Kabanta 4

9 1 7
                                    

Kabanta 4

Bastard

...

Sa sumunod na araw ay panay ang text ni Julius sa akin kung ano ang mga where abouts at other info sa kanilang status ni Kara. Nirereplyan ko naman ng mga tips kung paano maki sama kay Kara. And I think it's a big help for him. Sinabi pa nga niya isang araw bago ang athletic meet.

Julius:

Whoa! Thank you. Alam mo bang pumayag siyang magdate kami? Hindi ako makapaniwala.

Igno lang ang peg?

Ako:

Good for you.

Palagi siyang nasa school pero hindi kami nagkakausap dahil panay ang paggawa niya ng diskarte kay Kara. Hindi ko alam bakit ganyan si Kara kung maka asta,tapos makikita ko nalang na pumula ang pisngi niya isang araw nagkasama sila ni Julius.

Pagsapit ng Meet ay early ako gumising sa sobrang excite.

Pagdating ko sa school ay nadatnan ko si Ea sa may flag pole. Nakabihis na katulad ko,iginagala ang mga mata na parang may hinahanap.

Nagtagpo ang mga paningin namin at napangisi siya. Ngumisi din ako pabalik sa kanya at nagtungo sa kanyang kinaroroonan.

"Hi Tal!",bati niya.

"Hello."

"Meghed! You're so stunningly gorgeous! Pinaghandaan talaga eh?",at napahead-toe siya sa akin.

"Hindi! Ano ka ba.",at tumawa ako.

Nagtawanan nalang kami at nagsimula nang maglakad patungo sa gym,nagbabakasakaling nandoon si Coach Andy.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may tumatakbong lalaki patungo sa amin na akala ko ay babanggain kami!

"Ay butiki!",sigaw ni Ea sa pagkagulat.

Yumuko yung lalaking pawisan sa aming harapan.

"I'm sorry."

"Uh. It's ok. Next time don't run like there's a bull chasing you.",tumawa ako.

Nag angat ng tingin yung lalaki sa akin na kasing edad ko lang at mas matangkad kaunti sa amin. Ngumisi siya.

Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin kaya paniguradong sa ibang school ito. Ang malalim niyang mata ay kumislap sa pagngisi. May pagka foreign ang kanyang kagwapuhan. Yup. I admit it. Maraming gwapo sa mundo. Hindi natin maipagkakaila iyon. Ngumiti ako pabalik at bumaling kay Ea,tumango siya sa akin.

"Let's go.",ani Ea. Paalis na kami sa harap nung lalaki.

"Um. Wait,Miss.",at biglang hinawakan nung lalaki ang palapulsuhan ko.

"What?",at napabalik kami. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ea,nagtataka.

Ang nanginginig niyang kamay ay binitawan ako.

"Uh.",at tumayo ng matulin,tsaka pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok.

Hinihintay ko ang idudugtung niya.

"Can I know your name? I mean...letting to know each other. A kinda friends.",matigas na ingles ang pagkakasabi niya bago bumaling sa may punuan.

Bumaling ako sa binalingan niya kanina,nagtataka kung meron bang naroon or trip niya lang?

Nakita ko ang tatlo pang lalaki na nagtatago sa may punuan,nagpipigil ng tawa. Pero nang nadatnan nila ako nakatingin ay nagtulaktulakan na sila palabas.

"Uh. Please? It's my dare.",at nahiya pang ngumisi iyong lalaki.

Siniko ako ni Ea kaya napabaling ako sa kanya. Nagngising aso siya sa akin. Ngumisi nalang ako.

A Time to Surrender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon