A/N
"Hello guys😄😄😄
Happy new year sa ating lahat!!!First update for this year😀.
Maikli lang po ang chapter na to!
Wag mag eexpect!😁😁😁
Sana po patuloy po ang pagbabasa nyo ng story ko, first time ko pong magsulat!!!
Enjoyyyy!!! Lab you!!!😚😚😚☆☆☆
"Ate kamusta ang first day mo?
Tanong ni Faith sakin habang nag aayos kami kwarto namin. Kakarating ko lang galing sa trabaho, pero dahil parang ayaw ko pang magpahinga, naglinis nalang kami ni Faith kasi alam kong wala na akong time para maglinis sa nga susunod na mga araw."Okay naman Faith"
Sagot ko."Wala bang umaaway sayo ate? Eh yung boss mo mabait ba? Ano ate? Kwento ka naman"
"Okay lang nga Faith... tsaka first day ko pa lang naman eh kaya di ko pa alam sa ngayon"
Sagot ko sa makulit kong kapatid."Halika nga dito Faith tulungan mo akong ayusin tong ilalim ng kama natin."
Utos ko sa kapatid ko."Eto gamit pa ba to? Itapon na natin nakakadagdag pa sa alikabok ang mga to."
Tanong ko dahil maraming nakatambak na mga papel sa ilalim ng kama, ewan ko ba dito sa kapatid ko nawala lang ako ng isang araw ang kalat na ng tinutulugan namin."Patingin nga muna ate."
Inabot sakin ni Faith ang hawak kong mga papel tsaka cartolina."Pwede na to ate itapon tapos na rin kasi ang visual report ko."
Tinanggal ko lahat ng mga gamit na nakatambak sa aparador para ito naman ang aking aayusin.
Inayos ko ang pagkapatong patong ng bawat libro pati mga envelope.
"Ate tingnan mo to."
Tawag sakin ni Faith na may hawak hawak na brown envelope at inilabas ang mga laman na galing sa loob nito."Bakit? Anong meron dyan?"
Tanong ko na nagtataka. May pinakita sya saking papel na sulat kamay."Oh anu naman to?"
Tanong ko."Sulat kamay yan ni tatay. Eto pa nga oh may picture kaso malabo na eh sa subrang tagal na siguro."
Inabot ko kay Faith ang 2×2 picture. Malabo na nga to at halatang nabasa ng tubig dahilan para mabura ang gilid ng litrato.
"Sino naman to?"
Tanong ko kay Faith na nagtataka."Di ko naman kilala yan ate. Dati kasi hinahanap nya yung babaeng nasa litrato."
"Oh anung nangyari? Eh bakit ba daw nya hinahanap?"
Nagtataka kong tanong."Ewan ko po, basta sabi ni tatay kailangan nya lang daw alamin kung sino yan..."
"Pero bakit?"
Tanong ko."Baka naman true love yan ni tatay... tas wala silang closure"
Tumatawa pang paliwanag ni Faith."Baliw ka talaga! Yaan mo na nga!
Mag tupi ka nalang ng damit mo Faith, parang ukay na yan.""Sabi ko nga!"
Sagot ni Faith na naka ngiti.☆☆☆
Matagal na akong nakahiga at naka pikit pero di parin ako dinadalaw ng antok. Naaalala ko parin ang litratong nakita namin ni Faith. "Bakit kaya hinahanap ni tatay ang babaeng nasa litrato?
"Uyy ate patulog ka naman oh,,, galaw ka ng galaw, nakatulog na ako eh,"
Inis na reklamo ng katabi ko sa higaang si Faith habang nakapikit pa."Sabi ko nga matutulog na ako, sorry naman."
Sa totoo lang sumasakit na ang ulo ko sa kakapilit makatulog di naman dalawin ng antok, eto kasing si tatay may pahanap hanap pang nalalaman na curios tuloy ako.
"Sino kaya sya?"
...
Napabalikwas agad ako nang bangon ng tumunog ang alarm ko.
Dumiretsyo agad ako sa kusina at nag luto para sa almusal namin ni Faith, then after, naligo na ako, medyo nalula ako gawa nung nahirapan akong nakatulog ka gabi.
Di ko maalis sa alalahanin ko kung anong dahilan kung bakit kailangan hanapin ni tatay ang nasa litrato."Good morning ate!"
Bati ni Faith na kakalabas lang mula sa kwarto namin."Oh Faith, kumain kana sakto luto na ang agahan natin."
Utos ko kay Faith na agad namang tumalima para umupo sa mesa upang sabay na kaming kumain."Faith mauna akong maligo sayo ha? Super late na kasi ako ehh..."
Pakiusap ko kay Faith na agad namang pumayag."Sure ate! Second day mo pa naman din!"
"Second day... pero sana kayanin ko pa..."
"Sana!"
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY
RomanceA girl... Who has a lot of dreams... Who survive despite of struggles.. But and despite of... She never know her trully identity... ♡♡♡ A/N... ☆ firstime to wrote my own story that spinning ar...