Chapter 1

32 4 0
                                    

Strawberry



"Hija anak? Gising na. Baka ma-late ka pa." Mahinhin na ani ng aking ina at sabay katok sa pinto ng aking silid.

At dahil doon ako'y bumangon na. At naligo muna at nagtungo sa kusina.


Unang hakbang ko palang sa kusina, amoy na amoy ko na ang niluluto ni Mama. Walang iba kundi ang paborito kong mushroom soup.

"Good morning mga anak!" Masiglang sambit ng aming ina saamin ni Yza.


"Good morning Ma!" ani ni Yza at sabay inom sa calamansi juice na ginawa ni Mama para saamin.


"Yvonne? Anak? Okay ka lang ba? Kaya mo ba pumasok?" Nag aalalang sunod-sunod na tanong ni Mama saakin.

"Ma, okay lang ho ako. Kaya ko po." Sabay ngiti.



Pagkatapos magsalu-salong kumain ng umagahan ay aming hinalikan na sa pisngi ang aming ina.


"Bye Ma!" Sabay na sambit namin ni Yza kay Mama.



Inaabutan naman kami ng aming ina ng baon.

"Ma, wag muna po. Mayroon pa naman po akong naitabi noong nasa La Union pa tayo." Tugon ko saakin ina sabay balik ng perang inabot niya.


"Sigurado ka ah? O sige na. Baka ma-late pa kayong dalawa. Mag iingat kayo sa pag tawid ah?" Malambing na sabi ni ina saamin.


Lumabas na kami ni Yza sa bahay na aming tinutuluyan dito sa Maynila.



Tila magiging mahirap ang paglalakbay namin dito.



"Ate, takpan mo ang 'yong ilong baka maamoy mo ang  usok galing sa mga truck." Payo saakin ni Yza. Ahm nakuha nya siguro ang pagiging maalagain mula saaming ina.



"Oo. Salamat." Sabay ngiti ko saaking kababatang kapatid.



Ngayon ay nakapasok na kami rito sa school na pinaglipatan namin ni Yza.


"Mukang malayo ang pagitan ng ating silid. Hays." Dismayado kong sabi saaking kapatid.



"Wag ka ngang ganyan ate. Marami ka ritong magiging kaibigan noh!" Maligayang tugon saakin ni Yza.




"Sige na nga. Ingat ka!" At sabay kaway saaking kapatid na patungo sa kanyang silid.




Habang naglalakad ako, kasabay nito ang pag mamasid sa mga tao at lugar dito saaming nilipatang paaralan ni Yza.




Marahil ay magiging maayos naman ang mamumuhay namin dito nila Mama at Yza. Malapit ang paaralan, na maaari mong lakarin. Pati rin ang mga pasyalan tulad ng mall ay walking distance rin. At ang ospital na di kami aabot ng ilang oras bago ako madala sa pinakamalapit na ospital sa La Union.



Pag apak ko sa classroom namin ay nakaramdam ako ng hiya at kaba sapangkat bawat kilos ko yata papunta sa bakanteng upuan ay alam nila.



Feeling ko tuloy ako'y isang artista at sila naman ay mga nahihiyang magpa-picture saakin.




Ako'y pumuwesto sa bandang gilid at tabi ng bintana. Maganda naman ang aming silid-aralan. Naka-aircon ito at whiteboard ang gamit. Sayang lang at di ako nakabili ng whiteboard marker.


Natapos ako saaking imahinasyon nang biglang pumasok ang isang guro at sabay sabay na tumayo ang mga studyante at bumati.




"GOOD MORNING MA'AM GUZMAN"  bati ng aking mga bagong kaklase sa pumasok sa guro.





I Can't Breathe [•ON-GOING•]Where stories live. Discover now