Chapter 21

317 11 0
                                    

"Rain,may meeting daw tayo ngayon after ng training" Rhamie

"para san daw!?"

"Regarding dun sa PASUC"Rhamie

"Ah"

Naglakad na kame ni Rhamie papuntang gym,baka super gabi na ako makauwi kasi may meeting pa...

Tinext ko si Chito kasi nakakahiya naman kung aantayin niya pa ako diba??

Nung nagreply siya antayin niya daw ako,sabi ko wag na lang,alam ko kasing magluluto pa siya ng pagkain niya sa boarding house...

Ang napagmeetingan namen after ng training,eh magstay daw kame ng 2 weeks sa ibang University kung san daw gaganapin yung PASUC...At next week na daw yun...

Kaya kailangan ko ng ayusin yung mga gamit ko...

Pagkatapos ng meeting nagpalit na agad ako ng damit kasi gabi na rin,wala akong kasabay kasi may lakad si Rhamie at JL...sumabay na daw ako kasi wala daw akong kasama,pero syempre tumanggi ako,dahil moment nila yun...

Naglalakad na ako palabas ng gym ng makita ko si Marco...lumapit siya agad sakin...

"oh Marco,bakit andito ka pa?may hinihintay ka ba?" tapos bigla siyang napakamot sa ulo

"ah anu kasi eh,sabi ni JL,wala ka daw kasabay,eh tutal naman pauwi na rin ako,isasabay na sana kita,ok lang ba?" 

"ikaw talaga,nakakahiya naman sayo" wala naman siguro masama kung makikisabay ako sa kanya eh

"ok lang I insist" naglakad na kame papuntang kotse niya tapos,pinagbuksan niya ako ng pinto

"kamusta na kayo ni Carlo?inaalagaan ka ba niya"tanong sakin ni Marco while driving

"ok naman kame,and inaalagaan naman niya ako" nakangiti kong sagot

"buti naman,kungdi babawiin talaga kita sa kanya" nakangiti niyang sabi,pero parang seryoso yung mga salita niya,kaya tumahimik na lang ako

"Rain,mahal pa rin kita,at siguro hindi ka na mawawala sa puso ko,kaya sana maging masaya ka" seryoso siya

Can't smile without You by therealmeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon