CHAPTER FIVE

642 65 0
                                    

Naglinis muna ako sa office ni sir Stanley at sa table ko, gaya ng bilin sakin ni Che, pag katapos kung mag ayos bumaba ako para pumunta ng comfort room para mag ayos ng mukha ko ang haggard narin kasi... baka mamaya mag yaya para sa mga naka eskedyul nyang appointments si sir Stanley, ang gusto pa naman nun agad agad.

"Ka bago bago lang nya no? nag papel na sya?"

"Bess baka type si boss!"

"Subukan lang nya at gagawa ako ng paraan para matalsik sya dito!"

Napahinto ako sa labas ng cr nang narinig ko ang familiar na nag mumula sa loob ng comfort room.

"Si Elle..."

Pumasok parin ako kahit alam kung andon siya sa loob at ang iba pang staff.

Napatingin silang lahat sakin ng pumasok ako, di ko nalang sila pinansin at derideritsyo ako sa salamin at nag ayos ng sarili.

" Owwws... andito pala si gold digger bess!"
Rinig kung sabi nung babaeng Diane ang pangalan...

"Hi!"
Bati sakin ni Elle tsaka lumapit sakin.

"Alam mo? Wag mong susubukang kalabanin ako girl! Nag uumpisa palang ako ...!!!"
Sabi ni Elle habang umiirap sabay walkout kasunod ang mga alipores nya!

"Ano ba ginawa ko sa kanila? Hay naku, bahala sila, basta ako ayokong makipag away dahil trabaho ang pinunta ko dito hindi gulo."

Bumalik na ako sa taas nang matapos ako mag ayos ng sarili ko.


" ahmm... Amber, get your things at may pupuntagan tayo."
Utos ni sir nang lumabas sa office nya at dumiretso sa Cr ng office nya para mag ayos din ng sarili.

Agad namang akong nagmadaling ayusin lahat ng gamit ko at mga gamit na malimit kung gamitin pag umaalis kami ni sir Stanley. Nag suklay lang ako saglit, di na ako nag abalang mag pulbos o lipstick manlang, nakakahiya naman baka biglang magyaya si sir at pag iintayin ko pa!

Maya maya lumabas si sir galing comfort room.

"Are you done?"
Tanong ni sir at tiningnan nya ko sa mukha na parang sinusuri.

"Fix yourself... and I'll be back."
Utos sakin ni sir at pumasok ulit sa office nya.

Nag lagay ako ng kunting lipstick at kunting pulbos para kahit papano hindi ako mukhang haggard. Saktong lumabas si sir na nakasuot na ng tuxedo.

Tiningnan nya muna ako sa seryosong mukha.
"Alis na tayo!"

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hangang sa pagbaba ng elevator papuntang lobby, may mga nakangiting bumabati sa kanya pero di ni deadma or tinatanguan lang nya.

"Good afternoon sir! Andyan na po ang driver nyo sa labas."
Salubong ng guard samin.

"Salamat!"
Sagot ni sir stanley.

Pumarada sa harapan namin ang sasakyan nang tuluyan na kaming nakalabas.

"Good afternoon po sir!"
Bati nung driver nang lumabas sa kotse at pinagbuksan si sir Stanley.

"Get in!"
Utos sakin, agad naman akong sumakay sa likod ng frontseat.

"Jason... ahmm sa mall muna tayo may bibilhin lang ako."
Utos ni sir sa driver.

"Opo sir."

                    ☆☆☆

Bumaba na kami ng kotse ng ipinarada ng driver ang kotse sa parking lot sa isang kilalang mall.
Nakasunod lang ako kay sir habang papasok kami sa botique ng mga damit.

"Mamili ka!"
utos ka sakin ni sir.

"Sir?"
Nagtataka kung tanong.

"Mamili ka ng damit tas isukat mo,bilisan muna... at nag mamadali tayo."

" Sir para po kanino?"

"Sayo!"
Madiin nyang sagot.

"Po?
Gulat kung tanong

"Di bagay yang damit mo sa pupuntahan natin... kaya pumili kana!"

"Nakakahiya naman ata... tsaka mamahalin ang mga to!"

"Amber dalian mo na dahil malalate na tayo"
Utos sakin ni sir na halatang inip na sa kakaantay.

"Eh sir di ko alam kung anong pupwede sakin eh..."
Sabihin nya nang maarte ako pero di ko talaga alam kung ano ang babagay sakin, nakasanayan ko na kasing sa bangketa lang or divisoria lang kami namimili ng kapatid ko.

Pumili ako ng mga shirts and maong pants pero ayaw ni sir. Tinawag nya ang sales lady para tulungan ako ng babagay daw sakin.

"Ma'am eto po bagay to sayo."
Nakangiting ipinakita sakin ang kulay red na dress, above the knee, longsleve. Mukhang simple lang sya.

"Sukat nyo na po ma'am, at mukhang inip na inip na po kakaantay yung boyfriend mo."
Nakangiting sabi nang sales lady at tiningnan pa si sir stanley na busy kakapindot ng phone nya.

"Salamat... di ko po sya boyfriend."
Nakangiti ko ring sagot sabay pumasok na ako sa fitting room.

"Ayy ma'am bongga! Ang cute!!! Bagay sayo mas lalo maiinlove sayo si sir."
Kinikilig nya pang puri sakin.

"Di ko sya boyfriend."

"Sayang naman maam bagay panaman kayo. Ang gwapo ni sir, maganda ka, hayyy naku maam di talaga ako mag tataka kung liligawan ka nya.!
Kinikilig nyang sabi na may paturo turo pa samin, buti nalang di nakatingin si sir samin kundi nakakahiya.

"Assistant nya lang ako. At di mangyayari yun! Okay na siguro tong suot ko no? Salamat sayo ha?"
At tsaka umalis na ako para puntahan ang kanina pang nag aantay  na sir Stanley.
"Your welcome ma'am."

"Maam!"

Tumingin ako ng tawagin ako nung saleslady.

"Magiging kayo!I Swear!"

Ngumiti nalang ako...

A/N: Hi guys!😁 Happy new year po!😁
Promise ko po pag umabot sa 1k reads to saka nalang ako mag uupdates.😁😁
Please do comments ang votes... wag nyo na po ipagkait sakin to hehe... love you guys🤗

HIDDEN IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon