Ibon
Liam's P.O.V.
"Pre uwi na tayo." Ani ko saaking kaibigan.
"Babantayan ko pa si Mama. Pupunta pa kami sa paborito nyang restaurant." Sambit nyang may halong pagdadalamhati.
"Kailangan mong magpahinga bro. Alam kong masakit para sayo na makita si Tita na masama ang kalagayan pero paano pag nakita ka nyang ganyan? Pinapabayaan mo ang sarili mo? Halos limang araw ka ng walang sapat na tulog at kain!" Pagpapaalala ko sakanya.
Umiling lamang sya at umiyak muli.
Umupo nalang muna ulit ako sa sofa.
Napaka daling umiyak ni Vey pagdating sakanyang minamahal na ina.
Di ko naman sya masisisi kung bakit ganyan sya, mahal na mahal nya ang kanyang ina.
Ganyan din ang akto nya nang umiyak ang kanyang ina dahil sa pagngangaliwa ng kanyang ama.
Labis ang galit nito sa mundo.
At hanggang ngayon dala nya pa rin sa kanyang puso ang pait ng kanyang karanasan sa kanyang ama.
Halos apat na oras kaming naghihintay sa labas ng operating room dahil isinasagawa ang operasyon kay Tita Lordes dahil sa sakit na brain tumor.
Sa wakas ay lumabas na ang mga doktor at nurse sa O.R.
"Mr. Aguilar?" Tawag ng doktor saaking kaibigan.
At si Vey naman ay nakaupo lang at di umimik.
"Mr. Aguilar, hindi kinaya ng katawan 'yong ina ang opera-----"
DI natapos ng doktor ang kanyang sinasabi ng biglang tumayo si Harvey at pumasok sa O.R.
Nakita nya ang ina nyang di na humihinga.
"HINDEEEEE! MAMAAAAA! GUMISING KAAAAAA!" Sigaw nito nang may halong pag iyak.
At ako naman ay tumakbo para puntahan sya.
"Tita?" Yan lang ang nasabi ko sa mga nasaksihan ko.
"MAMA!!!!" Sigaw ni Harvey.
Nilapitan ko si Harvey.
"MAMA! HINDE MAMA! PLEASE MAMA!" Sigaw nito.
Naalala ko nanaman ang pangyayareng iyon.
Ilang taon na rin ang nakalipas.
"Pre tama na yan!" Tugon ni Jerome kay Vey.
Sabay pag-inom ni Vey sa alak.
Eto nanaman sya. Nagpapakalasing para makalimutan ang nangyare sa ina nya.
Yvonne's P.O.V.
YOU ARE READING
I Can't Breathe [•ON-GOING•]
Roman d'amourInhale. Exhale. Isang mahalangang bagay o dapat nating gawin sa pang araw-araw na buhay dito sa mundong ating ginagalawan. Subalit, paano kapag dumating ang araw na kailangan na nyang mag paalam saiyo at sa mundo? Patuloy ka pa bang lalaban para sai...