Chapter 3

526 14 2
                                    

"Hi Jenny"

Napalingon ako,kasi mag-isa lang naman ako dito sa classroom namen,napaaga kase pasok ko 8 pa lang at 9 pa klase ko,baka napagkamalan lang ako kasi nakatalikod ako eh...

Kaya lang paglingon ko hindi ko inexpect kung sino ang nakita ko...

Nakatayo siya sa may likod ng upuan ko at nakangiti

"nagkamali ka ata ng classroom na pinuntahan" sabi ko,tapos bigla siya umupo sa tabi ko,kaya para nailang ako

"hmmm,hindi ah,dito talaga room ko,kaw talaga Jenny" sagot naman niya na nakangiti

"hindi naman Jenny pangalan ko ah,Rain pangalan ko,atsaka panong dito room mo eh hindi naman kita classmate ah" naguguluhan kong sabi

"Jennerainne pangalan mo diba,so ikaw si Jenny" nakangiti pa din siya,

"bakit ba kasi Jenny,eh Rain nga tawag nila sakin eh"

"eh gusto ko Jenny eh,bakit ba!?meaning,cute and fair" namula naman ako sa sinabi niya at siya nakangiti pa din,May pagkaewan din pala ang lalaking to

"oo na,ang kulit,pero sabihin mo nga pano naging dito room mo?" tanong ko pa din,kahit medyo inis ako kasi binabago niya pangalan ko hindi ko na lang pinahalata,at pinakita niya sakin reg form niya at pareho nga kame ng room at classmate ko siya hindi lang sa subject na to kundi sa 2 pang subjects,nakakapagtaka naman...

"nagtataka ka ba??irregular kasi ako,and madalas kasama mo lang yung mga kaibigan mo at yung iba mong classmates,and sa dami naten kaya siguro hindi mo ako napapansin" so nasagot niya yung tan0ng sa utak ko,kasi naman hindi ko nga kilala mga classmate kong irreg,masyado kasi akong attach sa mga classmate ko

"ah ganun ba!?" nahihiya ko na lng na sabi

"yup,by the way, Im Carlo,Carlo Micheal Rosanes" tapos nakangiti niyang inabot yung kamay niya sakin,ang lalaking to hindi ba siya naubusan ng smile??

Inabot ko naman yung kamay ko,sakto naman na nakahawak pa yung kamay namen biglang dumating si Rhamie at Yce...kaya kinuha ko agad yung kamay ko kasi alam kong aasarin nila ako...

"hi Carlo" sabay na bati ng dalawa,ako naman parang naguluhan kasi kilala na pala nila

"hi" nakangiti ding bati ni Carlo

Tapos umupo na sila, si Carlo hindi na umalis sa tabi ko...

Panay ang kuwentuhan nila ako nakikinig lang,paminsan minsan nakikisali sa usapan...

Hmmm...bakit kaya ang Carlo na to laging nakangiti???

Natapos ang klase namen maghapon,and si Carlo,classmate namen isa pang subjects nung hapon...

Pagkatapos ng last subject lumabas na agad ako ng room namen,kasama ko si Rhamie at Yce

Sakto naman paglabas namen,nasa labas ng room si Marco at JL...

"oh,Marco dito ka pala,di mu man lng ako tinext"

"wala lang para,masurprise kita" nakangiti niyang sabi

"kaw talaga,halika na nga" kinuha niya lang mga gamit ko tapos naglakad na kame papuntang parking,wala kasi kameng training ngayon

Si Rhamie sa kotse ni JL sumakay,hindi na namen kelangan ipagtulakan,kasi gusto naman niya...haha

Si Yce,kasabay namen dalawa ni Marco...

"Rain,labas tayo mamaya,ok lang ba,saturday naman bukas eh,kasama sina DL" tanong ni Marco

"sige" sagot ko

"Yce sama ka ah," sabi naman ni Marco ky Yce...

"Sure"nakangiti niyang sagot,

Alam kong hindi tatanggi yan kasi kasama yung pantasya niyang si Don Lawrence,or si DL...si DL,kaibigan siya ni Marco at kasama ni JL sa dance group,isa pa ang ganda ng boses niya at gwapo din kaya crush na crush talaga siya ni Yce...minsan kasi pag may mga activity sa school nakanta si DL,at di pinapalagpas yun ni Yce...

-----

Hinatid lang kame ni Marco sa bahay,bumaba lang siya saglit para ipagpaalam ako kena nanay at pumayag naman sila,tapos umuwi na rin siya agad...

Mga 7 pm sinundo na ako ni Marco sa bahay,dinaanan na rin namen si Yce,at dahil hindi naman malayo ang pupuntahan namin sa bahay 15mins lang and0n na agad kame at dinatnan na namen si Rhamie,JL,DL,at schoolmate ata namen na babae,Kate ata ang pangalan. Sorry minsan talaga oblivious ako mga taong nasa paligid ko. Madalas kapag di ko naman sobrang close yung tao lalo at hindi ko naman din madalas makita hindi ko rin natatandaan ang pangalan.

Pero date kase andon din siya nung birthday ni Marco at close sila,classmate niya daw,grabe nga eh,ang ganda niya,halatang mayaman,ang kinis kasi tapos sosyal ang dating...kakahiya nga dumikit sa kanya...maganda rin naman at maayos kame manamit ni Rhamie at Yce,kaya lang simple lang kasi kame,isa pa naglalaro kame ng basketball na parang unlady like,ako nakadress lang at nakadoll shoes,samantalang yung Kate na to,nakatube,nakaskirt and ang taas ng takong ng shoes niya...

"Rain,ang tahimik mo, by the way si Kate,tanda mo pa" si Marco

"yup,hi Kate"nakangiti kong bati kay Kate

"Hi Rain" nakangiti niya din bati,ang ganda niya,hehe

Isang table lang inupuan namen,tapos medyo malapit lang kame sa stage,para mas makita namen yung magpeperform

May nagpeperform kasi dito sa bar na to,..sina Marco na yung umorder...kame ni Yce tig isa lang bote ng beer,hindi naman kame gano nainom, si Rhamie lang malakas umin0m samen 3,atsaka ako mas trip ko yung hard drink,kaya lang masyadong mahal ang hard drink dito sa bar,sayang ang pera...hehe

Habang nakaupo kame,ako at si Yce tahimik lang,ganito kasi puwesto namen paikot kame,DL,Yce,Ako,Marco,Kate,JL at Rhamie,

Si Rhamie at JL mukhang nagkakaintindihan na,si Yce naman parang nahihiya kay DL,si Marco at Kate panay kwentuhan...hindi pa nangangalahati yung iniinom ko nung magsalita yung magpeperform stage...tapos ang kinanta niya "Sampip" ng parokya,ang ganda ng boses,kaya napatingin ako sa kumakanta...

Pagtingin ko....siya si

"Chito Miranda"

What I mean is yung natamaan ko ng bola na naging friend ko sa FB at nakachat na classmate ko pala...si Carlo...

Can't smile without You by therealmeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon