2.
5AM NA! OMG. I AM SO LATE. Bumangon na agad ako, naligo at binitbit yung mga gamit ko. Maaga dapat kasi akong pumasok ngayon sa work. I mean kailangan ko nang pumunta sa bahay nila Master. Patay. First day ko sa trabaho. I am so dead. -.-
Nagjeep na ako papuntang subdivision tapos nilakad ko papuntang street nila. Pinapasok naman agad ako nung guard. Nakita ko si Mrs. Baltazar.
"Sorry po." Nagbow ako.
"Please, wake my son up. His room is on the left side. I'll go now, bye."
"Sige po Ma'am." Umalis na siya. Hinanap ko kung nasan yung kwarto ni master. Hindi ko naman kasi alam pangalan niya. Saan na ba kwarto niya? Binuksan ko yung unang pinto na nakita ko at nakita ko siya nakahiga.
"Sir. Gising na raw po." Ang sarap nang tulog niya nilapitan ko. "Sir. Gising na po." Gumalaw siya at humarap sa tapat ko. Nanlaki yung mata ko. 0.o
Siya?! Siya yung mayaman na mayabang!! Agad akong nagtakip g mukha at tumalikod. Kunwari nag-aayos ng gamit siya.
"Ano bang breakfast?"
Ano nga ba? Hindi naman ako ang nagluto.
"I-sda po."
"Hindi mo ba alam na allergic ako sa isda?!" Sumigaw siya. Malay ko naman!!
"Bumaba nalang po kayo master." Makaalis na nga dito. Nakakainis naman eh. Ang sungit niya talaga! Kumukulo dugo ko sakanya.
Napatigil ako. Siya ang master ko? Sakanya ako magtratrabaho? Patay na. -.-
Pumunta na ako sa kitchen.
"Paula Iha, kumain ka na."
Buti nalang may nakakaintindi sa akin dito, si Lola. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng Baltazar family, matagal na siyang nandito.
Biglang bumaba na si Master. Nagtago ako.