~ IX ~

6 4 0
                                    

The weather was fine.
I looked around and saw people with different kind of clothing.
Parang mga sinaunang damit.

The place is unfamiliar but there are a lot of people. Sa tingin ko, isa itong palengke.

Naglibot libot ako sa paligid at nagtingin ng mga paninda sa gilid.

Mga damit at kung ano ano pa. Mga kakaibang disenyo.

Nalibang ako sa paggagala.

Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko. Nakasuot ako ng hospital gown habang naglalakad lakad. Kahit sa totoong buhay ako maggala ng ganito ang suot, siguradong pagtitinginan rin ako.

Tiningnan ko ang mga damit na itinitinda.

"Iha, dayuhan ka ba?" tanong ng matandang babaeng bantay.

"Opo" tumango ako at ngumiti.

"Kakaiba ang iyong kasuotan. Nais mo bang subukang isuot ang mga damit na ibinibenta ko?"

Umiling ako. "Wala po akong pera."

Ilang sandali pa, may narinig akong yabag ng mga kabayo.

"Dadaan ang kamahalan." someone said.

Lahat ng tao ay tumabi at biglang nagsipagluhod. Tumingin ako sa paligid. Everyone bowed their head. Lumingon ako sa paparating na mga taong nakasakay sa kabayo. There were five of them.

Nanatili akong nakatayo sa gilid at nakatingin lang. Huminto sila sa tapat ko at tumingin sa akin.

"May problema ba sa tuhod mo, binibini?" tanong sa akin ng isang lalaking balbas sarado. Nanlaki ang mga mata ko.

It was Kenro again. He was escorting the prince today.

Biglang may humila sa akin at pinaluhod ako sa lupa. Yumuko ako para itago ang muka ko.

"Ipagpaumanhin nyo po ang apo ko. Hindi nya po sinasadya. Ninais nya lamang pong masilayan ang kakisigan ng mahal na prinsipe." sabi ng matandang humila sa akin.

Luckily, hindi na yun naging big deal.

"Naririto ang mahal na prinsipe upang hanapin si Prinsesa Lyana. Meron ba sa inyong nakakakita sa kanya?" tanong ni Kenro.

Nag angat ako ng paningin. Napatingin ako kay Prinsipe Su Jin. Mistake. He was staring at me.

"Kapitan, ipagpaumanhin po ninyo ngunit wala kaming ideya kung anong itsura ng mahal na Prinsesa." sagot ng isang lalaki.

"Madali nyo syang makikila dahil sa kanyang kasuotan at sa suot nyang korona. Kung sakaling makita nyo sya ay ipagbigay alam nyo sa amin." sabi ni Kenro.

Nagbawi ako ng paningin mula kay Su Jin.

Dahan dahan na silang umalis sa lugar na yun. Nagtayuan na rin ang mga tao.

Abot abot pa rin ang kaba ko habang nagpapagpag ng tuhod.

"Halika, ineng" narinig kong sabi ng matandang katabi ko kanina.

Sumunod ako sa kanya. Binigyan nya ako ng ilang pirasong damit.

"Nakikita kong hindi ka taga rito." she said. "Magagamit mo ito para hindi ka gaanong makatawag pansin. Mag iingat ka sa misyon mo."

"Po?" bigla akong naguluhan sa sinabi nya.

"Magpalit ka na ngayon din." pinapasok nya ako sa isang barong barong at pinagbihis.

Nagpalit ako ng damit at nagpaalam na sa matanda. Hindi na sya nagbanggit ng kung ano pa man. Naisip kong panaginip lang naman ito kaya hindi na yun importante.

Naglakad lakad ulit ako.

Malaki ang bayan. Hindi ko alam kung saang parte ito ng Pilipinas.

Ilang saglit pa, pakiramdam ko may nakasunod sa akin.

Lumingon lingon ako. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ang mga gwardiya ng palasyo sa iba't ibang direksyon. Papalapit sila sa akin.

Tumakbo ako palayo.

Tumakbo rin sila. I knew it. Ako ang pakay nila. Akala ko ba may hinahanap sila?

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa lugar na wala nang gaanong tao.

Kinabahan na naman ako. Am I gonna die again this time?

I don't want to feel the same terror again. Can't I sleep peacefully? Bakit ganito ang panaginip ko?

May mga bahay akong natanaw sa di kalayuan. Nagmadali akong pumunta dun.

Papalapit na ako nang may humila sa akin papasok sa isang eskinita. Nagsisigaw ako.

"Wag kang maingay" sabi ng isang boses.

Lumingon ako at nakita ko ang isang babae, maganda ang suot nyang dress at may suot syang tiara.

"Chelsea?"

She put her inder finger on top of her lips "Shh. Maririnig ka nila."

Dinala nya ako sa isang bahay.

"Paano ka napunta rito?" tanong ko.

"Nakakalungkot kasi sa palasyo kaya naisipan kong maglakad lakad. Sabi ni Lola Isang, tulungan daw kita kaya manatili ka muna dito hanggang sa gumabi." Chelsea said.

Nawiwirduhan ako sa sinasabi nya.

"Ako si Lyana" ngumiti sya sa akin. "Lalabas na ako upang hindi na nila ituloy ang paghahanap sayo. Hindi sila papasok dito kaya pwede kang manatili hangga't gusto mo."

Lyana?

Naglakad na sya palabas ng bahay. Sinilip ko sya mula sa butas ng pinto.

Ilang sandali syang nakatayo sa labas ng bahay hanggang sa dumating ang mga kawal na humahabol sa akin.

"Prinsesa Lyana" they all bowed down to her.  "Ipinapahanap kayo ng mahal na prinsipe."

"Paumanhin. Naligaw ako sa bayan kaya napadpad rito. Tayo na't umuwi." the girl replied.

Di katagalan, umalis na sila. Huminga ako ng malalim at sumandal sa pinto.

NEVER FAR AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon