Kabanata 5

20 0 1
                                    

Kabanata 5

Good Shot
...

Tulala parin ako habang tinitingala ang mukhang hindi ko makalimutan,ang lalaking nagpahulog sa puso kong walang mapuntahan,si Rae Zach Dallas na pinapangarap kong makamtan. Nandito. Madiing hinahawakan ang baywang ko! Sinasalo ang paghulog ko! Paghulog na hindi malaman! Sa kanya ba o sa lupang tinatayuan.Charot! Hahaha....

Uminit ang pisngi ko at napagtantong kailangan ko ng kumawala.

"Oh shit.",bulong ko at hinarap ko siya.

Matalim ko siyang tinitigan at humalukipkip pero natutunaw ako sa mga titig din niya sa akin pabalik. Nag iwas ako ng tingin at hinaplos ang likod ng ulo ko.

"Um. Miss,sorry. I mean Petal. Petal,right?",ngumisi siya sa akin.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam,Pero baka nilamon na ng kulay pula ang mukha ko.

Tumango nalang ako.

"I'm so sorry. Really sorry. By the way, I'm Rae Zach Dallas.",ngiti niya,sabay lahad kamay. Hindi ko alam! Pero ang gwapo ng nilalang dito sa aking harapan!

Tumango ulit ako.

"P-petal. Petal C-claire Pierre.",ngiti ko din pabalik sabay tanggap ng kanyang kamay. Hindi ko ipinakitang kinakabahan ako,at sa kaloobloban ko ay nagwawala na! Pero ng nagtama na ang aming mga kamay ay nanginig ako. Tiningnan ko ang kamay ko sa kanya at binawi ito. Nag angat ako ng tingin,ngumiti nalang sa kanya at itinago ang nanginginig kong kamay.

"Dude!",sigaw sa may likuran.

Bumaling kami doon. Tinatawag na siya ng mga kavarsity niya.

"Yeah.",sigaw din niya pabalik bago bumaling sa akin.

"I'm really sorry. Sana makabawi ako.",matamis na ngiti ang ipinakita niya ngayon sa akin.

Bago paman siya makaalis ay tumango na ako at ngiti. Sa wakas! Pinakawalan ko na ang mga hanging iniipon ko dito kanina pa.

Kung hindi lang yun siya ang tumama sa akin ay siguradong mababanatan ko yun. Ganon ba kadali tanggapin ang taong mahal mo? Kahit na may kasalanan? Kahit na ikaw na ang nasasaktan? Physically? Mentally? Emotionally? Basta taong mahal mo,pababayaan nalang? Hindi ako sigurado,kung kasali ba kayo na ganyan kung magmahal,Pero alam ko sa sarili ko parang ganyan ako. Ang gulo ko!!! Whaaaaa!!!!

"Ayiee!",anila ng maglakad kami patungong bleachers.

Hinarap ko sila na parehong nag ngingising aso sa akin. Umiling nalang ako at ngumisi. Patungo kami sa pinaka itaas na bahagi ng bleachers ng nakita ko si Julius na nakahalukipkip doon at ngumunguso.

"Tss...",inirapan niya ako.

Ano daw? Luh...

Biglang kumulo ang dugo ko ng nakita siya. At Hindi ko alam bakit. Inirapan ko na rin siya.

"Tss...tss...",ginaya gaya ko siya.

Finlip ko ang buhok ko at dire diretsong pumunta sa taas. Nasa linya na ako sa pinag uupuan ng unggoy na ito,ng bigla niyang inabot ang kamay ko. Halos mapatalon ako sa gulat,at sa isang iglap ay nandito na ako sa tabi ni Julius.

Wat da?!

"Ano?!",inis kong tanong.

Napabuntong hininga siya.

"W-wala",Aniya.

Inirapan ko siya. Walla naman din pala. Tumayo na ako at binitawan niya rin ang kamay ko. Hindi pa ako nakakahakbang ay natigilan ako,nilingon ko siya ng nakangisi.

"Ang bagay niyo ni Kara."

Napabaling siya sa akin. Namumutla. Malumanay din siyang bumaling sa kawalan at napayuko. Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa siya kasi para wala lang eh,kaya dumiretso na ako sa taas ng inuupuan ni Julius. Para mas klarong manood, dito nalang kami.

Sa mga susunod na araw ay ganun parin ang agos ni Julius. Hindi na rin siya masyadong nakaka concentrate sa pagbabasketball simula ng nanalo ang team nila sa basketball last athletic meet. At ako naman, araw araw akong pinapadalhan ng mga bulaklak ng kung sino ani daw "secret admirer". Kaya panay na kinukulit ako nila Ea na mag imbestiga kunu.

Kinabukasan,isang linggo na ang lumipas pagkatapos nung meet ay may tumawag sa akin,"unknown" ang nakalagay. Sus maryosep. Sino bato! Halos mapatalon ako kasi iniinom ko tong tubig,nandito kami sa cafeteria naglulunch kasama sina Kaycee.

Napaubo nalang ako dahil sa nangyari at pinunasan ko ang bibig ko bago dinampot ang cellphone ko.

"Sino ba yan,Tal?",reklamo ni April.

"Sandali lang ah.",sabi ko.

At lumayo layo ako kaunti sa kanila.

"Hello?"

Hindi umimik ang nasa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako.

"Um. Sino po to?"

"I'm Rae. Hope you receive those flowers.",aniya sa isang napakagandang tono. What? Ano?

"Uh-",hindi ko na natapos iyon dahil nagsalita ulit siya.

"Please. Let's meet at the SM Lanang, nabalitaan kong half day lang din kayo ngayon."

At dahil dun. Napa O ang bibig ko. Did I hear it right? OMY GOSH!

Totoo bato? Sana. Wag akong lokohin ang tadhana. So, that means....siya ang secret admirer ko? Waahhh!!!!! Eh dapat pala magpaganda ako! Hahaha.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kaagad ako sa bahay,pinaalam ko na rin kina Ea na may pupuntahan ako at hindi sila kasama. Nung una nagpupumilit pa sila mapasama at dahil time ko nato kaya no choice.

Nagbihis na ako at tsaka bumaba. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay may tumatawag na sa cellphone ko. Binuksan ko ang slingbag ko at kinuha ang cellphone ko.

"Hello?"

"Oh. Hey, Petal. I'm here already outside your house.",boses ni Rae ang narinig ko.

What?! He's fetching me?! Whaaa!

"Ah-Rae. Yeah."

"Ok. I'm just gonna wait."

"Bye",sabi ko at pinatay ang tawag.

OMG! Panaginip bato? Hindi ako makapaniwala. Parang sa isang iglap....Boogsh....eto na. Niyaya niya ako!

Lumabas na ako ng bahay at agad na bumungad sa akin ang BMW na kotse at lalaking nakasandal sa may pintuan. Si Rae.

Inangat niya ang tingin niya sa akin at ngumisi. Ngumiti din ako pabalik at humakbang ng kaunti.

"Hey. Shall we?",maligayang tunog ni Rae.

"Yeah. Ofcourse.",ngiti ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na sa loob ng kotse. Nasa back seat kami ngayon. Magkatabi. Yung driver niya/nila ang nagmamaneho.

Walang imikan sa loob ng kotse sa mga sandaling iyon. Hanggang na magsalita si Rae.

"So you receive those?",baling niya sa akin.

Natulala pa ako saglit sa pagkagulat kaya nagsalita siya ulit.

"I mean those presents."

"Uh-Yup.",naiilang kong sagot.

Napangiti naman siya.

"So you're that secret admirer?",tawa ko.

Tumawa din siya. "Yeah."

At ilang sandali pa ay nakarating na kami sa SM Lanang. Inilalayan niya ako pababa kahit hindi naman kailangan. Pero nagulat ako sa dalawang taong nakita ko sa di kalayuan. Whoah. Nakaka good shot nato ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Time to Surrender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon