CHAPTER TWO

868 68 2
                                    

"Ma'am dito po yung office ng magiging boss nyo. door bell po muna tayo."
Pinindot nya ang doorbell, a few minutes ay bumukas.

"Ma'am Che sya na po pala yung personal assistant ."
Pakilala sakin nung security at tiningnan ako.  Ngumiti naman sakin ang tinawag na Che.

"Thanks Meg..."
Pasasalamat nya sa naghatid sakin.

"Halika, pasok ka."
Yaya nya sakin at binuksan ang kanina pang nakaawang na pintuan.

Sa unang pagpasok ko naramdaman ko agad ang subrang lamig na nagmumula sa aircon. Nilibut ko  ang aking paningin, ang ganda ng arrangements ng mga muyebles, tented temper glass ang dingding na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng office,organized din lahat ng kagamitan at mga papers.

" Miss Hersosas, eto yung office ng secretary ni sir, yun yung table nya."
At itinuro nya sakin ang bakanteng mesa.

"Yun naman... ang other staff, ang iba dyan ay sa accounting."
Itinuro nya naman sakin ang kabilang  office na kitang kita mula dito, salamin din ang dingding.

"Halika..."
Yaya nya sakin sa kabilang office.
Kusang bumukas ang pinto nang malapit na kami...
   "Nakaka amaze"

" Sa ngayon,kailangan muna kita e orient dito... may meeting kasi sa buong staff dito sa department natin, 30 minutes nalang siguro matatapos na yun. Anyway, my name is Erica Che Tuzon, Che nalang tawag mo sakin...personal asistant ni sir."

"So, ikaw po pala ang papalitan ko? Ah miss Che bakit ho kayo aalis?"

Ngumiti sya bago sumagot...

" I'm pregnant, ayoko sanang umalis pero ayaw ng asawa ko na patuloy akong nagtatrabaho habang ipinagbubuntis ko ang baby namin. Di narin sya pumayag na mag trabaho ako."
Paliwanag nya,halata sa mukha nyang  exited.

" eh syempre, first baby namin kaya pumayag ako."

" nakakatuwa naman... ang swerte mo naman sa kanya... congrats sa magiging baby nyo!
Sabi ko.

"Thanks... "

"So kelan nga pala ang alis mo dito?"
Tanong ko.

"Ahhmmm.... now na!"

"Po???"
Gulat kong tanong.

"Dapat kasi last week pa, eh kaso di pumayag si sir, sya na kasi yung temporary C.E.O dito sa company, since matagal na ako nagtatrabaho dito, may mga files na kailangan ko e submit sa kanya, wala pa kasing isang buwan mula nung deniklara  ni ma'am Lorraine."

"Sino naman po si ma'am Lorraine?"
Tanong ko

" sya yung may ari ng kumpanyang to. Tumatanda na kasi... kaya ayun nag desisyon syang magpapahinga muna."

Sabay kaming napatingin sa phone nyang nag riring.

" hello! Okay babe bababa na ako. Babye!"

Rinig kong sinabi nya sa kausap nya.
Ngumiti pa syang nilingon ako.

"Sama ka sa baba! Para makilala mo naman yung asawa ko, susunduin nya kasi ako, maya pa naman si sir, sumama ka muna, etetext ko nalang si sir para alam nyang nasa baba tayo."

"Diba nakakahiya?
Sabi ko.

"Kay sir or sakin?"
Balik tanong nya.
"Pareho."

"Di naman,,, total nasabi ko narin naman sayo ang mga dapat mong gawin. Lika na!"
Yaya nya sakin at bumaba na kami.

    ...

HIDDEN IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon