“KINUKUYOG na ang van ng mga zombies!” Narinig ni Paloma na sigaw ni Rob.Tama nga ito. Ang daming zombies na nakasampa sa ibabaw ng van at may mga nakapaligid din dito. Para kumpol ng mga langgam sa ilang piraso ng asukal. Nag-aagawan. Nagpapaunahan kung sino ang makakakuha ng asukal.
“Anong gagawin natin? Kailangan nating makapunta sa van—Hoy! 'Yong van! Umaalis!” Napakalaki ng reaction ni Paloma nang makita niyang umandar paalis ang van. Naglaglagan ang mga zombies na nasa bubong at nagpagulong-gulong sa lupa. Hinabol pa rin ng iba ang van pero sa bilis ng andar niyon ay walang kahit isa ang umabot.
Nanghihina na napaupo na lang siya sa sahig. “I-iniwan nila tayo…” Malungkot niyang sabi habang nakatulala.
“Hindi nila gagawin iyon. Malamang, babalik sila. Wala lang talaga silang choice kundi ang umalis na dahil kinukyog na sila ng mga zombies,” ani Rob. “Alam ko, babalikan nila tayo. Huwag kang mag-alala, Paloma. Isa pa, nandito naman ako, babantayan kita.”
Tumabi ito sa kanya sabay yakap. Agad naman siyang pumiksi at sinampal ito.
“Bakit mo ako niyakap? Manyak na 'to!”
“Mukha ka kasing natatakot kaya ang akala ko kailangan mo ng mainit kong yakap. Pang-comfort lang. Wala namang malisya 'yon, e.”
“Anong wala? Eh, manyak ka—“ Natigilan siya sa pagsusungit niya kay Rob.
Oo nga pala. Dapat ay medyo magpa-sweet na siya dito dahil baka tuluyan nang mabaling ang atensiyon at pag-ibig niya kay Rena. Saka, mabuti na rin siguro na naiwan silang dalawa dito. Chance na niya ito para masolo si Rob at ipakita dito kung ano ang nararamdaman niya. Bahala na. Hindi na lang niya iisipin ang sakit niya. Hindi naman siguro sila agad-agad magsi-sex. Hindi ito mahahawa sa HIV niya, pangako niya iyon sa kanyang sarili. Pwede namang gumamit ng condom, 'di ba?
Ay! Teka nga! Masyadong advance naman ang isip niya. Later na ang topic about sex. Ang kailangan niyang gawin ay muling mahalina si Rob sa alindog na meron siya.
Niyakap ni Paloma ang sarili at yumuko. “I’m so sorry, Rob… Nabigla lang ako. You know… I’m a virgin kaya ganito ako umakto. Hindi ako tulad diyan ng ibang babae na lapitan lang ng lalaki ay bumubukaka na…” Pa-arte-arte niyang sabi.
“Si Rena ba ang tinutukoy mo?”
“Ha? Bakit? Bumukaka na ba siya sa’yo?”
“Bumukaka? Hindi! Magkaibigan lang kami ni Rena. Nagkakasundo lang ang mga opinion namin kaya madalas kaming mag-usap. Isa pa’y paraan ko iyon para hindi siya ma-OP sa grupo. Alam mo naman na bago pa lang siya sa atin. Nangangapa pa iyon.”
“Gano’n ba? Rob, sorry nga pala sa pagsusungit ko sa’yo noon. Ayoko kasi munang mag-focus sa love love na iyan habang kalat pa ang mga zombies at Z-virus dito sa Pilipinas. Gusto ko munang masiguro ang kaligtasan natin. Ayoko kasi na mahuhulog ang loob ko sa isang tao tapos makakain lang siya ng zombie. Ang hirap kayang mag-move on.”
“Naiintindihan ko naman, Paloma… Pasensiya na rin kung makulit ako. Talagang labs na labs lang kita, e!” May halong gigil ang pagkakasabi niyon ni Rob. “Eh di, peace na tayo? Hindi mo na ako aawayin at hindi na kita kukulitin. Liligawan na lang kita kapag okay na ang lahat.”
Pabebe siyang tumingin dito sabay tango. “Iyan… Iyan ang gusto ko. Sige, peace na tayo at pwede mo na rin akong ligawan sa tamang panahon!”
“Yown naman, oh!”
Ang ganda naman ng lugar kung saan sila nagkabati ni Rob. Nasa loob sila ng isang abandonadong convenience store. Tapos sa labas naman ay napakaraming zombies na gustong pumasok sa loob para kainin sila. Iyong iba, nakakadiri na ang hitsura na halos humihiwalay na ang laman sa buto. Iyon iba, sobrang payat na. Nakakaloka ang mga hitsura ng mga zombies. Ang papangit!
BINABASA MO ANG
Z+
Horror(Z+ lit. Z Positive) Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa sakit na ito. Ngunit imbes na lunas ay panibagong virus ang nabuo nila. Isang virus na tinawag nilang Z...