~ II ~

7 5 0
                                    

So I ended up going home with Chelsea. Tristan is hesitant at first. Sinundo nya kasi ang girlfriend nya sa school at nakita nyang kasama ako. I promised not to fight with Chelsea again. I'm not in the mood anyways.

Nakaupo na kami sa bus at isinandal ko ang ulo ko sa salamin na bintana. I closed my eyes.

Not long after, I saw a man wearing a long black cloak, with hood covering his face. He's walking on the bus aisle with a book on his hand. He looks like he's reading something.

Bigla syang nag angat ng tingin at nakita ko ang muka nya. Mataman syang tumingin kay Chelsea at unti unting lumapit. Tumigil sya sa tapat ng upuan namin at napatingin sya sa akin. I looked into his eyes. He looked back at mine.

Pakiramdam ko tumigil ang oras at nanlalaki ang ulo ko. Parang umiikot ang paligid at naninikip ang dibdib ko.

I looked around and gasped for air. Mabilis ang pangyayari, isang malakas na tunog ang bumasag sa nakabibinging katahimikan at sa unahang bahagi ng sasakyan, nakita ko kung paanong sumalpok ang bus sa kasalubong namin na isa pang truck.

Sumigaw ako ng malakas.

Takot na takot ako.
Nagising ako sa yugyog sa balikat ko. It was Chelsea, ginigising ako. Nakaidlip pala ako sa bus.

"Bumaba tayo! Maaksidente ang bus na to. Bumaba na tayo please?" nagpapanic na sabi ko.

Nanginginig ang buong katawan ko at umiiyak dahil sa nakita ko sa panaginip ko. Mabuti naman at pumayag rin sila at bumaba na nga kami ng bus.

Nagtatanong si Tristan kung anong nangyari sa akin pero di ko sila gaanong iniintindi. I swear my dream felt so real. Nagyayaya nalang akong magtaxi. Ako nalang ang nagbayad ng pamasahe para di na sila magreklamo.

***

Pagdating sa bahay nila Chelsea, sinalubong kami ng mama nya. Sabay sabay kaming nagulat sa sinabi nito.

"Hindi namin kayo macontact. Alalang alala kami dahil may naaksidenteng bus kani- kanina lang. Sabi sa balita, patay raw lahat ng sakay. "

Even if I saw it coming, I was still surpised.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi yun kalakihan, pero payapa at malinis.

Pinagpahinga na kami ni Tristan matapos ang maikling kwentuhan at nabanggit ko sa kanila ang napanaginipan ko. They were actually convinced now, and Chelsea is as scared as me.

Nagpaalam na si Tristan. Pinahiram ako ni Chelsea ng mga damit nya. Nagshower ako at nagbihis. I like the room. The ambiance feels so comfortable. I don't feel any negative vibes.

"Share nalang tayo sa kama, yung guest room kasi, occupied ng mga books ni Tristan.. " Chelsea said.

"I don't mind. Mas ok nga na may kasama akong matulog."

Ngumiti ako sa kanya. Nakaramdam na ako ng antok. Humiga na ako sa kama at pumikit. Mula nung nalaman kong ipapakasal ako sa taong hindi ko mahal, ginawa ko nang stress reliever ang pagtulog hanggang sa naging habit ko na.

Sa pagtulog lang kasi ako nakakalimot ng problema. Sa pagtulog, hindi ako napi pressure. Hindi ko kailangang mag isip ng kung ano ano.

Ilang sandali pa ang makalipas ay nakatulog na ako. And as usual, my dream has begun..

I am at an unfamiliar place. I looked around. Walang mga building sa paligid. All I see are trees and grass. Parang probinsya. Walang bahay, walang katao tao pero tanghaling tapat naman kaya di ako gaanong natatakot.

Naglakad lakad ako sa paligid. Lakad ng lakad, napakalayo na ng nilakad ko pero bakit parang walang katapusan?

Yung kaninang tanghali ay unti unti nang nagiging hapon. Hindi ko malaman kung pabalik balik lang ba ako sa gubat o sadyang malayo talaga ang labasan. Naisip kong sumigaw at humingi ng tulong.

"Help! May tao ba rito?" sigaw ko.

Naglakad lakad pa ako. "Tulong! Naliligaw ako!"

Ilang ulit akong sumigaw. Unti unti nang dumidilim. Bigla akong nakaramdam ng konting kaba. Hindi ako pwedeng gabihin dito sa gubat.

"Heeelp"

My voice echoed around.

Few minutes later, I heard footsteps coming. Natuwa ako knowing na may parating nang tulong.

Naramdaman ko ang mga yabag na papalapit. Lumingon ako.


NEVER FAR AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon