NAPAIYAK na lang si Paloma sa pananahimik nina Buhawi pero medyo nakaka-distract ang mabantot na amoy na kanina pa niya naaamoy. “Renaaa!!! Bakit mo kami iniwan?! Alam ko, palagi tayong magkaaway pero kaibigan pa rin ang turing ko sa’yo! Rena!!!” Malakas na palahaw niya.“Gaga! Hindi pa ako patay! I am alive! Buhay na buhay!” Mula sa kung saan ay narinig niya ang boses ni Rena.
“Rena?” Iginala niya ang paningin sa buong kulungan at nakita niya ito na lumabas sa isang parang maliit na banyo.
“Hindi pa patay si Rena, Paloma. Tumatae lang siya!” sagot ni Violet.
“Leche! Kaya pala kanina pa mabaho dahil sa tae mong babae ka! Kahit zombie mamamatay sa amoy ng tae mo! Kahit kailan talaga, ang balahura mong babae ka!” sigaw ni Paloma kay Rena.
Hindi niya naman kasi alam na may taehan pala sa kulungan na ito. Ang Lucky Seven lang talaga ang nakita niya kanina.
Tinaasan siya ni Rena ng kilay sabay lapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat pero tinabig niya ang kamay nito. Nakakadiri kaya! Malay ba niya kung naghugas ba ito o hindi matapos nitong maglabas ng mabahong sama ng loob!
“Wala naman kasing mabangong tae, Paloma. At saka 'wag mo nga akong tinatarayan diyan. Narinig ko ang pag-iyak mo nang akala mo ay patay na ako. It means, may concern ka sa akin! Ikaw, ha… kunwari ka pa na inis ka sa akin pero ang totoo, love mo ako!” tudyp pa nito.
“Gaga! Drama ko lang 'yon. Don’t be assuming you Japan girl!” Inirapan niya ito sabay harap kay Buhawi. Tinanong niya ito kung paano napunta ang mga ito dito sa Base Camp Z.
Ayon kay Buhawi, nang maiwanan sila ng mga ito ni Rob noon ay may nakilala ang mga itong tatlong babae sa araw din na iyon at ang sabi daw ng tatlong babae ay may alam na lugar ang mga ito kung saan maraming armas na pwedeng makuha. Ligtas daw ang lugar na iyon. Agad daw na nagtiwala sina Buhawi sa tatlong babae at dinala daw sina Buhawi ng mga ito dito sa Base Camp Z. Pero ikinulong lang daw ang mga ito ng tatlong babaeng iyon at nakilala rin nina Buhawi si Dr. Z. Sa pagkakatanda daw ni Buhawi ay gagamitin sila ng naturang doktor para sa eksperimento nito.
Bigla siyang kinabahan pagkasabi pa lang ni Buhawi ng tatlong babae na tumulong sa mga ito. Isa lang ang pumasok sa isip niya… ang Tres Marias!
Napalunok siya. “Buhawi, ang tinutukoy mo bang mga babae ay magaganda at magkakapatid? Mga nakasuot ng sexy outfit?” tanong niya. Mukhang ngayon ay alam na niya kung bakit nalaman ni Dr. Z ang tungkol sa pagiging immune niya sa Z-virus.
“Oo.” sagot nito. “Bakit? Kilala mo rin ba ang mga babaeng 'yon?”
“Ang mga hayop na iyon! Sila rin ang nagdala sa amin ni Rob dito! Nagdrama sila na kunwari ay takot sila kay Dr. Z at sinabi din nila sa amin ang maitim na plano ng doktor na iyon sa mundo. Kaya nagpunta kami dito ni Rob kasama nila para pigilan sana si Dr. Z! Pero nagkamali kami sa pagtitiwala sa tatlong bruhildang iyon--”
Napahinto si Paloma sa pagsasalita nang makarinig sila ng mga yabag ng paa ng paparating. Agad silang sumilip sa rehas na bakal at bumangon agad ang inis at galit sa kanya nang makita niya si Dr. Z na kasama ang Tres Marias. Huminto ang apat sa kulungan nila.
Hahablutin niya sana si Dr. Z pero mabilis na iniharang ng Tres Marias ang mga baril nito.
“Oops! Not too fast, Paloma! Hindi mo pwedeng saktan si Dr. Z hangga’t nandito kaming Tres Marias!” mataray na turan ni Maria Ysabel.
“Walanghiya ka, Maria Ysabel! I helped you when the zombie bite you! You bitch! Hayop kayo! Niloko niyo kami ni Rob! Pinagkatiwalaan namin kayo! Mga pangit kayong lahat! At ikaw naman, baliw na doktor! Humanda ka oras na makalabas ako dito! Papatayin kita nang walang awa dahil sa ginawa mo sa nanay ko. Hayop kayo! Hayooop!!!” gigil na gigil sa galit na sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Z+
Horror(Z+ lit. Z Positive) Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa sakit na ito. Ngunit imbes na lunas ay panibagong virus ang nabuo nila. Isang virus na tinawag nilang Z...