black shirt na talagang kapit na kapit sa kanyang sexy body at boots plus mamahaling shades. Lahat ng ito ay na-harbat lang niya dito sa mall.

"Ako si Paloma! Ang nag-iisang babae na uubos sa mga pesteng zombies! And nothing gonna stop me now!" buong tapang na sigaw niya.

Nagulat na lang siya nang may biglang humampas sa likod ng ulo niya. Para siyang nakakita ng star na lumilipad-lipad sa itaas ng kaniyang ulo. Paglingon niya sa likod ko ay may nakita siyang matandang lalaki na may tungkod. Sigurado na iyon ang pinanghampas nito sa ulo niya.

"Anong sinasabi mong nag-iisang babae?!" Pagalit na sigaw sa kanya ng matanda na puro puti na ang balbas at bigote. Kulubot na rin ang mukha nito ngunit kakakitaan pa rin ng kakisigan at kagwapuhan noong kabataan nito.

Kakamot-kamot na lang sa ulo si Paloma. Okay, aamin na siya. Hindi siya nag-iisa sa mall na ito. Medyo nangangarap lang talaga siya na siya ang pag-asa ng ekonomiya. Gano'n lang! Actually, pito silang lahat na narito. At isa sa pitong iyon ang matanda na hinampas siya ng tungkod.

"Sorry naman, Lolo Yolo! Nangangarap lang. Hindi naman masamang mangarap, 'di ba?" Pangangatwiran niya habang nakalabi.

Ang matandang iyon ay si Lolo Yolo. At hindi nila alam ang totoo nitong pangalan. Basta Lolo Yolo ang pakilala nito sa kanila. Siguro ang motto nito sa buhay ay "You only live once". Pero hindi naniniwala si Paloma sa kasabihang iyon dahil para sa kanya: We live everyday and we only die once. Dapat go, go, go lang araw-araw. Gawin mo ang makakapagpasaya sa iyo nang walang inaagrabyadong tao, zombies pwede pa. Okay, balik kay Lolo Yolo. Ang alam niya ay sixty-four years old na ito. Istrikto minsan pero mabiro rin minsan. Paiba-iba ng mood. Gano'n naman yata talaga kapag tumatanda na.

Z+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon