Y meets Z
Yvonne's P.O.V.
Naka uwi naman ako ng maayos.
Na saakin pa tong panyo ni Harvey.
H A R V E Y
Dahil wala ngang pasok ay manonood nalang ako ng She's Dating the Gangster by KathNiel.
Hay nako! Di ko mawari bakit sa lahat ng paborito kong movie ay laging nangunguna sa puso ko ang She's Dating the Gangster.
NAKAKAKILIG SHEMAY!
Habang nasa kalagitnaan ako ng panonood ay may biglang kumatok.
"Ate?" Ay si Yza pala.
"Pasok!" Sigaw ko.
"Ate? Ahmm. Yan nanaman pinapanood mo?" Nagtatakang tanong ni Yza.
"Oo naman, di ata ako magsasawang panourin ang She's Dating the Gangster. Ang ganda kaya!" Kinikilig kong sabi sakanya.
"Hahahaha oo na ate. Chill ka lang. Baka atakihin ka nanaman ng hika mo. Wait uminom ka na ba ng gamot?" Tanong nya.
Hays.
Eto nanaman tyo sa usapang pag-inom ng gamot.
Ayaw na ayaw kong uminom ng gamot.
Bakit kase ganto yung puso ko eh.
Ang hina-hina.
Yung konting takbo ko lang, pag uwi ko sa bahay ay nebulizer agad. At ang dami dami ko pang iniinom na gamot sa isang araw.
Hays.
Ala-una na ng umaga subalit di pa rin ako dinadalaw ng antok. Hays bakit kaya?
Nagtungo ako sa kusina para uminom muli ng gatas.
Habang umiinom ako ng gatas ay bigla kong naalala ang pagtulong saakin ni Harvey.
Kung titignan ay nagpanic din sya kanina.
Kinaumagahan. Habang naglalakad ako sa corridor sa school ay bigla akong natamaan ng isang bola ng sepak.
Sakit ah!
Kinuha ko ang bola at akmang ibabato yun ng biglang...
"Chill ka lang ate." Sabi nung lalake.
Si....
Di ko alam pangalan nya. Pero sya yung kasama ni Harvey kahapon.
Parang may libu-libong paru-paro sa tyan ko. HAYS!
"Hey miss." Oh! Biglang sumulpot si Harvey.
Speaking of Harvey. Ayt yung panyo niya.
Ayy putek! Nakalimutan ko!
YOU ARE READING
I Can't Breathe [•ON-GOING•]
RomanceInhale. Exhale. Isang mahalangang bagay o dapat nating gawin sa pang araw-araw na buhay dito sa mundong ating ginagalawan. Subalit, paano kapag dumating ang araw na kailangan na nyang mag paalam saiyo at sa mundo? Patuloy ka pa bang lalaban para sai...