LAHAT sila ay nakanganga sa eroplano na unti-unting lumapag sa kalawakan ng palayan.“OMG! H-hindi kaya iyan na ang help na hinihintay natin?! Baka iyan na ang sasakyan natin pa-gora sa Paraisooo!” Malakas na tili ni Violet habang itinuturo nito ang plane.
Oo nga, 'no? Pero bakit parang galing Japan dahil sa mga Japanese characters na nakasulat sa pakpak? Baka naman tutulungan na ng Japan ang Pilipinas! My God! Thank you! Salamat at mukhang unti-unti na silang tutulungan ng ibang bansa. Japan pa. Eh, 'di ba, high tech na ang Japan ng bonggang-bongga. Baka naman may gamot na dala ang mga ito para sa Z-virus. Magiging tao na ulit si Lolo Yolo! Yes naman!
Naunang tumakbo si Violet papunta sa nakalapag na plane. At sumunod na silang lahat dito. Pumwesto sila sa nakabukas na pinto ng plane. Ngayon ay na sila na isa itong private plane. Bakit kaya hindi pa bumababa ang sakay? Excited na si Paloma sa tulong from Japan!
“May sakay ba 'yan? Bakit walang lumalabas?” tila naiinip na turan ni Violet.
“Baka naman nagpe-prepare pa,” sagot niya.
Pilit niyang sinisilip ang loob ng plane pero wala siyang makitang tao. Hindi naman kaya mga zombies ang laman ng plane na ito?! Naloloka na yata siya. Wala naman sigurong zombie na marunong magpalipad. Paranoid na naman siya.
“Is there anybody home?!” sigaw ni Violet.
Siniko niya si Violet. “Gaga! Is there anybody plane dapat kasi plane iyan. Talo pa pala kita, e!”
“Ewan ko sa’yo, Paloma! Nakakaloka ka!”
Sila lang yata ni Violet ang naiinip sa paglabas ng kung sino man na laman ng eroplanong iyon. Sina Buhawi naman ay kalma lang. Sila lang talaga yata ni Violet ang OA sa grupo.
Hanggang sa makarinig sila ng tunog ng naglalakad sa loob ng plane. Alam niya ang tunog na iyon dahil babae siya… Tunog ng takong. Hmm… Five inches na stiletto ang tunog.
“Konichiwaaa!!!”
Lumaglag ang panga ni Paloma nang isang babae ang lumabas sa plane at ngayon ay pababa na doon. Naka-suot ng malaking red na hat, yellow na fur coat at green na skinny jeans. At tama nga siya na nakasuot ito ng sapatos na may five inch na takong. Hindi kaya madapa ang babaeng iyon sa suot nito? With matching big shades pa talaga, ha. Ang init-init naman ng outfit nito! Saka sa color combination ng suot ng babae, nagmumukha itong stoplight! Nakakaloka naman!
Huminto ito sa harapan nila sabay tanggal ng shades. Bilugan ang mata nito na may malalantik na eyelashes. Naka-contact lens pa ng doll eyes, ha. Prepared?
Isa-isa sila nitong tinignan. Walang ekspresiyon ang mukha. Sila naman ay nakatingin din dito na parang hinihintay lang din na magsalita ito kung sino ba ito o saan ito galing. Maya maya ay naiiritang hinubad ng babae ang suot nitong fur coat at itinapon iyon sa gilid nito. Kaya pala, tagaktak na ng pawis ang leeg at kili-kili nito. Ang suot na lang nito ay isang kulay yellow na blouse na may spaghetti strap. Ikaw ba naman ang mag-fur coat sa Pilipinas, ganiyan talaga mangyayari sa’yo.
“Hindi naman ako na-inform na ganito kainit sa Pilipinas!” May landi at arte ang pagsasalita ng babae. Parang pa-sosyal na ewan na may slang.
“Sino ka? At saan ka galing?” tanong ni Buhawi.
Tumikhim ang babae at muling isinuot ang shades. “My name is Rena. Just call me Rena, ne… I’m twenty six years old. I came from Tokyo, Japan!” Nag-peace sign pa talaga ito sabay pose habang nakalagay ang isang kamay sa beywang. Ang dami naman niyang paandar. “And this plane is my plane. I am rich! Supeeer rich!”
Ah, mayaman pala itong si Rena. Kaya pala magaan ang kalooban niya dito.
“Wait, Rena… Ipinadala ka ba ng Japan dito para tulungan kami?” singit ni Miss Sofia.
BINABASA MO ANG
Z+
Horror(Z+ lit. Z Positive) Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa sakit na ito. Ngunit imbes na lunas ay panibagong virus ang nabuo nila. Isang virus na tinawag nilang Z...