CHAPTER ONE

1.6K 70 16
                                    

Why should I hire you?
Tell me about yourself?

Paulit ulit na nag fa-flashback sa utak ko ang interview kanina, halos maiyak na nga ako sa pagod at gutom ...gusto kong kumain pero di pwede kasi sakto lang ang pera ko.

"Lord bakit po?"
"Bakit ang unfair?"
"Ginawa ko naman po ang lahat...pero bakit  "you're hired" lang ang hirap kong makamit?"

Namalayan kong tumulo na pala ang luha ko, agad kong pinunasan ang pisngi ko at ngumiti...

It was ok!!!
Hanap nalang ulit...

Agad kung pinara ang jeep na papuntang amin.

  ...

"Ate kamusta ang apply?"

Tanong sakin ni faith habang naghahanda ng aming hapunan.

"Labo eh, pero yaan mo di ako titigil hagga't wala akong nahahanap na trabaho."

"Ate sorry ha?"

"Ha? Bakit naman?
Tanong ko kay Faith.

"Kasi...dahil sakin napipilitan kang maghanap ng trabaho, ni hindi mo nga napapansin yang sarili mo, sorry talaga ate dapat kasi di mo nalang ako kinuha kela tita okay naman ako dun kahit papano atleast kung wala kang maipapadala sakin, di naman  ako magugutom. Kesa naman dito mas lalo kang na eestress sakin kung saan mo kukuhanin ang pambaon ko araw araw."

"Ano ka ba naman Faith! Tumigil ka nga! Alam mo okay lang sakin yun may naipon naman ako kahit papano yun nga lang kunti nalang pero hahanap at hahanap ako ng mapag tatrabahoan para kung sakali mang wala na tayong pera, may darating parin naman. Kaya wag kag mag isip ng kung ano ano ha? Tatadyakan kita  pag umangal ka."

Nag katawanan nalang kami ng kapatid ko hanggang matapos kaming kumain.

                         ☆☆☆

  

"Faith! Hoy!Faith! Gumising kana...linggo ngayon mag sisimba tayo.ooyyy!"

"Five minutes ate...."
Hirit pa ni Faith. Na ayaw paring tumayo.

"Malalate na tayo! Dali na kasi..."

"Oo na! Eto na babangon na po!"

Tumayo na sya na nag susuray suray pa papuntang CR.

"WHHHOOOAAAHHHH!!! ANG LAMIG!!!!"

Rinig kong sigaw ng kapatid ko sa loob ng CR. Napa iling nalang ako.
Nag hanap ako ng dress kong susuotin at hinanda ko rin ang susuotin ng kapatid ko dahil alam kong matatagalan lang kami kung hahayaan ko lang syang mag asikaso para sa sarili nya.

                         ...

Maraming tao ngayon sa simbahan kaya naki pag siksikan pa kami ni Faith para lang maka pasok sa loob ng simbahan.

Nag umpisa na ang misa kaya wala na rin kaming mahanap na bakanteng upuan at dahil narin maraming nag simba ngayon.

"Ate saan na tayo pupunta?"

HIDDEN IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon