Chapter 2

591 11 2
                                    

Kinabukasan,medyo late na ako nagising,kasi 10 pa naman ang klase ko,paglabas ko ng kuwarto at pagpunta sa kusina,hindi ko nakita si nanay,siguro pumasok na rin sa bangko...

Nanay at tatay...yan ang tawag ko sa mga magulang ko...simple lang ang buhay namen,hindi mayaman at hindi rin mahirap...dalawa lang kameng magkapatid,kaya lang ang kuya ko nasa abroad...hay miz ko na nga si kuya eh...

Kumain na ako,kasi nag-iwan naman ng lutong pagkain si nanay...tapos pumasok na rin ako sa kwarto ko para mag-asikaso at maligo...

Paglabas ko ng bahay para pumasok,nakita ko si Marco nakasandal sa may kotse niya...pagkakita niya sakin ngumiti agad siya at pinagbuksan ako ng pinto...

Nagulat ako kasi hindi naman niya sinabi sakin na sunduin niya ako eh...ang boyfriend ko talaga...napangiti na rin lang ako

Pagdating namen sa campus,hinatid na niya agad ako sa tapat ng building namen,tapos nagpaalam na,may klase na rin kase siya...ako naman pumasok na sa room namen...at siyempre andon na si Rhamie at Yce...ang gaganda ng mga ngiti...hmmm...anu kayang magandang nangyari!?kaya naman lumapit agad ako sa kanila...

"gaganda ng ngiti ng mga kaibigan ko ah" nakangiti kong bati sa kanila

"sinabi mo pa,panu kasi tong si Rhamie,hinatid siya ni JL d2" Yce

"naks naman,kaya pala blooming ka Rhamie ngayon eh" biro ko kay Rhamie,at siya naman ngiting ngiti lang,

Si Rhamie at Yce,ang dalawa kong bestfriend,last year ko lng sila nakilala,nung mag-eenroll kame at nakapila,hanggang sa nalaman namen na magiging magclassmates kame...mula non sila na ang mga laging nakakasama ko...at masasabi kong true friends at mga totoo sila sa sarili

Si Ma. Rhamie Vallente,maganda,morena,mabait,friendly,chubby but sexy,matalino,magaling maggitara,kumanta at magsayaw,at palaging nakatawa...

Si Lycer Lynn Sangalang,simple, tahimik,matalino,maganda,morena,slim,mabait at magaling din magsayaw...

Silang dalawa ang dalawa kong bestfriend, na masasabi kong true friend talaga,alam ninyo ba yung pakiramdam na may mga kaibigan kayo,pero sila yung kaibigan na alam mong totoo talaga at laging andiyan para sayo...yung kaibigan na kahit anung mangyari kaibigan mo pa rin!? Kaya nga thankful ako kay God kasi may mga kaibigan akong kagaya nila

Kwentuhan lang kame ng konte,at inasar asar si Rhamie.maya maya dumating na rin yung prof namen...

-----

4pm na,tapos na ang maghapong klase,as usual andito na naman kame sa gym,nagtetraining...sumama nga si Yce para sabay sabay daw kame umuwi

Pasa dito,pasa don

Takbo dito,takbo don

Pasa dito,pasa don

Booooooogsshh

Ala may tinamaan ako ng bola,si Rhamie kasi hindi nasalo,napalakas yung pasa ko ng bola,nagkataon na may mga naglalakad pa sa may gilid nitong court ng gym...

Tumakbo agad ako para kunin ang bola at humingi ng sorry don sa natamaan ko..kukunin ko na sana yung bola kaya lang kinuha na nung natamaan ko...pagharap niya sakin napasimangot ako bigla...

"miss ito yung bola o..."nakangiti niyang sabi

"sorry ah" walang expression kong sabi

"its ok"nakangiti pa rin niyang sabi

Hindi sinasadya napatingin ako sa mukha niyang nakangiti, he is smiling,pero yung mga mata niya malungkot...ang wierd ko talaga para mapansin pa yun

nagpaalam na rin naman siya na aalis na at nagnod lang ako...pagtalikod niya babalik na sana ako sa court kaya lang pagtingin ko nasa may gilid lang pala si Rhamie at Yce parehong nakangiti,bakit naman kaya???

"tapos na training,upo muna tayo dun oh" si Rhamie at umupo na kame sa bench don

"bakit ang rude mo???haha"tanong ni Rhamie sakin tapos tumawa

"rude??at bakit naman ako naging rude??"naguguluhan kong tanong

"anu ka ba,ikaw na nakatama ng bola,and he's smiling with you,tapos kaw pa ang nakasimangot,super gwapo kaya nun"

"deny pa,..yaan mo na Rhamie,lam mu naman yan si Rain,ayaw niyan ng nginingitian basta ng lalaki,lalo at hindi naman niya kilala,remember,suplado type niya" sabi naman ni Yce

"korak" si Rhamie at nag-apir sila,natawa na lang ako sa kanilang dalawa

Nagpalit lang kame ng damit,at sabay sabay na kame umuwi,si Marco di pa tapos yung training kaya nagpaalam ako na uuna ng umuwi...

-----

Habang nakahiga ako sa kwarto ko,naisipan kong open ung laptop ko,..ngFB ako,pagkaopen ko ng FB ko,may mga friend request ako, tiningnan ko kung sino,yung iba,mga varsity player sa campus kya inaccept ko...

While browsing nakakita ako ng post from one of my friend na nagmu-muse sa school, it's a group picture na tingin ko candidates ng Mr. and Ms. University ,tiningnan ko muna kung sino sino and one of them caught my eye, yes a boy na all out ang ngiti at ang ganda ng mga mata,tapos may dimple pa,medyo malago yung hair niya, yes I admit nagwapuhan ako,kasi gwapo naman talaga, di naman ako santa,kaya lang bakit ganun kahit nakangiti siya parang ang lungkot ng mga mata niya???

Bigla tuloy akong may naalala,yung guy kanina na natamaan ko ng bola,tama siya nga ito... Pinatay ko na ang laptop ko at nahiga na sa kama ko.

Ipinikit ko na yung mga mata ko,kaya lang may naalala ako,siguro nagtataka kayo bakit sumimangot ako kanina nung ngumiti siya while tinamaan ko na siya ng bola...yun na nga eh,bakit siya mgsmile,dapat mainis siya diba??para kasi sakin pag ganun,papansin...

Hay bakit ba nag-iisip ng ganon baka mamaya isipin ninyo pa ang landi ko.

Makatulog na nga....

Can't smile without You by therealmeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon