Chapter One
One year after...
TUNOG ng telepono ang pumukaw ng atensyon ni Evangeline mula sa dini-disenyong alahas. Hindi na sana niya papansinin iyon dahil minamadali niyang matapos ang disensyo ng ilo-launch niyang mga alahas para sa summer collection. Pero masyadong persistent ang caller niya. At halos nahuhulaan na niya kung sino iyon.
"Hello, 'Ma," isang buntong-hininga ang tahimik na pinawalan ni Evangeline mula sa bibig nang sagutin ang pag-iingay ng cordless phone.
Ilang araw na siya nitong kinukulit na ipakilala sa anak ng amiga nitong si Sandra Lee. Kilala niya ang babae. Well, who wouldn't? Sandra Lee is the type of woman who leaves an impression even on a first meeting.
"I know you're busy, baby. But can you squeeze me in in your busy schedule this coming Sunday?" may halong pangungonsensyang sabi ng inang si Evelyn sa kabilang linya.
Naitirik na lamang ni Evangeline ang mga mata sa ceiling.
"I know you're rolling your eyes right now. Ganoon yata talaga ang mga kabataan ngayon. Pagkatapos kang pahirapang umiri at masira ang figure mo sa pagbubuntis sa loob ng siyam na buwan, kapag lumaki na ay wala ng panahon sa'yo at isasantabi ka na lang."
"Mama," kung kaharap lamang ang ina ay pinandilatan na niya ito. Parang bata. "For the record, kaya kayo nahirapang umiri dahil ang laki-laki ko. At kaya nasira ang figure niyo ay dahil hindi kayo maawat ni Papa sa pagkain ng kung anu-ano noong ipinagbubuntis niyo pa lang ako. So, will you please cut the drama? You don't need to beg for my attention. I'll see you on Sunday."
"Thank you, baby."
"Bye, 'Ma."
"I love you."
"I love you, too."
"I love you more."
Nangingiti-naiiling na inilapag na lamang niya ang receiver sa cradle matapos ang pakikipag-usap sa ina. Kung mag-usap sila nito ay parang ang layo-layo nila sa isa't isa. Gayong ang naghihiwalay lang naman sa kanila ay bakod. Ang malaki nilang bahay sa Antipolo ay pinagawan ng extension ng kanyang ama sa likuran nang sabihin niya ritong ibig niyang magkaroon ng malawak at pribadong working space. Mayroon siyang sleeping quarters, pick-up kitchen at dalawang ekstrang working table para sa dalawa niyang artisan. Kapag may minamadali siyang trabaho ay bihira siyang makita ng kanyang mga magulang kahit halos nasa isang bahay lamang sila.
She owns the famous jewelry line La Mujer. She designs and handcrafted her jewelry. And her works are already well-known both local and international. She started her business as early as eighteen years old. She has a knack for handcrafting fashion accessories. Mula roon ay na-develop ang husay niya sa paggawa ng mas intricate na designs.
Nagsimula siyang mag-market sa kanyang mga kaklase sa eskuwela, kaibigan at mga kamag-anak. At nang lumakas ang presence ng social media, she also created her own website to sell her crafts. Hindi nagtagal, nakilala through on-line ang mga creations niya na kinailangan na niyang kumuha ng storefront para sa kanyang mga produkto.
Nahagod ni Evangeline ang batok. Kung hindi pa tumawag ang kanyang ina ay hindi pa niya maaalalang hindi pa siya kumakain. Ganoon siya madalas. Lalo na no'ng mag-break sila si Grayson. Inabala niya nang husto ang kanyang sarili sa trabaho. Hindi naman kasi ganoon kadaling itapon ang tatlong taong relasyon. At least sa side niya hindi iyon naging ganoon kadali. Kahit sinasabi niyang masaya na siya sa kung ano ang meron siya, may mga pagkakataong naroroon pa rin iyong munting kurot.
Pero sa ngayon, makalipas ang isang taon ay masasabi niyang unti-unti na siyang nakaka-move on sa dating nobyo. Kung meron man siyang madalas na maalala nitong mga nakalipas na araw, iyon ay ang lalaking nakatalik niya ng gabing 'yon. At aaminin niyang may mga gabing nag-iinit siya kapag naaalala ito. Na hindi miminsang napanaginipan niya ang lalaking 'yon sa ilang maiinit na tagpo. That when she wakes up, she finds herself wet and aching. Sa tuwing mangyayari 'yon ay napapahiya siya sa kanyang sarili. Kaya naman naisip niyang dapat na niyang paglaanan ng seryosong atensyon ang personal na buhay.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mysterious Lover
Aktuelle LiteraturRated SPG-18 Three hours before she turned twenty-eight, isinuko ni Evangeline ang kanyang pagkababae sa isang estranghero para lang patunayan sa sarili na hindi siya frigid. Na may kakayahan din siyang mag-init na katulad ng isang normal na babae...