6.
RK's POV
Naihampas ko yung alarm clock ng di oras. Hindi naman kasi ako sanay diyan eh. Nakakairita. Teka, wala naman akong alarm clock dati ah? Bakit wala si slave para gisingin ako?!
Nagmadali akong naligo, nagbihis at bumaba agad. Nakita ko si Lola na nagluluto na ng pagkain.
"Iho halika na at kumain."
"Nasaan si Pau, La?"
"Umalis na. Sabi niya sa akin may i-rurush na project."
"Sige La. Aalis narin ako."
Tumakbo na ako palabas at sumakay sa sasakyan ko.
Naalala ko yung ginawa ni Drake. Gusto ko siyang bugbugin ng wala sa oras. Gags yun. Matawagan nga.
"Ohh. RK, naalala mo ako. Himala."
"Gags ka Drake. Anong ginawa mo kay Pau?"
"Tinuturuan ko lang ng leksyon na dapat kang layuan."
"Ano bang problema mo ha?!"
"Wala. Ikaw ang meron. Madami!"
"Huwag mo na maulit-ulit yun Drake."
"Wow. Takot ako RK. Anong gagawin mo?"
"Makikita mo."
"Kung makasalita. Bakit hindi ka makipagbattle? Ha?!"
"Matagal na akong tapos diyan." I hung-up.
