Unconscious Reality

499 52 8
                                    

Published under Psicom: Heartbreakers Season 2 Book 4  

***

Nagsimula ang lahat sa "Hoy!" Hindi sa "Hi!" ang second time ng love story namin. Masiyadong impormal at walang galang pakinggan pero iyon talaga siya, well, at least noong una.

Aksidente kong nabuhusan ang Nike rubber shoes niya ng orange juice habang pinanonood ko siyang maglaro ng chess sa kabilang dulo ng classroom habang wala pa ang dalubguro namin, dahil sa pagka-guilty agad akong naglakad ng mabilis palabas ng classroom.

"Hoy!" Hindi pa man ako nakakalayo ay nalaman na niya agad ang nagawa ko. Malamang sinabi iyon agad sa kanya ng mga tapat at loyal niyang kamag-aral.

May back subject ako. Biology. Graduate na dapat pero nabiktima ako ng mapangahas na roleta ng propesor namin at na-INC o Incomplete ako sa hindi ko malaman na dahilan. Pambihira talaga. Kaya heto ako, pilit na nakikisama sa ibang klase. Karaniwan namang mao-OP ka sa ganitong sitwasyon ngunit sanay naman na din ako dahil mas pinipili kong mapag-isa kaysa sa kumausap ng iba not unless na lang kung importante.

Introvert, 'yon ako.

"Hoy!" Tawag niyang muli sa'kin nang hindi ako humarap sa kanya. Huminto lang ako sa paglakad. Natatakot kasi akong harapin siya, hindi lang dahil sa may kasalanan ako sa kanya kundi sadyang may kaba talaga kong hindi maipaliwanag sa tuwing kalapit ko lang siya.

Matangkad si Jeff, maputi, makinis ang mukha na para bang hindi man lang tinutubuan ng kahit isa man lang tigyawat. Ang linis din niyang pumorma. Maraming nagkakagusto sa kanya. Ayos na sana, arogante lang siya at malay ko ba kung bakit nahuhumaling pa rin ang mga kolehiyala sa kanya sa kabila ng ugali niyang iyon. Sa tingin ko nga'y mas prefer ng mga babae dito ang 'bad boy image'

"Hey!" Nakangiti kong sabi. Tinatago ang kaba. Nakatitig lang kasi ako sa kanya habang tinutunghayan siya sa paglalaro ng chess kaya hindi ko namalayan na nabubuhos ko na pala ng juice ang rubber shoes niya.

Gusto ko siyang titigan kapag seryoso at mas gusto ko pa siyang titigan kapag nakangiti at mas lalo na kapag humahalakhak. Parang isang mabining awit sa pandinig ko ang mga halakhak niya.

In love? Hindi ko naman kailangang itanggi. Mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya. Ang weird nga eh. Nakipaghiwalay siya sa'kin ngunit pinangako namin sa isa't-isa na 'wag magmo-move on. Una akala ko nagbibiro lang siya pero noong ineksamin ko ang ekspresyon niya...seryoso talaga siya. Tanga man ako sigurong matatawag ngunit madali akong pumayag. Kaya heto ako, hanggaang ngayon ay umaasa. Wasak na wasak na ang puso pero nanatili pa ring nagmamahal sa kanya.

Ano bang katangahan itong ginagawa ko? Ilang beses ko ng itinanong niya sa kaibuturan ng isip ko. Iisa lang lagi ang nahuhugot kong sagot. Mahal ko pa rin siya.

"Hazel, uuwi ka na ba? Hatid na kita?" Lumapit sa'kin si Harvey, madalas itong nagpapalipad-hangin sa'kin ngunit hindi ko pinapansin, pero pinakikitunguhan ko naman siya ng maayos.

"Ah..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Jeff.

"Ako na maghahatid sa girlfriend ko." Muntikan na kong mabilaukan sa laway ko dahil sa tinuran niya.

"Isang taon na kayong break ah?" Pagdududa ni Harvey.

"Nagkabalikan na kami, ngangayon lang." Tumingin siya sa'kin ng mataman na para bang nagsasabing huwag akong kokotra.

"Nagkabalikan? Eh Hoy nga lang tawag mo sa kanya kanina." Panghuhuli ni Harvey.

"Isa lang 'yon sa mga endearments namin sa isa't-isa." Preskong sabi niya't lumapit sa'kin. Hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad pabalik ng classroom. Sakto nag-announce si Geno, ang presidente ng klase na hindi raw makakapasok ang dalubguro namin. Iyon lang ang subject namin ngayong araw kaya uwian na.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon