Published under Psicom: Heartbreakers Season 2 Book 2
----
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nadarama ko habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada sakay ng aking kotse. Kasabay ng pagsilay ng araw ay unti-unti kong nasisilayan ang mismong lugar na may malaking bahagi ng aking nakaraan. Ang unibersidad na parehas naming pinasukang. Naaalala ko pa na nandito nagsimula ang lahat.
Pinarada ko ang kotse sa gilid at tinanaw mula sa malayo ang Unibersidad."Hello nostalgia..." mahina kong banggit.
***
College life. Padamihan ng tigiyawat, palakihan ng eyebags, paliitan ng bag. Iyan ang labanan noong nag-aaral pa kami, pero kay Raine, hindi 'ata uso 'yon. Observer namin siya na di kalaunan ay naging Student Teacher o ST namin. Nagkaroon kasi ng problema sa schedule ng propesor namin, nakakadalo pa naman siya sa klase ngunit isang oras na lamang ang nalalabi bago siya makarating, kaya upang masolusyonan iyon ay pumayag siyang magpa-ST para humalina habang wala pa siya.
At si Lorraine Balbuena iyon.Dalawa, tatlong beses kang mapapalingon sa tuwing mapapadaan siya. Iyon ang tipo ng ganda niya. Hindi siya malambing, hindi siya papansin, hindi siya madaling mapangiti. In short masungit at seryoso siya. Dagdag pa ang pagka-boyish niya. Not in her fashion sense but the way she speaks. Ang ironic nga dahil ang lambing ng boses niya, malambing na may pagkasiga. Ang labo 'no? Sobrang labo dahil sa kabila noon mas malalim pa sa hukay ang pagkahulog ng damdamin ko sa kanya. Sobrang lalim na sa puntong hindi ko na mahukay ang puso ko.
Tinanong ko sa hypothalamus ko kung bakit sa lahat ng babaeng pwede kong magustuhan ay siya pa. Siya pa na wala akong ka-pag-a-pag-asa. Ginusto mo 'yan eh. Malamyang sagot ni hypo (short for hypothalamus) kaya ayokong ma-inlove eh, nakakausap ko sarili ko.
"Mr. Peralta." Napatuwid ako ng upo dahil sa tinig na iyon.
"Yes." pigil-hininga kong tanong. Narinig ko ang tawanan ng mga classmate ko.
Mga mokong talaga.
"Daydreaming in the middle of the class." hindi iyon tanong kundi statement. Dito ko napatunayan na hindi sexist ang pagba-blush, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Tungunuh. Mukha kong babae. Oops, ako ang nagmumukhang sexist. "Stand up." ang bilis ng pintig ng puso ko, dalawampung pintig na lang 'ata ay mapuputol na ang ugat ko sa leeg.
Ugh. This girl will be the death of me.
Tumayo ako ng marahan, umaaktong cool at wala lang.
"What do you think is the most exhilarating emotion us person might feel?" she ask, arms folded under her soft rounded chest, her back lying deliciously on the center of the board. Damn. Lucky board. She's like a model, seducing every viewers and readers in an explicit magazine. She's so lethally sexy and I can't help but to gulp in the delightful view.
I want to kiss those luscious lips. I want to hear her moan as if declaring that she's please. God, I just prove that I'm literally daydreaming in the middle of the class.
Lust.
Naputol ang pantasya ko dahil sa malakas na tawanan ng klase. Saglit na lumibot ang tingin ko sa lahat. Nanalaki ang mga mata, hindi makapaniwala. Oh God forgive! Did I just say that out loud?! Nagpakawala ako ng maraming mura sa isip ko. Napatigil din agad ang klase dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig namin ang mabining pagtawa niya. Nagtagpo ang aming mga mata kaya nagsara ang tingin namin sa isa't-isa. Dalawang segundo lamang iyon dahil pinasadahan niya ng nagtatanong tingin ang buong klase.
"What? Am I forbid laughing?" agad namang sumagot ang lahat ng "No." maliban sa'kin. Muling bumalik ang tingin niya kay Mr. Peralta, sa akin at nginitian ako ng matamis, mukhang hindi maka-recover sa isang salitang di ko sinasadyang nasabi.
BINABASA MO ANG
Twisted
Storie breviTWISTED is a compilation of short stories written by Shaira L.A.O. © All Rights Reserved. Shaira LAO. 2017