Hailey's POV
Natapos na yung class ko at pumunta na kaming lahat sa cafeteria para magkita tulad ng sabi ni Jake.
"Oh,ayan na pala si Hailey."sabi ni Raine.Yah sinigaw niya yan,kaya ayun pumunta sakin si Jake.
"Ok ka lang ba sa class mo?"tanong niya.Concern yan hulaan ko,hahaah.Lagi naman kahit nga aalis ng bahay alam niya na kung saan ako pupunta eh.
"Oo naman,wala namang problema diba?"Tanong ko.'Masyado ka kasing concern eh' nasa isip ko.
"Wala naman,concern lang naman ako sayo eh,baka kasi binalikan ka si Zandra kanina,Wala pa naman kami sa tabi mo kanina Zarah."sabi niya.Sabi ko na nga ba eh 'Concern' ka lang,haha.
"Sus,ano kaba?,shempre ok lang ako,ako pa ba?"natatawang sagot ko.Tumawa naman kaming dalawa ni Jake.
Habang tumatawa kami ni Jake lumapit samin si Aldrei.
"Halikayo dito Cyril,Raine at Alex,dalian niyo"sabi ni Aldrei
"Bakit?"Tanong nilang tatlo,bakit nga ba?
May binulong si Aldrei sa kanila.At pagkakalas ni Aldrei sa tatlo ay may panuksong tingin na sila sa amin ni Jake.
"Ayieeeeeee~"Sabi nilang tatlo na nakatingin sa amin
"Guys!Anong meron?"Tanong ko.
"Anong anong meron?Manhid ka siguro Hailey noh?"Natatawang tanong sakin ni Alex
Sinamaan ko siya ng tingin kaya sumeryoso siya.
"Kayong dalawa ahh,nagsosolo kayo"Sabi ni Aldrei samin
"At ikaw naman Jake,chu-ma-chansing ka ah"Sabi ni Raine kay Jake
"H-ha a-anong chuma-chansing?"Tanong ni Jake.Bakit ganyan siya magsalita?
"Susss,kunyari ka pa ehh.Bakit ka naka-akbay kay Zarah mo?"Nanunuksong tanong ni Raine.
Ngayon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin.Pakshet naman oh,naka-akbay nga siya sakin,Lupa kunin mo na ko dali.Sobrang pula na siguro ng pisngi ko ngayon,yung point na parang kumain ako ng napaka anghang sa sili.Agad namang tinanggal ni Jake pag akbay niya sakin at nahihiyang yumuko pero nag-angat siya sakin ng tingin at nginitian ako ng medyo may hiya.'Langya,dapat di mo na tinanggal.Ok lang naman sakin eh' Sabi ko sa isip ko.
"Sorry Zarah di ko sinasadya.Ok lang ba?"Tanong niya sakin.Oo naman Jake gustong gustong gusto ko haha.
"Ok lang.Friendly akbay lang naman eh"sagot ko
"Sussss,palibhasa inlove sa isa't isa"bulong ni Raine.Narinig ko lang yung inlove and the rest hindi na,ano kaya yun
"Anong sabi mo Raine?"Tanong ko kay Raine.Nginitian ako nito
"Wala,Ang sabi ko kumain na tayo dahil gutom na ko"sabi niya at napa 'Ahh' nalang kami
Nag-volunteer na kami ni Jake para um-order.Tumango nalang sila dahil guton na sila.
"Anong gusto mo Zarah ko?"Tanong ni Jake.
"Kahit ano Jak—Teka,anong tawag mo sakin?"Tanong ko.Parang rinig ko Zarah ko eh
"A-Ano...A-ahm...Sabi ko Zarah,Tama yun nga.Sabi ko Zarah hehe"Sabi niya na nataranta pa at napakamot ulo.Sus,yun lang naman pala eh bakit kailangan niyang mautal,tsk!!!.
"Ahh ok.Kahit ano nalang Jake mukha namang masarap lahat eh"sabi ko
"Ok"Sagot niya.Tumango nalang ako.
Nag-order nalang siya ng kanin para sa mga kasama namin kasi gutom nga yung mga yun.Para naman samin ni Jake,Juice and Sandwich nalang.
At kumain na kami.Habang kumakain ay...
----------------------------------------------------
Sorry para sa short update and sorry din kasi hindi maganda
BINABASA MO ANG
Mystirious Hell Academy:School of Secrets
Mystery / ThrillerIsang Academy na nasa Kagubatan Maraming sikreto ang nakatago Mamamatay ka kapag di mo sinunod ang only rule One's you enter...There's no turning back Mag eenroll ka pa ba sa school na puro sikreto