...
Simula
...-------------------------------
-------------------------------------------"Aray!",napasigaw ako sa pagkadapa ko. Huhuhu....may sugat na naman ako neto.
Tumakbo si Julius papunta sa akin. Habang ako ay nagsusumikap tumayo. Ang dumi ko na!
"Ok ka lang ba Claire?",at napatingin siya sa tuhod kong may sugat. Hinipan niya ito.
"Aray! Ano ba!",sinapak ko siya.
"O my gosh!Claire? Malaki ang sugat mo. Kung hindi lang sana nandaya ang iba diyan. Hindi sana magkakaganyan si Claire!",Ani Ea at tumingin kay Flare na tumatakas.
"Oo nga...Hoy Flare! Balik ka dito!",Ani naman ni April.
Naglaro kasi kami ng "Tigso" dahil lunch time pa.Nagpractice kasi kami ng cheerleading para sa darating na Athletic Meet. Tapos papunta na sana ako sa opponent namin kaso hindi ko namalayan ang isang malaking bato. Tapos ayon nadapa ako. Basta kung Hindi niyo alam ang larong yan. Basta yan na yan.
"Dalhin nalang kaya natin siya sa clinic.",sabi ni Flare at naglahad ng kamay na para bang sinasalubong niya ang isang prinsesa.
Tumingin ako kay Julius na halatang galit at seryosong tumitingin kay Flare.
"Hoy! Baliw hindi yun open! Mga Redcross lang ang nandito!",sinigawan ni Maegan si Flare. Habang ang ibang boys ay tumatawa sa kay Flare na ngayon ay nagtatakip ng kanyang tainga.
"Wag na nga kayong magtalo diyan. Ok lang naman ako.",sabi ko at ngumisi sa kanila.
"Anong ok-",nakataas noong pinutol ko si Julius.
"Kaya ko pa naman tumayo Julius.",hindi pa nga ako tapos nakapagsalita ay binuhat na niya ako pang bride.
Nalaglag ang panga ko pati na rin ang mga kaibigan namin.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam bakit ginagawa niya ito. At nakatulala nalang akong nakatingin sa kanya. Baka dadalhin niya ako sa mga Redcross member na kilala niyang pagalagala.
Nang bigla niya akong tiningnan pabalik. SH1T! Baka napansin niya ako. Pero tumingin naman din siya sa daanan.
Napatingin na rin ako. At nadatnan ko ang isang lalaking naka red at May daladalang parang kit. Siguro member siya ng Redcross ng school.
Nginitian niya si Julius at bumaling ang tingin niya sa akin. Binatawan na ako ni Julius at umupo ako sa isang red and white combination ng colour sa chair.
Tiningnan ko ang lalaking nakatitig sa akin. Gwapo siya kasama ang kanyang itim na itim na buhok na magulo kunti. At ang kanyang matangos na ilong with his tiny lips. And yung may curve niyang kilay at medyong chinito niyang mga Mata. Maganda din ang physical features niya. Lalaking lalaki. Ngumiti siya sa akin at nahihiya akong nginitian siya pabalik. Lumapit siya sa akin at nagpakilala.
"Hello. Ako nga pala si Ven Carl Roselle vice-pres ng Redcross Team.",Aniya at naglahad ng kamay.
Tiningnan ko muna ang nakalahad niyang kamay at bumaling sa kanyang nakangising mukha.
"Petal Claire Pierre.",maikli kong pakilala.
Tatanggapin ko na sana ang kamay niyang nakalahad. Nangbiglang si Julius ang tumanggap nito. At ngumisi na peke.
Hayshh...anong problema neto?
At tinanggal din niya ang kanyang kamay.
"Ah. Napano ka ba Claire?",tanong ni Ven.
BINABASA MO ANG
A Time to Surrender
Teen FictionKung nakatadhana talaga kayo sa isat isa. Magkakatuluyan talaga kayo sa huli. Kahit na marami ang mga pagsubok na dinaanan niyo. Magtatagumpay parin kayo. Pero paano nalang ang pagsubok na inaakala mong malalagpasan niyo ay impossible. Na kailangan...