So Much I Never Said

416 30 8
                                    

Published under Psicom: Heartbreakers Season 2 Book 6

***

"O, Ligaya natahimik ka?" Tanong ni Dwight, binanggit na naman niya kasi na wala pa siyang kadate sa masquerade party ng kompanyang pinapasukan namin.

"Huh? Iniisip ko kasi kung sino ang pwede mong makapareha – si Miles, 'yong bago sa HR department. Wala pa siyang kapareha, new friend ko." Sana – sana hindi niya napansin ang alangan sa boses ko.

Tingin ko hindi naman. Manhid siya, eh. Lumindol na siguro nang malakas wala pa rin siyang mararamdaman.

"Sana ikaw na lang kapareha ko." Out of the blue niyang banggit. Napahinto ako sa paglakad at napatingin sa kanya. Hindi niya agad napansin ang paghinto ko dahil nakahakbang pa siya ng apat o limang beses bago lumingon sa'kin at huminto. "Ito naman! Binibiro lang kita!" Sinabayan niya 'yon nang pagtawa ngunit sandali lamang. Sumeryoso ang ekspresyon niya – o baka imahinasyon ko lang 'yon. Bumalik na kasi ang nakakalokong ngiti niya sa labi.

"Oo , lahat naman para sa'yo biro lang, eh." Hindi ko mapigilang ibulong sa sarili.

"Halika nga dito." Inextend niya ang braso. Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang palad niya. Walang malisya 'to – at least, para sa kanya.

Bakit pa kasi ako nahulog sa manhid, eh.

"Ang cute talaga ng Maria Ligaya ko!" Nanggigil niyang banggit at ginulo ang buhok ko. Imbes na matawa ako katulad nang madalas kong reaksyon ay nainis lamang ako sa kanya.

"Ano ba, Dwight!" Lumayo ako ng isang hakbang sa kanya. "'Wag mo na ngang tagalugin ang pangalan ko." dagdag ko pa.

"I'm sorry," Iniwas ko ang tingin nang makita ko ang pagkabigla at sakit sa mata niya. "I'm sorry, Mary Joy." Lumapit ako sa kanya at hinawakan muli ang kamay niya.

"Tara na nga." Tumakbo ako kung kaya't napatangay siya. Bigla siyang humalakhak – hindi ko mapigilang samahan siya.

"Bipolar –" Sabi niya sa pagitan ng halakhak. Bigla siyang huminto sa sasabihin niya na para bang may napagtanto siya. "Aha! Meron ka 'no?" ang mga naglalakad sa daan ay napatingin sa'min at napangiti.

"Sira-ulo." Naiinis at nahihiya kong bulong sa kanya.

"Sorry na," Banggit niya at hinalikan ang pisngi ko. Hahampasin ko sana siya't tatanungin kung bakit niya ginawa 'yon ngunit narinig ko rin siyang bumulong – siguro para lang sa sarili niya 'yon o baka halusinasyon ko na namang muli.

"Kung hindi lang kita kaibigan, eh..."

"May sinabi ka ba?"

"Nah. Iniisip ko kung tatanggapin ko pa ba ang alok ng kaibigan ni Dad na sumama papuntang Canada. Ilang araw na lang din at paalis na siya. He's still hoping I would join his team."

"Mag-isip ka na lang ng mga rason kung bakit gusto mong manatili rito, isipin mo rin ang mga rason kung bakit ka sasama sa kanila, timbangin mo kung ano ang mas importante. Kapag nagawa mo na, may desisyon ka na..."

...at sana isa ako sa mga rason mo kung bakit ka mananatili.

***

"Jusko! Kailan pa ba tayo naging mag-BFF tatlo nila Dwight?" Tinapik ni Isabel ang noo niya. "Simula bata pa. 'Yong tipon kahit naglalakad tayo sa kalsada ng naka-panty lang ay wala pa tayong pakialam. Gano'n kabata!"

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon