Chapter 17

334 12 0
                                    

Chito's POV

After one week...at last makikita ko na rin si Jenny...I miss her so much...gustong gusto ko na siyang makita at makausap...

Para bang napakatagal na panahon ko na siyang hindi nakita...panu kasi buong week din akong hindi umatend ng klase and hindi man lang ako nagparamdam kay Jenny...

Pinagbigyan ko lang naman yung hiling sakin ni Rachel...and besides may pinagsamahan din 

kame at may utang na loob pa din ako sa kanya...atleast maayos kaming naghiwalay..

Alam kong isang buong week na klase ang namiss ko...pero nag!isang tao lang ang namiss ko talaga...ang Jenny coh...

Papasok na ako sa school ngayon at sa wakas makikita ko na siya...isa na lang naman ung problema yun ay si Marco at Jenny pa...pero sa ngayon hindi ko na muna iisipin yun...makakapaghintay naman ako eh...

7 pa lang nasa school na ako kahit na 9 pa ang klase ko...excited ako masyado na makita si 

Jenny,pero siyempre kailangan ko rin kausapin yung mga prof ko regarding sa pag-absent ko...

Naglalakad na ako papuntang building kung san ang klase namen...

Nakausap ko na ang lahat ng prof ko...buti na lang at hindi naman nagalit sakin...nasa hallway na ako ng makasalubong ko si Marco...

"Carlo pwede ba tayong mag-usap??" seryosong approach sakin ni Marco,tumingin muna ako sa relo ko,wala pang 8am,may mahabang oras pa kame para mag-usap

"sige Marco,tungkol saan ba?"  nagpunta kame sa may bench don at naupo

"Carlo umamin ka nga sakin,may gusto ka ba kay Rain?" napatingin ako kay Marco at bigla akong natigilan at nakaramdam ng kaba,mukhang alam na yata niya na gusto ko si Jenny

"Marco,alam kong magagalit ka sasabihin ko,pero mahal ko na siya,pasensiya na pero hindi ko na napigilan,wala naman akong intensiyong guluhin kayong dalawa,makita at makasama ko lang siya masaya na ako" sinabi ko kay Marco

Ilang segundo ring hindi nagsasalita si Marco,nakikiramdam din ako kasi baka mamaya bigla na lang niya akong suntukin sa galit...pero maya maya lang nagsalita na siya

"Carlo,wala na kame ni Rain...hindi ko siya nagawang alagaan...ikaw na ang bahala sa kanya,kahit anung mangyari,sana mahalin at alagaan mo siya" hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Marco

"asahan mo Marco,mamahalin at aalagaan ko si Je-- si Rain"

"siguruhin mo lang ah,kungdi lagot ka sakin" nakangiti man si Marco pero alam kong gagawin niya yun,tinapik niya lang ako sa balikat at nagpaalam na sakin

At ako...naiwan ako ng nakangiti...this time masasabi ko na kay Jenny ang nararamdaman ko...:)

*****

Rain's POV

Monday Nov.18,pumasok ako ng maaga...makikita ko na kaya si Chito???

Isang linggo ng kulang ang mga araw ko dahil hindi ko man lang nakita si Chito...

Haaay...:c

Dumeretso na ako sa room namen kahit maaga pa...at siyempre inaasahan ko na na pagpasok ko ng room,malamang wala pang tao...

Kasi sanay naman ang mga estudyante na late pumapasok...

Nasa may tapat na ako ng room namen...huh??? Nakakapagtaka bukas na yung pinto...baka may pumasok na kanina...

Papasok na sana ako at pupunta na sa paborito kong upuan ng biglang may kamay na tumakip sa mga mata ko...

Sino naman kaya to??wala naman gumagawa sakin ng ganito ah...

"sino ka ba??alisin mo nga yung kamay mo sa mata ko" naiinis kong sabi...alam kong lalaki to kasi malalaki yung kamay,halos sakop na nga yung buong mukha ko...tsss...lakas ng trip niya ah at ako pa pinagtripan,naku lagot to sakin...

"ayoko ngang alisin,hulaan mo muna kung sino ako" nung marinig ko ang boses niya,parang biglang tumalon ang puso ko sa saya,

Kilala ko boses niya at alam kong hindi ako magkakamali,kaya hindi ko maiwasang mapangiti

"Chito???kaw ba yan???" inalis niya ang kamay niya sa mga mata ko at iniharap niya ako sa kanya...at nakita ko na naman ang mga ngiti niya...

Yung mga ngiting,kumukumpleto ng araw ko,mga ngiting nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko,mga ngiting nagbibigay sigla sa mga ngiti ko...

"namiss kita Jenny coh" sabi niya tapos pinisil niya ng mahina ang ilong ko

"anung sabi mo??" nakangiti kong tanong,narinig ko naman eh gusto ko lang makasigurado kung tama yung narinig ko

"sabi ko namiss kita Jenny coh" nakangiti siya ng sobrang ganda...

"talagang Jenny coh ah,bakit sa iyo ba ako?"pang-aasar ko

"alam kong hindi pa,pero pwede ba akin ka na lang??" gusto ko man pero panu si Rachel

"wala na kame ni Rachel,matagal na and hinatid ko na siya sa Paranaque,and alam kong wala na din kayo ni Marco,kaya pwede ba tayo na lang" seryoso niyang sabi at wala na din pala sila

"kung magiging sayo ba ako,magiging akin ka din,at aalagaan mo ako,Chito coh??" tanong ko sa kanya ng nakangiti

"oo naman Jenny coh,mahal na mahal na kaya kita" nakangiti niyang sabi

"at mahal din kita Chito coh''

 ayoko ng palagpasin pa ang pagkakataon,kaya inamin ko na din ang tunay na nararamdaman ko,wala namang masama diba???

Pinisil niya ang ilong ko at niyakap niya ako...ewan ko ba pero hindi ako nailang kaya niyakap ko rin siya...

Masaya ako,masayang masaya talaga ako...:)

Nasa ganun kameng posisyon ng dumating sina Yce at Rhamie,pati na rin yung ibang classmate namen,dumating na din at nahuli kame na ganun at nagpalakpakan sila,kaya humiwalay agad ako kay Chito ng namumula

Nakakahiya kaya...isa pa kagagaling ko lang sa isang relationship tapos eto na naman ako...

Pero siguro hindi naman ako dapat mahiya kasi wala naman talaga akong ginagawang masama...

Hindi naman siguro masama kung susundin ko ang puso ko at pipiliin kong maging masaya diba???

Can't smile without You by therealmeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon